Wednesday, August 30, 2006

Terminologies Part 1 - Oral Defamation Special

KSP: (adj.) This one has a specific meaning, at least for me. Ang tinutukoy ng term na ito ay yung mga sumasakay sa harap ng jeep pag nakasakay na ako. Kung ako ang nasa bungad at sa tabi siya ng driver sumakay, ok lang. Pero kapag ako ang katabi ng driver at sumingit siya sa bungad, KSP siya. Bakit? Kasi inaagaw niya lahat ng hangin, kung mausok sana be my guest e kadalasan naman hindi. Ako lang ang may karapatan sumakay sa harap ng jeep. Ako lang. *** (May tumabi sa yo sa harap ng jeep) Hay nako napaka KSP, ang luwag luwag naman sa likod gusto sa harap pa sasakay.

Kamukha mo naman si Duchess: (hirit) It could be taken literally na kamukha ng isang tao si Duchess, kung may kakilala kang Duchess. Pero ang term na ito ay ginagamit lang na pa konswelo pag nagsa sour graping, regardless kung wala kang kakilalang Duchess o kung meron man, regardless kung anong itsura niya o ugali. *** Oo na mas magaling na nga siya sa akin sa Math, kamukha naman niya si Duchess.

Kupadgenic: (adj.) Used as a description para sa mga taong makukupad maglakad o kumilos, and no it is not a compliment. The term was patterned after the Filipino slang talikodgenic pero kahit medyo positive ang ibig sabihin ng term na iyon (maganda pag nakatalikod), ang kupadgenic naman ay derogatory dahil madalas nakakainis ang pinagsasabihan, parang pinaarte lang yung term. *** Nakakainis talaga maglakad dito sa MRT, ang daming kupadgenic! Bakit ba hindi na lang sila sa Luneta maglakad?

Lechísimo: (adj.) This is a well-loved Filipino slang given a special Spanish superlative suffix. Minsan nakakatawa, pag may Español kaya na napadpad dito at sinabihan ng leche, ano kaya ang reaction? Kasi di ba it literally means milk. Bakit nga kaya naging rough equivalent ng bwiset ang leche? Siguro mahilig magpatimpla ng leche ang mga prayle noon kaya ginamit ni Juan dela Cruz ang term to mean something derogatory? Well, we could only deduce. *** Lechísimo calor, bakit ba ang init ng panahon ngayon? NOTA BENE: The term could also be used to refer to extreme weather conditions. I usually use that term lechísimo calor to express abhorrence lalo na kapag supra init ng panahon.

Moron: (adj. /n.) Same meaning but I use it more often. Kapag may makupad maglakad, pwede siyang tawaging moron, or kupadgenic kung gusto mo maging specific. Kung merong uberbitch sa jeep you could also refer to her/him as a moron. Kumbaga general ang gamit sa term na ito, it could refer to anyone. Pwedeng noun, pwedeng adjective, depende sa gamit. Kadalasan pabulong siyang sinasabi kasi parang instant reaction siya. *** (Nakabangga ng tao, tinignan ng masama) Ang moron. Akala mo nabili niya itong kalsada. Mabundol sana ng 10-wheeler truck...

Na-tipus: (adj.) This term is used for people who usually have bad hair days or bad haircuts. Ito ang pumalit dun sa expression na tara balikan natin ang gumupit sa ‘yo. Hindi gaanong familiar ang term na tipus pero ang alam ko e yun yung mga taong nababaliw ba o problemado, hindi ako sure. Oo, ngayong alam niyo na ang term na ito, pwede niyo na gamitin against me. Tsk tsk tsk... *** Hahaha, tignan mo yung babae! Mukhang na-tipus!

Nicole Kidman ng (insert location here): (n.) This term originated from the Early Malaysia Era and referred to someone we knew who had too much confidence in herself. Since Oral Defamation special tayo ngayon, lahat ng makikita niyo dito e negative ang ibig sabihin. Wag kayong tanga, basahin niyo ulit ang title. This expression is not meant to defame Nicole Kidman in any way, she is one of my favorite actresses and I have no reason to do that to her. Pero ironic ang attack e. Ngayon kung medyo isa’t kalahating tanga yung sinabihan niyo at nag thank you pa pagkatapos, then makaka extra points pa kayo. *** Aba naman hanep ang porma ni Ate ngayon, yan yata ang Nicole Kidman ng Katag.

Puttanesca: (adj.) A supposedly subtle substitute for the widely popular Filipino bad word which unintentionally sounds similar (at least the first two syllables). I seldom use this term because Lechísimo is my favorite. However, this term as mentioned could be a subtle and more pleasant alternative than that of the real meaning we are trying to convey. Kung tanga ang kausap mo maari ka pang purihin dahil marunong ka mag Italian, or minsan magko comment sila na, Oy sosyal Puttanesca pa ang gusto, ako nga ayos na sa Spaghetti e. *** Puttanesca naman o, bakit mo kinain yung burger steak ko? SAGOT: O sige kakain na lang tayo sa Sbarro, pasta naman pala ang gusto mo e.

Supervisor: (n.) Specifically ginagamit kapag may group work. Siya yung tao na patayo tayo lang tapos every five minutes mangangamusta na feeling concerned at tatanungin kung tapos na yung trabaho. Sila yung mga taong masarap batukan at ilaglag pag evaluation time na. *** Aba tignan mo nga naman si Rigoberto o patayo tayo lang, ano siya? Supervisor?

Uberbitch: (adj.) Nakapag sit-in ako ng German 10 e. If I’m not mistaken over ang ibig sabihin ng uber di ba? Kaya lang, when I refer to someone as an uberbitch, what I really want to say is that she is such, similar when you use the term without the uber- prefix. So bakit nilagyan pa ng prefix? Wala lang. bakit ka ba, kung ayaw mo e di wag mo lagyan. The term generally refers to women in general pero pwede rin sa mga bakla at transvestite. *** Ang uberbitch nung kasabay ko sa jeep kanina, kung makatingin akala mo may ginawa akong krimen, tapos pagsagot ng celfone bakla pala.

TO BE CONTINUED...

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Film Review

Film Review

Book Review

Theater Review