Tuesday, September 2, 2003

The Taxi Driver from Hell

TUESDAY
September 2, 2003
The Taxi Driver from Hell

Humahagulgol ang langit ng umalis ako. Hindi na nakapag sit ups at wala pa ring rosary at silent moment. Well, time will tell, sana maayos na. Nanood ng Gengis Khan for Kas 2 at nakita ko pa ang lalaking tamad, karapatan niyang bigyan ako ng obligasyon na I pre enlist siya, ano siya hilo? Hindi naman ako mukhang messenger. Ang lakas talaga ng ulan. Nakita ko pa si Guiller Lamug at bumati naman siya. Ayos yung taong yun, napaka humble, hindi gaya ng ibang kulang na lang magtago para di makabati (teka… ako yata yun e…) And to add to that, nakasalubong ko rin si Nerisse at pareho kaming naka batch jacket! Saya! Nakasabay ko naman yung koreana sa jeep, ok naman siya. Traditional oriental beauty. Pangiti ngiti. Pagbaba sa college of music e tinanong niya ang name ko. Di niya masyado na gets kaya spell ko pa. Jenny daw ang pangalan niya. Kung ako ay mababaw na tao, aakalain ko na may crush siya sa akin. Shet! Ang lakas ng bilib sa sarili. Wake up Alfie, you’re not that cute… Well, siyempre no show si enjoyable English prof. Ayaw niya sumipot pag umuulan. After 30 minutes, we left the room and went home.

At ngayon ang column para sa Hudas na driver na istupidong panot at hindi marunong bumilang ng pera. Here is the full story:

Alabang, ang lakas ng ulan, punta sa pondohan ng FX, kung saan ako ay nasakay sa Fiyera na may aircon instead of an FX. Minumura ng tindera ng prutas yung driver dahil nababasa sila (raindrops bouncing from the FX), pabor ako sa driver, ano naman ang magagawa niya? Patigilin ang ulan? Di na niya pinuno ang sasakyan. Siyam lang ang pasahero. Nagbayaran na lahat. Pagkabilang e nagwala ang kupal, kulang daw e bayad na lahat. As in 100% sure. In short, his fault. Must have misplaced or miscounted di ba? Nag Incredible Hulk ang ungas at biglang feeling niya e kasali siya sa F1 racing. If he had a deathwish, sana e wag na kami idamay. Aba lahat ba naman ng bumababa e inaaway niya, kupal talaga. At na anticipate ko na aawayin niya ako kaya nakapaghanda ako. Hinito niya ang FX dahil traffic, akala ko pwede na bumaba kaya binuksan ko ang pinto. Biglang umandar at binulyawan ako. Kesyo nagmamadali daw ako, wala daw ako sa lugar, chuchu. I retaliated pero medyo pathetic kaya inis ako. Sabi ko lang kasi akala ko pwede na at huminto ka e! Lumabas na lang ako ng pinto, sinigawan siya ng tanga at binalibag ang pinto. Di man ako nakaganti, sumaya ako kahit paano. Isa lang ang gusto ko, masagasaan sana ng 18 wheeler truck ang panot na yun!

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Film Review

Film Review

Film Review

Book Review