Janeiro 31– 6
Going Home
Soundtrack of the Week
- Nakapagtataka [SPONGE COLA]
- Dubidu [KAMIKAZE]
- Bawat Bata [APO]
- Awit ng Barkada [ITCHYWORMS]
- Do You Only Wanna Dance [MYA]
Movie of the Week: Babel
- Cate Blanchett obviously won’t be nominated for supporting for this movie in the Oscars. More or less sa Notes on a Scandal siya manonominate. Wala pa yatang 10 minutes ang total exposure nila ni Brad Pitt dito.
- Rinko Kikuchi and Adriana Barazza got nominated for supporting in the Golden Globes. I think one of them will secure a nomination sa Oscars.
- Gaya ng sabi ng blurb sa cover ng pirated DVD na pinanood ko, hindi na integrate ng mabuti yung mga subplots. Basta parang ambitous masyado.
- Rinko Kikuchi’s character was totally irrelevant to the story. Actually the director could have scrapped all the Japan scenes and the story as a whole won’t be affected, I think.
- Languages galore ang movie na ito so praktisin na ang inyong Arabic, Spanish at Japanese bago manood, hehehe. Of course Brad Pitt and Cate Blanchett spoke English and there was a French dialogue or two in one of the tour bus scenes. Talagang pinanindigan ng direktor ang title.
- Nakakabwiset yung batang Arabo na namaril kay Cate at dun sa mga pulis. Gusto ko siyang batukan. Wala lang naiinis lang ako sa kanya, bata pa lang barumbado na tapos sharp shooter pa... deadly combination!
- Naaawa na natatawa ako sa character ni Rinko Kikuchi. Nagvo volunteer na magpa rape tinanggihan pa. Pero di naman considered rape yun di ba kasi siya ang may gusto e? A ewan. Basta nakakaawang nakakatawa siya.
Exciting Pero Kulang: Amazing Race Asia
Wala kasi kaming cable sa Pinas at bigla namang nag Amazing Race Asia marathon dito! Christmas gift daw ng AXN, hehehe. Ok naman yung show pero gaya ng sabi ko, kulang! Wala compared to the original.
Yung host parang napipikon na naeLBM na hindi mo maintindihan. Tapos pag sasabihin na niya kung anong place ka parang kakabahan ka kasi parang bigla na lang siyang mananapak. Bakit ba kasi siya ang kinuha? Ang dami daming matitino diyan na pwedeng host! At tiyaka ano yung mag asawang galing ng Thailand? Hindi ba Amazing Race Asia ito? Ok fine permanent resident kayo ng Bangkok or whatever pero hindi kayo Asians. Yun na yun. Dapat exclusive ito for Asians ano, ano ginagawa ng mga Caucasians na yan dito? Unfair! Unfair!
Bakit sa Asia lang ang lugar na pupuntahan, kasi Amazing Race Asia? Kung ganun dapat bawal na talaga sumali ang Caucasians next season! Hehehe. Nakakapanghinayang naman ang sunurang pagkakatanggal nila Aubrey at Jeernee pero ganun talaga. Oh well, next season. Change the host, please.
Showbiz: Nakita ko sa Yutube ang trailer ng bagong soap ng ABS-CBN na ang title ay Sana Maulit Muli. Parang If Only? Pati kasi yung tugtog sa trailer galing sa If Only tapos yung character ni Michael de Mesa inspired din nung taxi driver sa If Only. If only mapapanood ko lang itong soap na ito but no I won’t be able to because of work so bakit ko pa poproblemahin kung ripoff o hindi di ba? =)
Languages: I am postponing French studies once again due to lack of funds. Natapos ko na kasi halos lahat ng books ko dito and since nag LOA ako sa office, wala pa akong pambili ng next book in line to be bought and studied. Ok na rin naman, nakakagamit na ako ng subjunctive kahit medyo barok pa tiyaka nahihirapan pa rin ako sa pronunciation. Substitute muna ang Korean. Nakatulong din ang ang Portuguese sa pag aaral ko ng French kasi nasanay na ako sa mga nasal sounds. As for vocabulary, nakakaaliw talaga kasi kapag meron akong term na hindi alam sa French, kinokunsulta ko ang Spanish, Italian at Portuguese word bank sa aking utak at kadalasan nakukuha ko ang word, siyempre dadagdagan mo ng French twist. The problem now is with Korean. No cognates, start from scratch. Challenge ito! Hahaha!!!
Christmas: Christmas was just another ordinary day. We stayed at home, didn’t even go to the mall. Buti na nga lang mas marami na ang nagbebenta ng baboy sa city kaya may ham kami. Basically yun na. Nagbasa basa lang ako ng mga dapat basahin. Yung kapatid at mga magulang ko nanood ng 24 for the nth time. Tapos nanood kami ng DVD ng Sukob nung gabi na (Gift ko kay Mama, hehe)
New Year: Wala lang din yung New Year. Actually mas masasabing eventful yung New Year kasi nag mall kami. Wala lang, na amaze lang ako sa Suria KLCC, ito yung mall sa ilalim ng Petronas Twin Towers. Nandito rin yung Kinokuniya. Kumain lang kami at naglibot tapos binili ko yung Korean book (advanced forecast yung last week, hehehe). If you got to KL, don’t miss this mall.
Academics: Masyadong pressure yung report namin sa Southeast Asia subject. Kahit favorite subject ko siya aaminin ko na naiinis rin ako dahil nga masyadong demanding yung paggawa ng sentence outline and to think sentence outline pa lang yun. Ewan ko ba. Normal lang naman ang pagre report pero parang di kami makatapos ng groupmates ko. Siguro talagang tinatamad na ako mag aral. Ang nakakainis pa nakabakasyon nga ako pero pinag uusapan pa rin to. Tapos pagdating dating ko pa lang kailangan magplano na agad at magkita the day after. Iniisip ko na lang na since unang reporters kami at least tapos na after, makikinig na lang kami buong sem after that Wednesday, hehe. Yahoo-huhuhu. As for the other subjects naman e nagbasa na ako in advance at nakapaghabol na, which is good news naman. Hay nako balik Pinas, balik pressure, lol.
Future: Wala na. Riot na talaga ang future as of now. Linggo linggo na lang bago ang plano, wala nang mapagkasunduan although meron pa akong more than a year to make up my mind. Kahit naman siguro anong landas ang piliin ko e may paroroonan pa rin. Bahala na siguro kung ano mangyari. I want to build a career. Gusto ko rin mag lamyerda abroad. Both are feasible. What to choose? Shet.
0 creature(s) gave a damn:
Post a Comment