Monday, October 9, 2006

Tila Gorillang Aligaga

Octubre 1 – 7
Tila Gorillang Aligaga

Soundtrack of the Week
  1. Me and You [CASSIE]
  2. She Could Be [BAUTISTA]
  3. Gocce di Memoria [GIORGIA]
  4. Pero Me Acuerdo de Tí [AGUILERA]
  5. Bituing Walang Ningning [GERONIMO]
Movie of the Week: L’Auberge Espagnole
  • Panira ng plano itong movie na ito, ngayon parang gusto ko naman mag Erasmus Mundus. Ano ba! Ang dami na ng future plans ko umabot na yata ng Plan J, ngayon madadagdagan pa ng Plan K, bwiset.
  • Dakilang extra si Audrey Tautou pero her presence was felt pa rin naman.
  • Also known as “The Spanish Apartment,” “Euro Pudding,” etc.
  • Parang ang sarap idolohin ni Xavier, in the end he chose what he wanted to do instead of what he thought he needed to do with his life.
  • Gusto ko pag nagliwaliw ako sa Europe sila rin ang flatmates ko! Hahaha.
  • Barcelona yata ang favorite when it comes to movies and TV Shows alike, lagi na lan dun ang setting basta Spain e.
  • If modern day Europe were a movie, this would be it.
  • I love the English flatmate! Ang kulit niya! Hahaha, lalo na dun sa “La Fac” portion, nakakaaliw.
  • Word of the day: JODER, as in “Shit” in Spanish. Baka sawa na sila sa MIERDA. French MERDE.
  • Ayan nadagdagan na ang French films na napanood ko, tatlo na sila!
Moron of the Week: The People Who Stare
Ok, I am sick and tired of playing “Guess the Gender” with the people who stare. Lalaki po ako. Mag isip naman kayong mga imfatti (New Term!) kayo, kung babae ako kawawa naman ako di ba, nung nagpaulan ang Diyos ng hinaharap e nagkulong ako sa kwarto at nanood ng rerun ng Lost. Para kayong mga gorillang aligaga. Naka droga ba kayong mga hinayupak kayo? O ayan nagpagupit na ako siguro naman hindi na “Can’t Take My Eyes Off You” ang theme song ninyo this time ano? Mga moron, ayan inimbentuhan ko na kayo ng bagong term at talagang ginawa ko yan para sa inyo, parang yung sa mga “KSP” sa jeep. Lechísimo.
En el infierno enterita enterita os vais a quemar... AMEN.

Thank You for the Week: Spanish 14-15 Prof
Kailangan ko talaga pasalamatan si Ma’m. Ok sige banggitin na natin, si Ma’m Mercado ng Spanish 14-15. Maraming salamat at pinayagan niyo ako mag sit-in sa klase ninyo kahit hindi ko sinabi ng diretso na nagsa Spanish 12-13 pa ako. Ang dami kong natutunan. Mahirap ang mga lessons dahil medyo pamatay ang subjunctive mood pero ang dami kong natutunan talaga. Mas lumawak yung mga expressions na nagagamit ko ngayon to express myself in Spanish because of attending your class. Needless to say nag improve ako. ¡Muchas Gracias señorita!

World Affairs: Sorry people pero hindi na ako nakakanood ng news, next week malamang makanood na ako ulit. Hell week kasi e. Anyway, ang alam ko lang ay magnu nuclear test ulit ang North Korea. Go North Korea! Hehehe. Mega react naman siyempre ang China at Japan, aba mahirap na yatang mabomba sa mga panahon ngayon. Bombahan sila ng bombahan. Hay nako.

Showbiz: Ang ganda ng pilot ng Maging Sino Ka Man! I would have to say, of all the primetime additions starting September, ito lang ang nakakuha ng attention ko. I expected too much from Crazy for You but it failed to deliver. Atlantika is still on its boring kids-muna-tayo fantaserye syndrome. Bakekang is the runner-up, superb acting from Sunshine Dizon but Sheryl Cruz is intolerably OA.

Depression: Depressed ako this week. Shet ano ba yan feeling artista naman ako, hahaha, may pa depressed depressed pang nalalaman. Anyway the funny thing about me is that I’m not like them other depressed people. Ang mga depressed na mababa ang self-esteem, nagsu suicide. Ang mga depressed na alcoholic, naglalasing. Ang mga depressed na may pambili ng drugs, nagpa pot session. Ang mga depressed na barumbado, bigla na lang nanghahampas ng bote ng San Miguel beer. Pwes, si Alfie pag depressed, nag a apply sa call center. Shet malala na ang topak ko. Psychologist! I need a psychologist! O psychiatrist ba? What’s the difference ba? Pero basta ganun, yung pag gising mo sa umaga parang tamad na tamad ka na ayaw mo kumilos. Parang iniisip mo gagawin mo na naman yung daily routine mo na walang kabuhay buhay. Hay, kay monotonous.

Languages: Itinakwil ko muna ang mga libro for the week, time for practical application. Nag walk-in application ako for Spanish bilingual erep sa Temps and Staffers Agency (Level-up na, Spanish-speaking na ang tinitira ngayon, hehehe). Pumasa ako. Shet. They endorsed me to a certain Winsource Solutions Company. Pupunta ako. Pag pumasa ako dito dilemma na naman. Hay nako.

Academics: Puyat ako all week kasi medyo hell week nga pero ok din kasi alam ko next week e tapos na rin ito lahat. Puro final exams na lang ang mga natira at talagang ikinalat pa nila for the whole week yung mga exam. Sayang ang pamasahe ko ano ba! Hindi ba pwedeng one day na lang? Anyway, highly anticipating next week. Ang saya kasi ng feeling after hell week e, refreshing.
New Term: Nabibwiset na talaga ko sa mga taong tingin ng tingin kahit na hindi ako ang tinitignan. Mabulag kayong lahat mga impakto kayo. Speaking of impakto, nilagyan ko siya ng Italian twist para cute, kaya IMFATTO na siya. Pag babae IMFATTA. Pag grupo ng lalaki or mixed group of males and females IMFATTI. Pag all girls, IMFATTE. Not to be confused with INFATTI = “in fact.”

Surroundings: Medyo addict lang naman ang kapatid ko sa theme song ng Atlantika na kinanta ni Regine Velasquez. Hindi ko gusto yung kanta personally, parang tumitiling kabayo na nabundol ng jeep si Regine. Last week naman addict siya sa Crazy for You ng Spongecola, naapektuhan tuloy ang mga laman ng Soundtrack of the Week ko. Anyway, yun lang. Depressed pala ako, hehehe.

1 creature(s) gave a damn:

aNNa said...

bwahahaha!!! aliw siya in fairness... ngayon lang ako nagsimulang magbasa... cge pa nga... =p marami ring imfatti sa buhay ko at mga lechisimo...

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Film Review

Film Review

Book Review

Theater Review