Janeiro 7– 13
Back to the Philippines, Back to Reality
Soundtrack of the Week
- Dámelo [JUANES]
- No Siento Penas [JUANES]
- Es por Tí [JUANES]
- Lo Que Me Gusta a Mí [JUANES]
- Para tu Amor [JUANES]
Movie of the Week: Kasal, Kasali, Kasalo
- Pumayat na nga talaga si Judy Ann, lumipat kay Ryan lahat ng taba e.
- Hindi ako masyadong natawa sa movie pero enjoy naman kahit paano.
- Basically the story is about a couple who got married and... Basta all about marriage and having a family. This kind of film has been done many times before so parang version lang ito ni Jose Javier Reyes.
- The best yung scene sa Nippon Restaurant ba yun? Yung pinagbabatukan ni Juday si Julianna Palermo tapos paglabas nag bow ng pagkababa baba e buntis siya, hehehe. Wala lang.
- Ryan Agoncillo is not an actor.
- Well deserved naman ni Juday ang Best Actress Award, wala naman siyang kalaban na bigatin e tapos maganda naman ang atake niya sa role. Ayoko lang yung brand of comedy na hiniram niya kay Maricel characterized by being a motor mouth, hindi eefective for her.
- Hindi ko nagustuhan ang acting ni Gloria Diaz and also the way she drops her lines, parang pilit na OA na di maintindihan or maybe I just don’t like her as an actress? Gina Pareño on the other hand was superb.
- Ok ang mga lines sa film na ito. Ang daming quotable quotes lalo na yung mga linya ni Juday.
- Na overtake na raw nito ang Enteng Kabisote 3 in terms of box office returns. Balik trophy? Hehehe.
Event of the Week: World Pyro Olympics
Ngayon lang ako nakakita ng sobrang dami ng tao na naglalakad sa kalye. Mula sa MRT station pa lang ng Taft ang dami nang naglalakad kaya naglakad na lang din kami. Masaya naman pala maglakad lalo na pag malamig ang hangin tapos marami kang kasabay. Nasa 500,000 daw ang tao sabi sa news.
Ok naman yung fireworks, nakakaaliw manood. Iba yung atmosphere e, hindi gaya pag New Year’s Eve na may paputok din naman at pailaw sa langit, parang iba ito. Para sa akin mas maganda yung pangalawang display na natapos around 11 PM, lalo na yung finale na may maliliit na ilaw ng yellow and orange na natira sa ere at unti unting bumababa. Ang galing nun, tapos pati yung clouds na nakapaligid napailaw ng yellow kaya hanep talaga.
Ang reklamo ko lang, ano ang karapatan ninyong bakuran ang Baywalk? Kung yun ba walang entrance fee e di sana marami pang naka abante at di nagmukhang may rally sa loob mismo ng Mall of Asia. Pero kita pa rin naman kasi sa langit naman yun so whatever! UK nga pala ang nanalo. Next year ulit!
Showbiz: GMA’s new shows: Asian Treasures (Angel/Robin); Lupin (Richard Gutierrez) <-- wala ba kayong ibang artista? Yes, this is “inspired” by the anime; Super Twins (Nadine/Jennylyn) <-- think live action Sailormoon. ABS-CBN’s new shows: Sana Maulit Muli (Kimerald) <-- If Only?; Rounin <-- last year pa ito ha, di pa rin palabas?; Walang Kapalit (Claudine/Piolo), Ysabela (Juday), etc.
Languages: Fina familiarize ko pa ang sarili ko sa Korean script. Ang galing galing ng script nila, nakakaaliw. Medyo nagkaroon nga lang ng delays with the everyday self study sessions dahil sa killer report sa isang subject pero so far ok naman, smooth sailing. Per part ang atake ko dito para madali, hindi per chapter. Iniisip ko nga na sana Japanese na lang pero nasimulan ko na ito, panindigan. Kasi kung iisipin talagang mas maraming benefits kung Japanese e kaso ang akin naman yung madali lang matutunan. Personally, I think Korean is the easiest to learn among the three East Asian Languages. Mahirap kasi ang ideographics at tones ng Mandarin, and Japanese naman masyadong maraming characters. At least ang Korean kunti lang ang characters tapos madali dali pa i memorize. Pwede pa mag practice through Koreanovelas, hehehe, hello Divisoria!
Work: Bumalik na rin ako sa trabaho. Matagal nga ako napahinga. There are a couple of new managers and new agents as well. Medyo nag under perform lang naman ako for the first few days. Aba naman three weeks ako nawala so kailangan ko rin mag adjust ng panibago. Natanggap ko na ang gifts ko from last year tapos may mga bagong incentives ang company to improve performance.
Academics: Pamatay talaga yung report. Nakaka pressure yung prof. Nakapag report naman kami pero di siya happy. Marami daw kulang at maraming tanong niya ang siya rin ang sumagot. Basta sa akin ok na at least tapos na. Tatlong araw din ako di nakatulog ng mahimbing dahil sa preparation sa report na yan. I hate reports. Grr! As for other classes, normal lang. Back to reality na talaga... Medyo masama rin pero nararamdaman ko na talaga na tinatamad na ako mag aral. Hindi kagaya before na it was just a phase tapos go na ako ulit. Recently I have needed constant pushing and nagging just to continue studying. The problem now is how to continue! One year pa ang natitira and if I stop now delay na naman di na natapos tapos. Quitting is not an option. The only problem is how to endure one more year with this mentality. <-- Change the mentality, idiot.
Future: Iniisip ko kasi mas maganda kung may ipon kaso para saan? Parang medyo hopeless naman na umasa sa mga embassy jobs lalo na at yung mga maliliit na consulates and embassies hindi naman tumatanggap ng Filipino employees. Sa mga malalaki like US Embassy usually visa clerks lang. So scholarship na lag siguro. Bahala na, sasabay na lang sa agos. Bwiset.
Surroundings: Wala pa ring pinagbago ang tirahan, ganun pa rin. Mala Payatas lang naman ang sumalubong sa akin pero inayos ko na nung weekend. Hindi na sa sala ang kwarto ko ngayon, lumipat na ako sa kwarto talaga, which I regret kasi mas magandang kwarto yung sala, mas malaki kahit walang privacy. Sa dami ng problema ko di ko na dapat problemahin pa ito. Hahaha.
0 creature(s) gave a damn:
Post a Comment