Sunday, September 10, 2006

And I Thought Taekwondo Was Korean

Setembro 1 – 9
And I Thought Taekwondo Was Korean

Soundtrack of the Week
  1. Bituing Walang Ningning [GERONIMO]
  2. Cinema Paradiso (Se) [GROBAN]
  3. Si Volvieras a Mí [GROBAN]
  4. Can’t Take My Eyes Off You [MILBY]
  5. Sway [PCD]
Movie of the Week: The Devil Wears Prada
  • The book sucks. The movie rocks.
  • Give Meryl Streep another Oscar, she deserves it.
  • Pwede ring Miranda Priestly si Glenn Close, kaso Cruella de Ville na siya di ba? Face off, face off!
  • Wala pa ring kupas si Anne Hathaway kaso na typecast na siya sa mga Ugly Duckling - Swan roles.
  • Astig yung monologue ni Miranda about Cerulean blue.
  • Wala yung “fuck you Miranda” scene na climax sa book.
  • Certified box office na, lampas $120M na sa NABO.
  • Nakakatawa yung “I hired the smart fat girl” scene, mangiyak ngiyak pa sa Andy, mataba na pala ang tingin sa kanya sa lagay na yun, hehehe.
  • Ang daming dinagdag na wala sa book, ang dami ding kulang na scenes from the book, but then again who cares, the book sucks nga e.
  • Kamukha daw ni Emily Blunt si Tuesday Vargas.
Moron of the Week: My Personal Computer
Nagpapasalamat ako sa PC ko at siya ang napili na Moron of the Week, ako kasi dapat e kaso hindi ba medyo ang pathetic nun? Sarili ko agad ang Moron of the Week for the New Year. Anyway, sa lahat ng mga taong mahilig gumawa ng Computer Virus, sana magka ebola kayong mga anak ng pechay Baguio kayo. Pero ok lang, naiintindihan ko naman na trabaho niyo yun di ba, ano ba naman ang karapatan kong mag reklamo. E kaso sino ba naman ang hindi matutuyuan ng dugo kapag may virus na nga ang PC mo gusto mo mag reformat tapos ayaw pa gumana ng CD drive, ayaw basahin yung Windows XP CD dahil nag iinarte siya. Mag tag team ba para sirain ang araw ko? Lechísimo.
En el infierno enterita enterita os vais a quemar.

Hero of the Week: Math 17 Prof
Ang awkward nung “Hero” na term no? E wala kasi akong maisip e, di bale palitan na lang next week pag nakaisip ng mas appropriate. Anyway, Math sucks, I hate Math but I don’t hate the Prof and my classmates dahil masaya naman ang klase. E kaso hindi naman sila ang dahilan kung bakit ka pumapasok sa klase di ba kundi yung subject. Hay nako. Nagpapasalamat na lang ako at hindi Power Ranger o Voltes V si Prof dahil kung hindi, baka matagal na akong nag huramentado sa klase niya. Salamat Prof dahil mabusisi ka mag check at talagang concerned ka sa mga estudyante. Happy Birthday nga pala.

Politics: Ngayon ko lang nabasa ang mga naisulat tungkol sa sabi ni Gonzales that “UP breeds destabilizers.” I particularly liked Patricia Evangelista’s rebuttal, galing. Agree ako sa kanya, dapat siguro mag enroll si justice secretary ng crash course sa Philo 11 para maliwanagan naman siya mag isip, at mage enroll naman kami sa Catechism classes sa UST para maging well-behaved kami. Yeah right.

Showbiz: Nag tie na ang ratings ng Super Inggo at Majika. Tumaas ang ratings ng I Luv NY kasi patapos na. Natutulog pa rin sa pansitan ang Pinoy Dream Academy, kill that show for heaven’s sake. Nakaka $400M+ na ang POTC: Dead Man’s Chest sa NABO, natalo na niya ang Spiderman at malapit na siya sa Star Wars Episode 1: The Phantom Menace. May bagong Pantene commercial si Kris.

Weather: Maaliwalas pag alis mo sa umaga tapos pag pauwi ka na bumabagyo. Weather’s a bitch talaga, hindi mo makuha ang timpla. Minsan tuloy magdadala ka ng payong tapos hindi uulan, pabigat pa tuloy yung payong, e pang beach pa naman na payong ang dala ko. Tapos pag di ka nagdala ng payong uulan. Tapos baha pa ang mga kalye, di ba pwede ayusin ang mga drainage dito sa Pilipinas?

Culture: Noche Latina was held In Ateneo last Friday, 6 PM to 9 PM. Dun ko nalaman na connected pala sa Latin American culture ang taekwondo, kaya pala nung nag demo na ang Philippine National Taekwondo team e nagsiuwian na yung mga ambassadors ng mga Latin American countries. Astig yung flamenco dance, parang gusto nilang sirain yung stage sa kakapadyak.

Languages: Tinatamad na ako sa language classes. Naka memorize ako ng 80 Spanish verbs for the week, 8 themes sa DK Visual Dictionary. Nabawasan ako ng 5 stars dahil sa surprise assignment, surprise! 0 pa rin ang vocabs ko sa Italian. Marunong na ako mag “Como e que se chama?” at “Que horas são?” sa Portuguese. Ang dami kong nakitang language scholarship grants sa Internet.

Academics: Bored na ako sa mga subjects ko. Tinatamad ako magbasa ng readings. Pumasa ako sa third long exam sa Math 17, 8 point surplus – take note. Absent ako one time sa Kas 110 kasi nanood ako ng sine, bwahaha! Wala kaming napanalunang award sa Filipino 40, boring pa rin as usual, hehehe. Second round of reports na next week.

Future: May nakita akong MA International Relations scholarship grant sa website ng Spanish embassy, sa Escuela Diplomática de Madrid. Applications are open for exchange student sa Korea, mag a apply ba ako? E kung matanggap ako e di dilemma na naman, sige ihcahieh gumawa ka na naman ng problema. As usual nagbabago on a daily basis pa rin ang future plans.

Surroundings: Ang cute nung aso sa tapat kaso ang baho niya. Nagkaroon na kami ng regular water supply sa wakas, am I not happy? Dalawang elevators pa rin lang ang gumagana, damn it. Pumutok ang mga bumbilya pero napalitan ko na. Kupadgenic to the nth level pa rin ang mga tao sa MRT. Ang baho ng basura pag dumadaan ang jeep sa QC Circle, hoy ayusin niyo yan.

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Film Review

Film Review

Film Review

Book Review