Sunday, December 10, 2006

Blanko

Dezembro 3 - 9
Blanko

Soundtrack of the Week
  1. Do You Only Wanna Dance [MYA]
  2. Es por Tí [JUANES]
  3. Ámame [JUANES]
  4. Time of My Life [DIRTY DANCING]
  5. Itooshii Ito No Tameni [FUSHIGI YUUGI]

Movie of the Week: The Silence of the Lambs
  • Anthony Hopkins delivers a very believable portrayal of a psycho. I think this is his scariest best performance, thanks to the psycho stares.
  • I like the way Hannibal says the name of Jodie Foster’s character. I can’t describe it, somewhat weird, eerie, and sophisticated all at the same time.
  • Jodie Foster was good too. I think both lead actors deserved the Best Actor Oscars they got pero kahit maikli lang ang role ni Hannibal mas memorable ang character niya kung tutuusin.
  • Jodie got her second Best Actress Oscar for this one. 15 years na ang nakakaraan, when will she get her third one?
  • Sa mga nakanood na at nakabasa ng novel, which is better? This makes me want to read the novel, alam ko may prequel at 2 sequels na e.
  • Too bad pinalitan ni Julianne Moore si Jodie Foster sa sequel...
  • Galing ng escape ni Hannibal from temporary prison, talino talaga, hehe.
  • Magandang film kasi psycho thriller, heart-stopping talaga.
Motto of the Week: Hate Me, Love Me, Judge Me, But Never Ever Piss Me Off!
Isang axe-kick lang ang katapat mo, na no da!

In life maraming mahaderong nilalang na susubukang impluwensiyahan ang buhay mo, pag uusapan ka, huhusgahan ka. Ok lang sa akin yun. As human beings I believe it is in our nature to judge people in an instant. Gaya ng sabi ko ok lang yun sa akin. Ikaw ba pag may nakasalubong kang mukhang addict sa MRT iba background check mo pa siya bago mo siya husgahan? Siyempre hindi na, instant judgment na yun, parang instant noodles. Ang akin lang wag akong pakikialaman. Ok lang sa akin yung: “Uy bakit si (insert name here) ganyan, bakit siya ganun. Uy alam mo si (insert name here) ganyan, ganun.” Feedback yan.

Pero wag na wag mong gagawin sa akin ang ganito: “Hoy (insert name here) bakit ka ganyan, bakit ka ganun? Baguhin mo nga itong ganyan, wag ka ngang ganun.” Grr, this makes my blood boil. Pag usapan niyo na ko pero don’t try to affect my life directly because no one is qualified to do so.

E anak ng pechay Baguio ka, sino ka ba sa tingin mo? Hinayupak ka.

Galit na galit ako ng pinakikialaman ako, whatever form it might take basta pakikialam ayokong ayoko. Mahaba naman ang pasensya ko e kaso kahit ang bulkang isang milenyo nang dormant paminsan minsan bigla na lang din sumasabog. Wala lang, warning... Hehehe. If I wanted a director for the very complicated movie which is my life, I would look for him/her myself. No need to apply because I will find you whoever you are. Hay buhay. Tsk tsk tsk.

Showbiz: Britney teams up with Paris Hilton and Lindsay Lohan to party and flash her uhm... womanhood... Medyo delayed na but Aubrey and Partner got eliminated from the Amazing Race Asia competition already; two Filipino teams tanggal in two consecutive weeks. Maricel Soriano’s Inang Yaya performs poorly in Box Office, bakit ba nagfa flop ang mga quality movies natin?!

Work: I don’t like talking to Mexican women, at least that one variant of the whole population. Sila yung mga mabibilis magsalita tapos mataas ang pitch ng boses. Siyempre meron ding mga Brazilian counterparts. If you watch undubbed versions of Mexican telenovelas, you are sure to find one of them. Mas masaya kausap yung mga matatanda na normal lang magsalita tapos malalambing pa. May monito monita sa work at siyempre may Christmas Party rin kaso di ako makaka attend! =( Parami na kami ng parami sa office... Crowded na? Hehehe... Tinawagan ng call center na unang in apply-an for full-time Spanish agent. Matapos niyo ako paghintayin ng 1 buwan na ni wala man lang tawag? Manigas kayo! I’m happy na with current job. Gained new friendsboth here and abroad, masaya ang work environment, malapit sa inuuwian ko. Manigas kayo!

Bookstore: Nanggaling ako sa Fully Booked Rockwell, halos himatayin ako sa foreign language books collection nila. Goodbye Powerbooks na talaga! Hehehe. Halos kumpleto sila sa mga Language for Dummies titles tapos maraming hard-to-find books lalo na yung Spanish versions ng ilang books kaso yung mga kay Allende lang ang available. Mas mahal nga lang ng kaunti kaysa sa Powerbooks.

Maging Sino Ka Man: Di ko siya napapanood sa TV, sa Youtube ko pinapanood. Ang galing ng mga linya, memorable! Magaling pa ang mga artista lalo na sila Anne Curtis (We love you Celine!!!) at Chin-Chin Gutierrez. Ang di lang matino dito si Sam Milby. Iisa lang ang facial expression niya tapos ang eng eng pa magbitaw ng linya e English na nga halos lahat ng mga linya niya..

Academics: Wala halos pasok nung Tuesday at ganun din nung Friday. Convocation yata or something. E paano naman yun e di sigurado ang daming make-up class sessions niyan! Wala lang, tapos wala man lang formal announcements the day before, pumapasok pa tuloy mga estudyante kahit wala naman palang pasok. Nakakainis. Nakakatamad na nga tapos ganyan pa.

Life: The future is vague. Life has a way of uhm... playing with me? One day it would make me feel happy for no reason, maybe for the mere fact of being alive only to wake up the other day feeling like shit. And of course there are external factors as well. I wake up one morning with a very very bad news. I wake up the next morning with news that would bring a little hope and counter the former. And then the next morning I would wonder all day if I should risk depending too much on that little hope I have (for having experienced it before and failing miserably) but realizing that I really don’t have a choice but to hold on to it. I don’t know. It is all too weird, overwhelming, complicated. Sometimes it’s just fun to escape from reality and depend on the oh too dependable power of books, movies, and TV, hehehe. Escapism at its best.

1 creature(s) gave a damn:

Alexis said...

totoo ka jan kay sam milby. sobrang parepareho kaya.. ang ganda pa rin ni bea.

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Film Review

Film Review

Book Review

Theater Review