Thursday, August 31, 2006

Terminologies Part 2 - Expressions

Hagardous Leviosa: (hirit) Aliw na aliw ako sa term na ito. Nakita ko ito sa isa sa mga threads sa Peyups. Never ko pa siyang ginamit in spoken language, sa utak lang. Ang example na ibibigay sa ibaba ay yung sinabi nung nag post sa Peyups.
*** Kapag tapos na ang opisina at sobrang pagod ako, sumisigaw ako ng Hagardous Leviosa!

Wednesday, August 30, 2006

Terminologies Part 1 - Oral Defamation Special

KSP: (adj.) This one has a specific meaning, at least for me. Ang tinutukoy ng term na ito ay yung mga sumasakay sa harap ng jeep pag nakasakay na ako. Kung ako ang nasa bungad at sa tabi siya ng driver sumakay, ok lang. Pero kapag ako ang katabi ng driver at sumingit siya sa bungad, KSP siya. Bakit? Kasi inaagaw niya lahat ng hangin, kung mausok sana be my guest e kadalasan naman hindi. Ako lang ang may karapatan sumakay sa harap ng jeep. Ako lang. *** (May tumabi sa yo sa harap ng jeep) Hay nako napaka KSP, ang luwag luwag naman sa likod gusto sa harap pa sasakay.

Tuesday, August 29, 2006

Things You Don't Know About Dan

He will never ever get fat because he has a thyroid problem... Kung maraming tao ang gustong pumayat at kung anu ano ang ginagawa para pumayat, siya naman ang kabaliktaran. Gusto niya tumaba for a change kaso hindi pwede. Napatunayan na rin niya ito dahil merong panahon sa kanyang buhay na hindi siya kumakain, lumalamon siya. At kahit ginawa niya yun, hindi pa rin siya tumaba. Sinubukan na rin niya kumain ng taba ng baboy kapag pork chop ang ulam kasi may nagsabi sa kanya na nakakataba raw yun, pero hininto rin niya nung na realize niyang hindi pala body fats ang makukuha niya sa taba ng baboy kundi bad cholesterol. Mabuti naman at natauhan siya.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Film Review

Film Review

Book Review

Theater Review