Setembro 24 – 30
Hayop Ka Milenyo, Hayop Ka
Soundtrack of the Week
- Complainte de la Butte [MOULIN ROUGE]
- Hindi Sad Diamonds [MOULIN ROUGE]
- Crazy for You [MADONNA]
- Crazy for You [MYMP]
- Crazy for You [SPONGECOLA]
- IMHO, One of if not the most successful videogame to movie crossovers.
- Sana nanghiram sila ng soundtrack from the videogame gaya nung kantang background na binigyan namin ng title na “Summer Fish.”
- Watching the movie is like playing the game but having real people this time as the characters kicking each other’s ass.
- The Lei Fang character could have been put to good use had they tasked Zhang Zi Yi to play the role.
- Too much brawn but in the end the geek had a hand in the saving.
- Focused more on the girls, the boys got left out as main protagonists.
- Well-executed fight scenes, if only the local entertainment industry would introduce choreographed fight scenes like those, I would be very happy.
- Ayane was bitter because Kasumi got invited to DOA instead of her, hehehe, intrigahin daw ba yung dalawa.
- Holly Valance reminds me of Christina Aguilera from the Genie in a Bottle days, Jaime Pressly looks like Fergie from BEP.
Moron of the Week: Bagyong Milenyo
Siyempre dahil sa bagyong yan na according to Philippine Star’s Saturday issue (Sept. 30) e pinakamalakas na in 11 years ata, walang kuryente at walang tubig. Hindi ko pa napanood ang ending ng Majika, hehehe. Isa pa ngayon ko lang na experience panooring nagliliparan ang mga yerong bubong ng kapitbahay habang nagsasara ako ng mga bintana. Ano ‘to, Twister?
En el infierno enterita enterita te vas a quemar... AMEN.
Misunderstood Person of the Week: Señor Ebreo
Nag stick na kasi sa kanya yung image ng isang terror prof na palasigaw daw, laging badtrip at kung anu ano pa. Ang napansin ko lang ang mga may negative reaction sa kanya ay yung mga nag drop at mga nakakuha ng mababang grades pero yung mga nag enjoy naman at nakasakay sa way of teaching niya ay ok naman. Siguro intindihin na lang natin na talagang mahal lang ni Sir ang Español at gagawin niya lahat para matuto ka. Wag mo na nga lang personalin kasi hindi naman dapat. Ika nga nila, trabaho lang. Yung iba kasi ang gusto lang ay makapasa dahil required sa curriculum. Ano naman yun? Ang language ay di parang social science subject na magbasa lang ay ok ka na. Dapat nga magpasalamat tayo kay Sir kasi inaalis niya yung notion na “language elective lang ‘yan, wag seryosohin!” Mabait si Sir, magaling pa magturo!
Politics: Medyo natabunan ng bagyo ang politics this week. Sabi nga sa Philippine Star Saturday edition, isinangtabi raw ang mga hindi pagkakaunawaan para mag declare ng State of Calamity. Ganyan lang naman yan e. Bakbakan na sila ulit pagdating ng Lunes. About UPD, ang mainit na issue ngayon sa e-group ay yung sagutan ng mga pro at anti egg-throwing incident. No comment...
Showbiz: Start nang Atlantika Monday. Nako corny-han ako sa pangalan ng characters but the weird thing is natututunan kong maaliw sa mga pangalan nila in the long run. Kung may LSS sa words, LSS ako kay Celebes. Hindi na lang dagat ang Celebes sa akin para ngayon dahil sa kanya. Naaliw naman ako kay Jean Garcia, matapos magkukukumpas lalangoy naman ngayon. Versatile!
Weather: Nagpasikat si bagyong Milenyo. Saksi naman tayong lahat na mahangin talaga ang kupal kaya nga napatumba niya yung mga dambuhalang billboard sa EDSA. May nabagsakan pa ngang bus yung Pancake House billboard sa may Magallanes flyover e! Napaginitan tuloy ang mga billboards, pinapatanggal na ni Sen. Defensor – Santiago! Hala, lagot kayo kay Miriam!
Books: Nabasa ko na rin yung The Lion, the Witch and the Wardrobe! Na corny-han ako, normal lang yun no? Kasi kung nag enjoy ako malamang retarded ang labas ko knowing na pambata siya... Na corny-han ako sa pagkabuhay ni Aslan, parang... Ano yun? Tapos namatay si Jadis ng ganun ganun lang? Hahaha, first name basis kami! Sayang hindi na siya makakapambatok ng lamp post.
Languages: Sobrang naghabol ako this week, as in marathon habol talaga. Kung anuman ang mga na-miss ko last week ay binawian ko ngayon. Halos tapos ko na yung Spanish grammar book photocopies. Effective pala pag pinag aaralan mo ang grammar at ang medium na ginamit ay yung wika na yun mismo. Para tuloy akong retarded na halimaw na nag enjoy sa subjunctive mood. Hehehe.
Academics: Mayroon akong ginawang kagimbal gimbal nang mag login ako sa CRS this week. Pumunta ako sa Pre-enlistment section tapos nilagay ko Math 100, Economics 100.1 at Economics 100.2. Dahilan ni ihcahieh, bakit daw yung mga Math at Econ majors hindi naman nababaliw pag pinagsasabay sabay yun. Ang sagot ni Dan the Wrathful: E hindi ka naman Math major e, gago ka talaga!
Future: I’m torn between 2 future plans. It involves waiting for a year or two before a career start would be possible. Ang tanong ngayon, anong mas maganda gawin habang naghihintay? One choice involves a high paying job (as in high, go figure...) but zero career growth while the other is a scholarship abroad, abante career but zero in terms of finances. Siyempre problemahin daw ba, tagal pa!
Surroundings: Siyempre ang focus pa rin ng segment na ito ay ang disaster na dinulot ni Milenyo. Mga tumbang billboards sa kalsada! 40+ na katao patay! Traffic na buhul buhol! MRT na hindi umaandar! Pero congrats sa nag announce ng class suspension, sa wakas sapul ang announcement niyo! Suicidal lang ang mag aatim na lumabas ng bahay nung kasagsagan ng bagyo no. Life goes on.
0 creature(s) gave a damn:
Post a Comment