Dezembro 24– 30
Selamat Datang Rewind Part 2
Soundtrack of the Week
- Dámelo [JUANES]
- Dance Like This [WYCLEF]
- No Siento Penas [JUANES]
- Nakapagtataka [SPONGE COLA]
- Es por Tí [JUANES]
- Zi Yi Zhang’s role was originally offered to Gong Li, who declined.
- Although Zhang Zi Yi’s acting was ok, I think Gong Li could have played the role better, hahaha ang bias...
- This is Hong Kong’s official entry for this year’s Oscars.
- Sana pag Chinese films Zhang Zi Yi ang gamitin ni Zi Yi Zhang tapos yung latter sa Hollywood films na lang niya gamitin. Siyempre nakialam naman daw ako di ba. Wala lang, e kasi naman...
- Who killed the empress in the end?
- Anong language ang movie na ito? Cantonese? Obviously not Mandarin kasi. If yes, fluent ba si Zi Yi Zhang in Cantonese?
- Hindi bagay magpaka-martir yung emperor sa huli, ang corny niya.
- Naiinis ako dun sa intrimitidang girlfriend wannabe ng prince, bakit mo kinokontra si Zhang Zi Yi ha? Siya ang bida dito hindi ikaw! Hehehe.
- Ok naman yung fighting scenes. Di talaga ako fan ng mga lumilipad na Intsik pero tolerable naman ang mga pinakitang paglipad at pagputol nila ng mga ulo at pagtalsik ng dugo sa film na ito.
- Asa pa na mano nominate ito sa Oscars, mukha kayang mas malaki ang chances ng Curse of the Golden Flower (China) ni Zhang Yimou...
Retarded Activity of the Week: Themepark!
Dun sa Times Square na pinuntahan sa Amazing Race Asia, merong theme park sa upper floors. Para siyang yung sa Festival Mall pero mas matindi ang rides. Merong roller coaster na mahaba haba ang ruta at maraming twirls plus one (or was it two) loop(s). Merong parang Anchor’s Away pero di gaya ng sa Enchanted Kingdom, ito hindi lang nagsi swing, bumabaliktad talaga. Merong DNA Mixer kung saan nakaupo ka tapos papasirkuhin ka ng una ulo na paulit ulit. Yung isa naman ay yung matangkad na poste na umiikot clockwise tapos yung sinasakyan mo na nakakabit sa poste umiikot ng counter clockwise. Siyempre umiral naman ang karetardedan ko kaya nagsasakay ako. Yung kapatid kong KJ hindi sumama. Siyempre yung mga magulang ko hindi rin sumama.
Nalaman ko na therapeutic pala yung Anchor’s Away na ride lalo na pag nakabaliktad ka na. Siyempre matatakot ka sa una kasi nandun yung paranoia na baka kumalas yung upuan mo at mapaaga ang buhay mo pero after two (rode it thrice) bale wala na lang, relaxing na siya. Wag sasakay sa DNA mixer! Yun na nga lang ang finale ko at isang beses ko lang sinakyan pero nagsisi ako. Para kang nalaglag sa kabayo pagkatapos. Yung roller coaster medyo kulang sa thrill.
Showbiz: We went to Times Square (kung saan nagpunta ang mga kasali sa Amazing Race Asia nung first episode) at nakita ko sa sinehan nila na ipapalabas pala dito ang Sukob AKA The Wedding Curse. Hehehe, pinalabas din kasi yung Feng Shui dito tapos naka top 10 sa Box Office. La lang, good to know na tinatangkilik din ang mga pelikula natin ng ating mga kapitbahay sa SEA.
Languages: Korean (the dark horse) won. All the while I thought it was going to be Vietnamese (the early favorite). I already bought a book on Korean and would start self study on January. I just hope that this would make language learning more enjoyable. Yoo Rin, Jang Geum, Gong Chan, maghanda na kayo! Harharhar. Bahala na sa first week ng January. Hehehe. Aja!
Malaysia Truly Asia: In a way true lalo na sa KL. Culturally diverse as in normal na may makasabay kang mag asawang Hapon na kumakain sa McDo tapos pagliko mo sa kalye mga Caucasians naman makikita mo tapos may Intsik sa kabilang kanto tapos pagsakay mo ng taxi Indian yung driver. Lahat yata ng bansa sa mundo may representative dito. Hehehe, nakakatuwa.
Things I Will Miss When I Get Back Home: Yung Cheesy Wedges sa KFC, wala kasi sa KFC sa Pinas. Potato wedges siya na may cheese at mayonnaise. Yung Dutch Ice Strawberry sa Auntie Anne’s, again wala sa Pilipinas o siguro sa ibang branch meron pero sa Glorietta at Greenbelt puro lemonade lang ang tinda. The apartment itself, ang gulu gulo kasi ng condo unit, ni-ramble ko bago umalis kaya mukhang Payatas yun pag uwi ko, no!!! Yung mga bookstores! A basta favorite ko na ang bookstores dito! The KL Monorail, yung mukhang alien na MRT nila na ang card ay kaparehong kapareho ng sa MRT sa Pinas. Rest, wala ako nito sa Pilipinas e! Medyo corny pero sige na nga yung pusa na si Panda. Yung nasi goreng (lit. rice fried). At siyempre pa ang mga magulang, few weeks with them and maybe another year without. Huhuhuhu...
Future: Lintik talaga gulung gulo na ako sa hinayupak na future na ito. Obsessed na obsessed ako dito to the point na nagkakanda leche leche na ang present. The problem with that is kapag nag collapse ang present, hindi ako makakarating sa future! Ano ba ang dapat unahin? Kailangan ba academic fantasies muna (Scholarships galore), career-building (embassy work or FSO), o financial security (Hello call center! <-- duh) Ang hirap din pala mag isip paminsan minsan lalo na kapag maraming choices. O siguro magpapadala na lang ako sa agos when the time comes? After graduation gusto magpahinga ng Alfie. Ang Dan the Wrathful naman gusto na umalis ng bansa while the ihcahieh wants to continue studying. Whatever would be chosen will not satisfy all parties involved. Maybe the best option is just to fix the present first. Hay buhay.
Surroundings: Mas masaya magbiyahe dito kasi ang dami nilang MRT, sala salabat. Ang panget ng weather dito ngayon kasi naguuulan. Ilang beses na rin namin dinadaan daanan yung Shah Alam Stadium na pinuntahan din sa Amazing Race Asia. Parang bundok ang itsura niya pag gabi kasi ang weird ng bubong. Nagpa plastic pa rin ng kamay ang mga tindera kapag bumibili kami ng Spam.
0 creature(s) gave a damn:
Post a Comment