Dezembro 10 – 16
Mabuhay Ang Mga Pushers!
Soundtrack of the Week
- 17 [MOORE]
- Es por Tí [JUANES]
- Excuse My French [2BE3]
- Dámelo [JUANES]
- Iris [GOO GOO DOLLS]
Movie of the Week: City of Angels
- Napakawalang kwenta ng pagkamatay ng character ni Meg Ryan ha. Katuwa tuwa bang mag bike nang hindi nakahawak sa manibela? (Bakit ba may manibela ang bike? Di ba para hawakan?) Pero sige pagbigyan, hindi sila pwede magkatuluyan ng anghel e di sige. Sana man lang nalaglag siya sa bangin o kaya sumabog yung bike. (Ala Pinoy telenovela, harharhar!)
- Ano na pala nangyari kay Meg Ryan? Is she semi-retired or something?
- Naaliw ako dun sa story nung matabang lalaki na pasyente ni Meagan kahit medyo corny. Actually corny yung film pero masaya naman din.
- Siyempre unforgettable ang Iris (Goo Goo Dolls) at Uninvited (Alanis). Na summarize na sa Iris ang story nung movie, ang galing galing!
- Kadiri yung biniyak ni Meagan yung dibdib ng pasyente tapos pinapatibok niya yung with her hands. To think nag Med Sci ako nung HS, hahaha.
Heroes of the Week: Pushers
Mabuhay ang mga Pushers! Oo DRUG ADDICT na ako! Sa wakas!
TANGA! By pusher I mean yung mga taong mahilig manulak, of course not in the literal sense because I would never ever consider people in the MRT as heroes. In fact gusto ko nga may maipatupad na batas na sunugin sa Luneta before an audience ang mga hayop na nanunulak sa MRT na yan.
May 2 Pushers ako na na encounter this week, isang Prof at isang mIRC chatter. 3 na kasi absences ko kay Prof! So ayun nung kumatok ako sa kanyang pinto para manghingi ng kopya ng assignment, kinausap niya ako. I heart her na talaga! Matalino, magaling magturo, tapos concerned pa sa estudyante talaga!
Then words of wisdom started coming out of her mouth. Napaka inspiring ng mga sinabi niya. Siguro ganun talaga ang buhay, when you feel like shit someone will rescue you and give you not just hope but INSPIRATION as well. Medyo nakonsensya naman ako kaya go na sa library at lahat ng books for that class hiniram ko na. I just can’t let that Prof down, never. Though pushing is pakikialam din (which I abhor), at least ito may positive effects di gaya ng mga meddlesome creatures na gusto lang talaga makialam kasi trip lang nila.
About mIRC chatter naman, masaya makipag usap sa mga taong di mo kilala at maglabas ng sama ng loob. They make you feel that you’re not so alone. Kahit alam natin na nakiki empathize lang sila because they think they have to, ok na rin yung little inspiration na nakukuha sa kanila to cheer you up.
Sana lahat ng morons na makakasalamuha ko araw araw maging pushers para naman maging mas maligaya ang buhay. Oh well, dream on?
Showbiz: Apocalypto, that film about the nearing demise of the Maya empire, filmed in Yucatec (Maya language), and directed by that alcoholic Jewish basher, earned $15 Million on its opening weekend with Happy Feet trailing it closely in 2nd place. Nakita ko na ang trailer ng Zsa Zsa Zaturnnah. Bakit mas nabigyan pa ng exposure ang extrang si Pauleen Luna kesa sa character ni Aling Britney?
Work: Hindi ako makakasali sa Christmas Party kasi aalis na ako! Mukhang masaya pa naman tapos nagpa plano na sila ng mga production numbers, hahaha. Di tuloy ako maka relate! Kawawa naman ako... Pahinga naman! Hehe.
Zsa Zsa Zaturnnah: Namatay ako sa katatawa, kagabi lang ako nabuhay ulit. Ang kulit ng dialogues. One particularly funny scene was the transformation of the Amazonistas, halos 9 pages ata ang nasakop tapos binato lang sila ni Zaturnnah ng pick-up ba yun or truck afterwards. Ang kulit. Php240 lang! Bili na! The play w/ Eula Valdez as Zsa Zsa will have reruns this January ‘07 sa UPD.
Academics: Three days lang ang pasok. Tinamad na ang Profs for Thursday kaya nag goodbye na sila nung Monday. Actually yung isa hindi nag goodbye, nawala na lang bigla, lol. Natuwa na rin ako na nawala na lang bigla yung isa kasi medyo suspense thriller yung oral recitation niya. Kapag di ka nakasagot kakanta ka. E hindi ako nagre review. Paano na lang yun kung tawagin niya ako tapos di ako makasagot? E di kakanta ako di ba? E paano kung may talent scout bigla na dumaan? Paano kung ma discover ako? Masisira ang pag aaral ko di ba? Kaya ayun, salamat Prof sa iyong biglang pagkawala, see you next year pag nabasa ko na lahat ng readings mo, hehehe. Absent naman ako nung Tuesday kasi trip ko lang mag absent. Isa nga sa mga Prof ng classes na yun yung Pusher na nakausap ko nung Wednesday after the in-class essay sa Southeast Asian Studies class. =)
Future: Plan A (2nd-Degree-In-Economics Plan) shelved. Plan B (Work-In-An-Embassy-For-2-Years Plan) shelved. Current plan = Plan C (Lamierda-Sa-Europa Plan) Apr 08 = Graduation; May 08 – Jun 08 = Tambay; Jul 08 = Università di Bologna Italian Summer Intensive Class: Scholarship, alam ko nag o offer ang Italian embassy and they are just one jeepney ride away! Harharhar!; Aug 08 = Leiden University Dutch Intensive Summer Class: Sariling gastos, kamusta naman aabutin kaya ng 100,000 pesos ang tuition+lodging+gastos, plane ticket papunta hindi problema kasi Italy na manggagaling sagot ata ng scholarship yun, tren na lang yan na may kamahalan din pero kaya. The ticket back to the Philippines ang problema. Singapore Airlines is the airline nearest that offers flights at ang Schiphol-NAIA flight ay nasa 40,000 pesos; Sep 08 = tambay; Oct 08 – May 09 = Universidad de Salamanca 8-Month Diploma in Spanish Language and Culture: BECASMAE! Scholarship na naman, wish ko lang tumatanggap sila ng hindi EL majors, hello e baka may DELE Superior na ko by this time; Jun 09 = tambay; Jul 09 = Sorbonne University Paris IV Intensive Summer Class: May scholarship din yan, harharhar! Aug 09 – Sep 09 = tambay; Oct 09 – May 10 = Universidade de Coimbra 8-Month diploma in Portuguese Language and Culture: Scholarship ulit? For donations, please deposit in my BPI or Banco de Oro account, hahaha. Fiction ba ito? =p
0 creature(s) gave a damn:
Post a Comment