TUESDAY
September 2, 2003
The
Taxi Driver from Hell
Humahagulgol ang langit ng umalis
ako. Hindi na nakapag sit ups at wala pa ring rosary at silent moment. Well,
time will tell, sana maayos na. Nanood ng Gengis Khan for Kas 2 at nakita ko pa
ang lalaking tamad, karapatan niyang bigyan ako ng obligasyon na I pre enlist
siya, ano siya hilo? Hindi naman ako mukhang messenger. Ang lakas talaga ng
ulan. Nakita ko pa si Guiller Lamug at bumati naman siya. Ayos yung taong yun,
napaka humble, hindi gaya ng ibang kulang na lang magtago para di makabati
(teka… ako yata yun e…) And to add to that, nakasalubong ko rin si Nerisse at
pareho kaming naka batch jacket! Saya! Nakasabay ko naman yung koreana sa jeep,
ok naman siya. Traditional oriental beauty. Pangiti ngiti. Pagbaba sa college
of music e tinanong niya ang name ko. Di niya masyado na gets kaya spell ko pa.
Jenny daw ang pangalan niya. Kung ako ay mababaw na tao, aakalain ko na may crush
siya sa akin. Shet! Ang lakas ng bilib sa sarili. Wake up Alfie, you’re not
that cute… Well, siyempre no show si enjoyable English prof. Ayaw niya sumipot
pag umuulan. After 30 minutes, we left the room and went home.