Sunday, September 17, 2006

Nang Naunang Mag Sem Break Ang Utak

Setembro 10 – 16
Nang Naunang Mag Sem Break Ang Utak

Soundtrack of the Week
  1. Dime [PAUSINI & PARTNER]
  2. Bituing Walang Ningning [GERONIMO]
  3. Si Volvieras a Mí [GROBAN]
  4. Déjà Vu [BEYONCÉ]
  5. Maging Sino Ka Man [SANTOS]
Movie of the Week: You Are the One
  • Ang kulit nung epilogue sa Jollibee.
  • Puro bading na lang ang role ni Gio Alvarez.
  • Ok sa drama si Toni but there’s something about her that sends off a signal na parang hindi siya pwedeng drama lang, laging may comedy dapat.
  • LSS ako sa Can’t Take My Eyes Off You ni Milby pero last week pa yun.
  • The best yung sequence na hinahanap ni Simang si Douglas sa PC.
  • Ayaw pala ni Toni ng kissing scenes kaya wala siyang kissing scene dito na kissing scene talaga.
  • Nakakaaliw yung song and dance portion. Kahit reminiscent siya of the teenybopper films nung 80’s na may song and dance number sa beach, naaliw pa rin ako. Para ngang gusto ko sumayaw sa sinehan e.
  • Anong language yung sinalita ni Vernard speaking to the girl with whom he had a one-night stand? Arabic ba yun or Slavic?
  • Ok si Jodi Sta. Maria dito, dapat laging ganun ang ayos niya. Ayos din yung confrontation scene nilang magkapatid, well-executed.
Moron of the Week: Myself
Ayan naman natupad na ang pangarap ko na maging Moron of the Week. I’m so honored at ako ang napili this week dahil wala nang mas moron pa sa akin kundi ako! Bwahahaha. Una, nag sem break na ang utak ko. Pangalawa, dalawang beses na akong natawag na “Miss” this week, isa sa Jollibee tapos yung isa sa skwela ata. Ayoko naman magpagupit kasi pag nagpagupit ako magmumukha akong zombie. Pag nagpakalbo naman ako magmumukha akong addict. Poprobelamahin ko pa ba ito ngayong nag sem break na nga ang utak ko at kailangan ko pang kumbinsihin bumalik dahil may isa pa siyang final paper na iniwan? So ano na ngayon, “Miss”, “Zombie” o “Addict”? Sagwa ng choices...
En el infierno enterita enterita me voy a quemar.

Person of the Week: Lola Remy
No, not that one. As for the title, for lack of better term. Change title na lang every week. Wala naman talagang nagawa sa akin na sobrang worth of praise pero gusto ko lang siya i feature dito. Siya yung xerox lady sa may Filipiniana section ng library. Nakakaaliw siya. Talagang colored bond paper pa ang ginagamit niya w/o extra charge. Nakakita ako ng clip ng column ni Patricia Evangelista sa wall about her (xerox lady). Nakakaaliw ang buhay niya ha kahit mini life story lang nagawa ni Patricia. Sana bisitahin siya ng students minsan.

Politics/Religion: Ano bang meron? Ang nabalitaan ko lang e napuna daw ata si PGMA ng mga taga EU tungkol sa political killings? As for UP ang huling invitation for rally e tungkol pa rin sa tuition fee increase. Singitan na natin ng religion, napag initan ata si Pope ng Muslim community, may nasabi kasi siyang against sa Islam. Sana naman magka ayos ayos na sila.

Showbiz: Buntis daw si Kris. Ano ba naman, hindi pa ko nakakasali sa GAME KNB! Di bale dapat matawagan ako bago siya manganak kundi baka mag leave na yun. Kailangan ko ma experience ang GAME KNB! Hindi pwedeng hindi! Ang taba ni Rosanna Roces, nagulat nga ako e pero ang cute niya. You Are the One defends box office crown. Eternity is added to the Movies-that-flopped list.

Sports: Nakapag lead climbing na naman ako, yun yung wall climbing na itatali mo ang sarili mo, walang belay machine. Nakaabot naman ako sa tuktok. Nami miss ko na ang Call-Me-Peter-With-Matching-Black-Spiderman-Shirt days. Mas agresibo kasi ako umakyat nun e, puno ng angst, sige lang ng sige. Ngayon ewan ko ba. Spidey lost his web, too bad. Tara scrabble na lang! Hahaha.

Culture: Naglabas na ng poster sa internet ang Atlantika. Astig, yun lang ang masasabi ko. Final Fantasy ang unang pumasok sa isip ko nang makita ko ang poster. Sana kasing ganda ng Encantadia, ito yung mga tipo ng shows na pwede mo ipagmalaki abroad in a way kahit medyo lumalayo na siya sa traditional view of Filipino culture. Siguro yan na ang bagong kulturang Pinoy.

Languages: Disaster. Nagkalat lang naman ako sa Italian Oral exam. Grabe hiyang hiya ako kay Prof. Ang problema pa naman super bait ng Prof namin. “Va bene” lang siya ng “Va bene” kaya hiyang hiya talaga ako sobra, kulang na lang tumalon ako sa bintana. Mukhang pang written na lang talaga ang Italian proficiency ko, oral bokya. Huhuhu, damn vocabs.

Academics: Master crammer is in the house again. Bwahahaha. Naiinis na ako sa sarili ko ha. Ang hirap pala pag nagpaunang mag sem break ang utak. Iwan ba ako sa ere. Para tuloy akong comatose ngayon in terms of academics. Hay nako, hell week na. Di bale twice a year lang naman dumarating ito, pagtiyagaan na. Kaya natin ito, hehehe. Nervous breakdown...

Future: I’m not aiming for a 33 unit workload anymore for next semester. Binabaan ko na ng 27 units. I’ve decided to drop my plans na mag sit-in sa Portuguese. Italian na lang ang itutuloy ko. Sana ma approve ang application for RA para no problem sa schedule. If ever ang load ko would be double Econ (100.1+100.2), triple Pol Sci, GE MST and PI 100. MTThF 8:30 – 4:00. =)

Surroundings: Masyado namang malakas ang tubig ngayon, e naputol pa yung gripo! Hahaha, ang labas ngayon para akong rallyistang binobomba ng bumbero sa Mendiola sa sobrang lakas ng pressure ng tubig ngayon. May nakasabay akong matandang babaeng KSP sa jeep. Sabihan ba naman ako ng “Ang luwag luwag naman kasi sa likod e!” Ok ka lang? Linya ko kaya yan! Pasalamat ka lola ka na...

1 creature(s) gave a damn:

Alexis said...

I heard the language used by Vernard with the girl he had a one-night stand with in the movie was Farsi (Persian).

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Film Review

Film Review

Film Review

Theater Review