Thursday, August 31, 2006

Terminologies Part 2 - Expressions

Hagardous Leviosa: (hirit) Aliw na aliw ako sa term na ito. Nakita ko ito sa isa sa mga threads sa Peyups. Never ko pa siyang ginamit in spoken language, sa utak lang. Ang example na ibibigay sa ibaba ay yung sinabi nung nag post sa Peyups.
*** Kapag tapos na ang opisina at sobrang pagod ako, sumisigaw ako ng Hagardous Leviosa!

Halitosis: (n.) Ok, hindi imbento ang term na ito. Ang alam ko scientific term siya for bad breath. Kaya imbes na direchahang sabihin sa isang tao na amoy imburnal ang hininga niya (ouch ang straightforward...), ito na lang ang gamitin to soften the blow. More or less hindi naman niya alam ang ibig sabihin niyan e, unless nabasa niya dito.
*** Hanep ka talaga ‘tol dumating ka lang nag iba na ang ihip ng hangin. Kamusta naman ang halitosis mo. SAGOT: A si misis ba? Nasa bahay naglalaba, bakit, may sasabihin ka sa kanya?

Intermitido: (adj.) Corrupted form of the Spanish intrimitido. Mahadero, pakialamero, meddlesome moron.
*** Sino naman ang nag utos sa ‘yo na pakialaman ang mga gamit ko ha? Kahit kailan intermitido ka talaga.

Nabili ang (insert location here): (hirit.) Kadalasang ginagamit ang hirit na ito sa mga taong nakabalandra sa isang lugar, mapakalye man, classroom, mall, etc. Sila yung mga taong nakaharang sa dadaanan mo kahit marami namang espasyo para tumabi at magpadaan ng ibang tao.
*** Hoy wag ka ngang humarang sa dadaanan ko, hindi mo pa nabibili kay Henry Sy itong SM ha. Uwi!

Orocanability: (n.) Degree ng pagka plastic. Marami itong variants sa Filipino slang. Nandiyan ang tupperware, plasticity, etc. Pero mas cute itong pakinggan, medyo nagtunog scientific pa nga... hehehe.
*** Nako wag ka basta bastang magtitiwala diyan sa taong yan, e to the nth level ang orocanability niyan e.

Pakainin ng abo: (v.) Ilampaso, ilagay sa dapat kalagyan, turuan ng leksyon. As you can see medyo magkakaiba ang meaning pero maliit na pagkakaiba lang naman. You can use the term for any of the three abovementioned definitions. Actually para siyang literal translation ng English Eat my Dust e.
*** E mahangin lang naman yan e, mamaya sa debate tignan mo, pakakainin ko yan ng abo.

Parang hinahabol ng sampung maniningil: (hirit) Ginagamit na pantukoy sa mga taong laging nagmamadali, regardless kung talagang ganun ang personality nila o ganun lang sila nung time na yun.
*** Bagalan mo nga naman ng kunti maglakad, para kang hinahabol ng sampung maniningil.

Puno na ang salop: (hirit) Expression na pamana ni FPJ bago siya pumanaw. Ang ibig sabihin ay sagad na, in a way ay synonym siya ng to the nth level. Ginagamit pag ubos na ang pasensya o sa kaso ni Dan the Wrathful, pag mang a ax kick na siya ng tao. Ubos na ang pisi. Sasabog na ang bulkan, etc.
*** Pasensya na po pero puno na ang salop (Sabay ax-kick).

Rico Yan: (n.) Bangungot. Pasintabi na lang po sa mga kamag anak at kaibigan ni Rico Yan pero simula namatay siya, lagi na lang naa associate sa kanya ang term na bangungot.
*** Ang dami kong kinain kanina, hindi kaya ako ma Rico Yan nito?

Sampalin ng transcript: (hirit) You could use this expression when someone assaults your intelligence but please make sure na maganda ang laman ng transcript mo kasi in the end baka sa iyo isampal.
*** (Tinatanong ka ng college secretary kung bakit ka magshi shift) COLLEGE SEC: Bakit ka magshi shift? Bumabagsak ka na siguro no? SAGOT: Baka gusto mong sampalin kita ng transcript ko.

Supra: (adv.) Super. Sobra.
*** Supra init naman ng panahon ngayon, sana umambon man lang.


To the nth level: (adj.) Sagad na sagad na. Don’t be confused between this term and Ruffa Mae Quinto’s to the next level. Magkaiba ang meaning nila.
*** To the nth level na ang yabang ng moron na yan. Pag ako napuno talagang pakakainin ko yan ng abo.

Tuwang tuwa sa galak: (adj.) Labis labis ang pagkatuwa. Sila yung mga taong pwede nating sabihin na mababaw. Yung mga tipong, Yehey nakapasa ako sa Math 17! Sabay talon sa building sa sobrang tuwa. Ok, that was morbid. Basta yung mga OA sa tuwa na akala mo may big deal na nangyari kahit mababawa lang naman ang dahilan ng pagkatuwa.
*** Ano ba naman yang kaibigan mo, nakapulot lang ng piso tuwang tuwa na sa galak, baka mamaya mapunit ang bibig niyan sa sobrang ngiti.

TAPOS NA...

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Film Review

Film Review

Book Review

Theater Review