Sunday, October 22, 2006

In an Ocean Full of Portuguese Motor Mouths

Octubre 15 - 21
In an Ocean Full of Portuguese Motor Mouths

Soundtrack of the Week
  1. Over [LOHAN]
  2. On Ne S’aimera Plus Jamais [LARUSSO]
  3. Maghihintay Ako [VELASQUEZ]
  4. Gocce di Memoria [GEORGIA]
  5. Bituing Walang Ningning [GERONIMO]
Movie of the Week: If Only
  • Is it me or is Jennifer Love Hewitt really anorexic?
  • And the Ghost Whisperer becomes the ghost! Hehehe.
  • I so love movies like this which deal with turning back time, basta yung mga second-chance plots like that of Femme Fatale, Tru Calling, etc.
  • I specially liked what happened to Ian, ganda ng character development.
  • Ok din yung kinanta ni Samantha sa concert, si JLH ba ang nag compose?
  • Oo na sige na pwede nang singer si Jennifer Love Hewitt.
  • Ang kulit ng reaksyon ni Ian dun sa “Read one word and I’ll kill you” scene, haha, matakot ba daw. Dapat nga yun bear hug agad e.
  • This film deals with the most common thing that happens to us human beings, working like robots and taking for granted those that should be given due attention, and then having regrets when it’s already too late.
  • I don’t like Nicholls’ acting... Workshop, workshop!
  • Dapat may sequel tapos si Samantha naman ang may alam ng mangyayari, hehehe, tapos paikot ikot lang yung storya, alternate silang dalawa!
Moron of the Week: *Censored1*
Pasensya na talaga *Censored1* at napag initan kita. I hope you don’t take this personally kasi super nainis talaga ako sa nangyari. E paminsan minsan lang naman ako magalit at paminsan minsan lang naman nakakapagsulat si Dan the Wrathful ng article kaya pinagbigyan ko na. Sana lang sa susunod maging mas responsible tayo para walang hassle sa akin, sa iyo, sa mga ka group mates natin. Pero sige ok na nai submit na naman yung paper kaya pwede na akong matahimik..
Nonetheless, so the saying goes:
En el infierno enterita enterita te vas a quemar... AMEN.

Angel of the Week: Luna
I thank Luna for helping me maintain my sanity for the week. Ok, bago kayo mang intriga diyan e manahimik muna kayo. I would be sharing my Friendster blog with her starting the first Sunday of November. Who is she? Well, you’ll have to find out. Makulit din siya mag blog e. Hehehe, sana lang pag nabasa niyo yung weekly blog entries niya e maliwanagan kayo tungkol sa tunay na estado ng kanyang pagkatao. Marami kasing mga mambabasa na hindi marunong magbasa between the lines, hehehe. Basta, mahirap i-explain. Tama na ang pagpapaliwanag. Hintayin niyo na lang. Weekly series, weekly series! =)

Politics: Ang narinig ko sa news lately is that issue regarding automated elections. Bakit ba kasi hindi na lang nila gamitin yung mga machines na yun, sayang naman yung pinangbili dun. Complicated issue. Medyo tahimik or maybe hindi lang talaga ako nakakanood ng news. About North Korea naghain na nga yata ng resolution ang UN pero nag test pa rin si Kim Jong Il. Tsk tsk tsk.

Showbiz: Naaaliw na ako sa Bakekang. Ang galing umarte ni Sunshine Dizon. Nagtataka lang ako kung bakit parang naging hobby na nung mga characters na isilid sa sako si Charming (the ugly daughter). As for Maging Sino Ka Man, ok din siya kaya lang mababa ang ratings. Hindi ako nanonood ng Atlantika pero malalaki na sila sa Monday kaya baka manood na ko. Ay work pala, tanga.

Work: Yes I am surrounded by Portuguese motor mouths. That’s not derogatory naman, I enjoy it nga e. Napapanganga na lang ako lalo na pag tumatawag sa customer yung katabi ko, Brazilian ata kasi talaga yun e. Nakakaaliw! Tunog bakla talaga pero itong Brazilian Portuguese parang pinaghalong French (nasals + elisions) at Spanish (the open vowels), nakakaaliw! As for the job itself I would have to admit that it is boring. We deal with customer requests through e-mail. There are instances na kailangan silang tawagan but for my first week I just concentrated on answering customer e-mails. Medyo natatakot pa ako tumawag e, di bale darating din tayo diyan. By the way the company is still hiring. Mas kailangan ang Portuguese speakers pero naghahanap pa rin ng Spanish speakers. E paano kasi ang e-mails for Portuguese nasa 3,000+, for Spanish 200+ lang.

Languages: Stopped French grammar studies. Concentrate muna ako sa Italian grammar. Will start Portuguese full immersion next month (books, audio-lingual, talk to Portuguese speaking people at work) and hopefully ay mag improve. Ok naman ang Spanish, gamit na gamit sa work pero I plan on taking Portuguese seriously para at least makatulong din ako sa Brazilian customers.

Academics: After the what-seemed-like-a-hopeless final exam in Math 17 (Algebra + Trigonometry), I was super mega ultra surprised that I finally passed the course, at 2.75 pa. Magpapa fiesta ako! Lol. Got a 1.25 in Filipino 40 even if I missed one quiz. So kung di ko na miss yung quiz na yun flat 1.0? I therefore conclude na gaya ng Geography 1, unoable din ang Filipino 40. Kuha na!

Future: Parang decided na talaga ako na mag lie low muna two years following graduation. Siguro magfu full-time na muna talaga ako sa Spanish call center para magkaroon ng pondo while taking MA Asian Studies part-time. Wala lang trip ko lang. Mas ok sana kung MA International Studies kaso gusto ko sa abroad yung MA na yun e. Bahala na. Ito ang prevalent plan for the future as of now.

Surroundings: My uncle is still in the hospital, brother and I visited him last weekend. Ok sige na gusto ko na yung theme song ng Atlantika, after hearing it played for the nth time now. Makati after dark? Ok lang, marami rami pa rin namang tao ng mga bandang 12 midnight to 1 AM, kahit paano maliwanag naman at may mga jeep pa rin. MRT rest muna ako, sem break na e.

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Film Review

Film Review

Film Review

Theater Review