He will never ever get fat because he has a thyroid problem... Kung maraming tao ang gustong pumayat at kung anu ano ang ginagawa para pumayat, siya naman ang kabaliktaran. Gusto niya tumaba for a change kaso hindi pwede. Napatunayan na rin niya ito dahil merong panahon sa kanyang buhay na hindi siya kumakain, lumalamon siya. At kahit ginawa niya yun, hindi pa rin siya tumaba. Sinubukan na rin niya kumain ng taba ng baboy kapag pork chop ang ulam kasi may nagsabi sa kanya na nakakataba raw yun, pero hininto rin niya nung na realize niyang hindi pala body fats ang makukuha niya sa taba ng baboy kundi bad cholesterol. Mabuti naman at natauhan siya.
He ax-kicks people in his mind when he gets angry... Wala siyang blackbelt sa taekwondo pero maituturing niya ang kanyang sarili na isang contortionist, flexible ika nga. Pwede siya sa perya pero hindi pa niya nasubukan. Dahil na rin siguro sa kapayatan kaya parang napakasimpleng ilagay ang kanang paa katabi ng kanang tenga pag nagwo wall-climbing at walang makapitang matino, para siyang chimpanzee. Hindi pa naman niya sinusubukan sa reyalidad na manipa ng tao sa mukha pero alam niyang kaya niya, kasi muntik na niya yun magawa minsan, pinigilan lang niya yung paa niya few inches away from the person’s nose. Kaya iwas lang pag mainit ulo, baka ma bwena-mano ka.
He has three personalities... Alfie is the first... Si Alfie ang unang lumitaw simula pagkabata. Siya yung masayahing palakaibigan na madaldal na parang nasusian at hindi mapigilan sa kulit. Hindi na siya nagma manifest ngayon. Huli yata siyang active nung high school days pa, which was eons ago. Gusto niya mag comeback pero ayaw nung dalawa. Masikip na raw ang mundo para sa kanilang tatlo, kaya ayan, comatose siya ngayon. Siya rin ang social life handler kaya no wonder comatose ang social life kasama siya. He might make a comeback but not anytime soon. Malamang after college na siya mag resurface. Ang lungkot ano? Kung magkaka power daw si Alfie, ang gusto niya e yung kay Iceman sa X-Men, para cool, literally. If he would be allowed to pick a language to use, it would be French. Unfortunately, ihcahieh doesn’t want to learn French, at least not yet.
He has three personalities... ihcahieh is the second... Si ihcahieh naman ang present ever since, never naman siyang nawala. Siya yung nerdy type na laging academics ang nasa utak. Anti-social siya, mahilig magpunta sa library at makihalubilo sa mga libro. Siya ang namamahala sa everything-academics, from language learning to Mathematics, kahit na laging nagma manifest si Dan the wrathful pag Mathematics na. Nung magsimula ang Post-Malaysia Era, his plan was to learn all these languages at once: Spanish, Italian, Portuguese, French, German, Mandarin Chinese, and Japanese. Buti na lang natauhan siya at nag decide na mag settle na lang sa first three na kasalukuyan niyang ginagawa ngayon. Kung magkaka power daw siya, telekinesis na raw walang duda, mind over matter. Hanggang sa pagpapantasya lumalabas pa rin ang pagka nerd. Language choice? Hello, gusto nga pag aralan lahat e. OC!
He has three personalities... Dan the Wrathful is the third... Ito naman ang bugnutin, maangas, at walang pakundangan. Actually nameless entity lang siya nun hanggang nung high school e may nagbinyag ng pangalang Dan the Wrathful sa kanya, kaya ayun nagkapangalan tuloy. Lagi itong galit at pag nagma manifest siya, lumilipad ang mga gamit kung san man siya naroroon dahil pinagbababato niya. One example was during the Malaysia Era nung batuhin niya ng radio si Abet, yung nakababatang kapatid. Ang brutal, napipi kaya yung harap ng radio. Pala sigaw din ito at ito yung mahilig mang ax-kick. Ano ba ang symptoms pag present siya? Well, moody, nakasimangot, tulala. Yun na yun. Kung may power daw siya, pyrokinesis daw, kabaliktaran ng kay Alfie. Favorite niya yung line sa song ni Juanes na Mala Gente, yung en el infierno enterita enterita, te vas a quemar. Kaso literal ang pagkakaintindi niya dun. Kung meron nga siyang power, malamang siya na lang ang sumasakay ng MRT ngayon kasi super galit siya sa makukupad na tao. In short, malamang paliyabin niya ang mga kawawang commuters! Language of choice daw Russian, kaso ayaw pag aralan ni ihcahieh kaya wala siyang magawa. Ayaw naman niya ng Portuguese kasi parang baklang Spanish daw.
He wants to jump off the ledge of the QC Avenue MRT station... Don’t worry, hindi ito ang version niya ng Veronika Decide Morrer, in short he’s not suicidal. Isa ito sa mga kinaiinisan niya sa pagkatao niya, masyado siyang fan ng escapism. Pag nagbabasa siya ng Harry Potter gusto niya palitan si Harry. Pag nanonood siya ng Smallville gusto niya palitan si Clark. Weird ano? Yung sa MRT naman e yung ledge (is the term correct?) na unang makikita pag pababa ka ng MRT QC Station. Gusto niya tumakbo dun tapos sabay luksong-baka sa ledge sabay spread arms tapos pagbagsak sa lupa naka one-leg kneeling position tapos sabay lakad palayo na parang walang nangyari. Weird.
His favorite past time is planning his life... May pagka OC din ito. Ang paborito niyang gawin pag wala siyang magawa e umupo sa isang sulok, tumunganga, at magplano ng buhay after college. Mukha sanang maganda pakinggan pero maganda ba na araw araw e iba ang plano mo for the future? Kahapon ang sabi pagka graduate daw magtatrabaho sa call center na Spanish speaking para kumita ng malaki at yumaman. Kanina naman ang sabi kukuha daw ng language scholarship sa Salamanca at mag aaral ng Español. Bukas malamang gusto naman niyan dumirecho mag foreign service. Sa isang araw malamang trip naman niyan magsulat ng nobela. Ano ba talaga kuya?
He lived in Malaysia for 9 months but he never did learn their language... Ito ang isa sa mga pinaka weird sa kanya. Language obsessed na maituturing, nag stay ng 9 months sa isang bansang napakadaling pag aralan ng wika tapos pag uwi dito hindi man lang natuto. Samantalang lahat ng avenues for learning nandun, TV, Indianong may putok, language schools, Instik na busangot, radyo, diyaryo. Tapos pag uwi dito tiyaka gusto matuto kung kailan wala na dun. Once again, weird.
He is obsessed with TV Ratings, North American Box Office returns, and anything that has something to do with rankings... One more time, weird. Masugid niyang sinusubaybayan ang ratings ng ABS-CBN at GMA sa internet kahit hindi naman siya shareholder ni isa sa dalawang nabanggit. Inip na inip siya sa pag akyat ng Superman Returns para makaabot ng $200 million kahit hindi naman siya producer ($195 million pa lang). Ang isa pang nakakapagtaka, galit nga siya sa Math e tapos ang hilig naman sa mga ganito na puro numero ang nakikita. Sabagay hindi naman porke numbers e Math na agad. Teka nga, ano bang pinagsasasabi ko?
He is a fashion victim... Kung isa lang ang gumagana mong mata tapos duling pa kaya hindi mo siya nakikita, then mapagbibigyan ka pa para masabing di mo alam na fashion victim siya. Pero kung wala ka namang depekto sa paningin, hindi na kailangan sabihin sa iyo ito no. Hindi siya marunong pumorma. Hindi siya mahilig bumili ng mga damit o kung ano mang sinasabit sabit sa leeg, daliri, braso, ilong, at kung saan saan pa. Kasalanan ito ni ihcahieh, hinaharang niya lahat ng pondo kaya imbes na sa pamporma mapunta, sa mga libro napupunta. Kung kapag dinadalaw niyo ang mga kaibigan niyo e sa kabinet niya kayo dinadala, ibahin niyo ang taong ito kasi hindi niya kayo sa kabinet niya dadalhin... sa bookshelf.
He uses familiar words but changes their meaning so that only he could understand them... Magkakaroon ito ng sariling issue dahil medyo dumami na. Mahilig ang taong ito na mag mutate ng words at ibahin ang ibig sabihin. Ilang mga halimbawa ay ang mga kataga tulad ng sampalin ng transcript, puttanesca, orocanability, moron, kupadgenic, at kung anu ano pa. Minsan ay ginagamit niya sa publiko ang mga nasabing salita ngunit may mga pagkakataon din na sa utak lang niya ito namamalagi at nagagamit.
Mathematics is his kryptonite... Kung makakaimbento raw si Dan the Wrathful ng time machine, babalik daw siya sa nakalipas at babatukan daw niya ang taong promotor kung bakit naging subject ang Mathematics at lahat ng kaugnay na asignatura tulad ng Algebra at Calculus. Madalas naman nagtataka si ihcahieh kung bakit marami ang nahihirapan sa pag aaral ng banyagang wika gayung siya naman e parang naglalaro lang. Hindi lang niya alam, sarili niya rin ang kasagutan sa tanong, dahil kung anumang hirap ang dinaranas ng mga taong galit sa pag aaral ng banyagang wika ay siya naman niyang dinaranas sa pag aaral ng Matematika.
He is addicted to Nerds... Ang ibig kong sabihin ay yung candy, hindi yung tao. Ito yung sugar granules na coated with fruit flavor kaya maasim sa una tapos matamis sa huli. Kung illegal drugs ang Nerds, malamang nahuli na siya ngayon at nasa rehab na. Mapa 50 pesos, 30 pesos, o 25 pesos man ang isang kahon, napipilitan siyang bumili pag nakakakita siya, lalo na kung ang kulay e yung red at green (watermelon – cherry). Pangarap din niyang mag may ari ng isang Nerds factory.
Applying in call centers was once his hobby... May panahon sa buhay niya nang siya ay nahilig sa pag a apply sa mga call center kahit alam naman niyang hindi siya makakatuloy dahil ayaw ng mga magulang niya at nag aaral siya. Hindi maintindihan kung bakit pero enjoy siya kapag mayroong group interview, final interview, skills test, at lalo na yung spelling test. Nakakaaliw daw yun. Hindi ko alam kung ano ang topak niya sa buhay pero at lest ngayon hindi na niya yun ginagawa. Mabuti naman.
He is sometimes mistaken for a girl... Paano ba naman kasi ang payat, maliit pa yung mukha na payat din, tapos hindi pa nagpapagupit, tapos hindi pa pumoporma. Tapos medyo may pagka kulot pa ang buhok. Kahapon lang nakapila siya sa Katag ng tanungin siya ng tindera ng, Ano sa ‘yo miss? Nagulat na lang yung tindera nung nagsalita. Minsan din napapagkamalang tomboy. Kasalanan yan ng departamento ni Alfie e, comatose kasi kaya ayan hindi naaasikaso ang anyong panlabas na dapat ay trabaho niya. As for ihcahieh and Dan the Wrathful naman, hindi sila affected ng issue. Dedma ang mga kupal. Ang dahilan ni ihcahieh, pumapasok daw siya sa eskwela para mag aral, hindi para mag model. Si Dan the Wrathful naman madalas umiiwas sa isyu kasi pag na bwiset daw siya baka bigla na lang siyang mang ax kick ng tao. Malaking abala raw yun pag na demanda pa ng physical injuries kaya pag may ganung happenings e natutulog na lang muna siya.
He has this autistic past time of introducing himself in several languages... Kapag wala siyang magawa, madalas umuupo siya sa isang sulok. Ito yung time na pagod na siya magplano ng buhay niya. Tapos binabanggit niya ang mga katagang ito: Magandang umaga. Ako si Dan Alfred de Jesus. Ako ay dalawampung taong gulang. Ako ay nag aaral sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman. Nakakapagsalita ako ng limang wika. Kamusta ka? Salamat. At hindi pa yun nagtatapos diyan dahil inuulit niya ang anim na kataga sa iba’t-ibang wika na ganito ang pagkakasunud sunod: American English, British English, Spanish, Portuguese, Italian, French, German, Bahasa Malaysia. Kapag may oras pa ay nagbibilang naman siya hanggang sampu, sa ganoong pagkakasunud sunod din. Weird.
Weird man na maituturing, si Dan ay tao lamang gaya ng tatlong masugid niyang mambabasa (yung tatlong binanggit sa taas) na nagkakamali, weird, mas weird, talagang weird, at sinusubukang hanapin ang sarili na matagal na niyang hinahanap. Nakita niyo ba? Kung oo, itawag niyo naman sa kanya o kaya e-mail. Ang blog na ito ay hindi isang mekanismo para magpapansin o pumilit ng tao na magbasa ng mga pangyayari sa buhay ng isang nilalang na hindi naman kilala. Ang blog na ito ay pangako ng nasabing tao sa kanyang sarili, upang ipunin ang kanyang mga saloobin sa pamamagitan ng internet at papel at balang araw, marahil sampung taon mula ngayon ay basahin muli ang kanyang mga naisulat at malaman kung sino siya noon at sino siya ngayon.
1 creature(s) gave a damn:
Iba k talaga Dan!!!
Post a Comment