Fevereiro 4– 10
Moron on Autopilot
Soundtrack of the Week
- Ju Hua Tai [CHOU]
- Qué Pasa? [JUANES]
- Say You’ll Never Go [SANTOS]
- All Good Things [FURTADO]
- Listen [BEYONCé]
Movie of the Week: She’s the Man
- Twins. Boy goes to London, girl takes the chance to pretend to be him because her soccer team got canceled by her school and she wants revenge by joining the boy’s team of the rival school (his brother’s)
- OA si Amanda Bynes sa TV, not really a fan pero magaling din talaga siya magpatawa. Nakakaaliw naman siya sa movie na ito.
- Naaaliw ako sa American High School teenybopper movies like this one. Parang sobrang iba kasi yung culture compared sa high school dito sa atin o hindi ba? Hehehe, worth watching naman.
- Nakakatawa naman yung buong movie pero para sa akin... Ano bang funniest part... Mababawa ako e, siguro yung part na nagpauna siya dun sa banyo sa fair pagpasok niya lalaki siya tapos paglabas babae na tapos parang wala lang yung reaction nakangiti pa. Parang tanga mga tao.
- Enjoyable movie to watch on a boring day. Pwede ulit ulitin.
- Ang layo naman ng itsura ni Viola sa kambal niya (height pa lang e), sabagay siya naman ang unang nakilala as Sebastian, lol.
- Ok din yung mga dialogue, mukhang pinag isipan naman. BOY: End of discussion! GIRL: End of relationship! Hahaha, tindi!
TOP TEN: Favorite Professors/Instructors, etc
Lahat naman tayo merong mga paboritong instructor, propesor, etc. Para sa atin sila ang The Best pero nilagay ko dito Favorite lang kasi hindi naman porke BEST para sa akin e ganun na rin sa iba. Wala lang, favorite ko lang ang mga ito dahil magagaling talaga sila. Siyempre yung iba favorite ko kasi mabait, approachable, etc. Iba iba naman ang criteria e. Kung di niyo sila favorite e di gumawa kayo ng sarili niyong listahan, ano ba! Ganun lang naman yun. Basta para sa akin, sila ang favorite, sila ang the best.
10. Vallejo, Louie John (Mathematics 17)
09. Morada, Noel (Political Science 178)
08. Mercado, Raquel (Spanish 14-15)
07. Calderon, Tina (Humanities 1)\
06. Llanes, Ferdinand (Kasaysayan 110)
05. Encanto, Georgina (Journalism 100)
04. Maurillo, Arlene (Italian 10-13)
03. Ebreo, Elvin (Spanish 12-13)
02. Teodoro, Luis (Journalism 103)
01. Casambre, Athena (Political Science 11)
TV: Sabay natapos ang Atlantika tiyaka Super Inggo. Curious kayo sa ratings? Super Inggo = 27% Atlantika = 30% Ang papalit e puro bata naman. Yung isa batang hinahampas ng saklay tiyaka hinuhulog sa swimming pool. Yung isa naman dalawang bata na biglang tumatanda at naka costume ng Sailormoon. Buti na lang Maging Sino Ka Man lang ang pinapanood ko sa primetime, lol.
Politics: Naiinis ako kay Richard Gomez. Win or lose is bad news. Imagine kung mananalo siya, magkakaroon na naman tayo ng artista sa senado. Imagine kung may makausap kang foreigner at itatanong niya sa iyo, what about Richard Gomez? What was he doing before he became a Philippine Senator. SAGOT? Oh well you know he had this weekly TV show where he together with two other men made chismis the lives of other actors in the showbiz industry. In short, chismoso. Anong gagawin ng chismoso sa senado? Bakit hindi na lang mayor ang takbuhin niya baka sakaling maayos pa maging trabaho niya. Senado? Anong batas ang gagawin niya? Marunong ba siya nun? Kapag natalo naman siya babalik siya sa TV at bibwisitin tayo with his presence para mabawi ang pinang-kampanya. Now who would forget his Captain Barbell “Villain-Laugh?”
Moron on Autopilot: Wala lang mga ewan na realizations lang. Oh my God, I have discovered lately that I am a moron myself. I always brand someone a moron. Wala lang favorite term kasi. Siguro ganun nga. We are all morons. Oops, not correct. Most of us are morons, each one trying to make a difference in the world and when we finally achieve that goal we finally become SNM’s, Significant Non-Morons. As mentioned I am still in the Moron stage. Hindi pa ako makaka graduate from being a moron dahil sabog pa ang buhay ko. Para akong piloto na nagpapalipad ng eroplano. Kailangan ko ng emergency landing pero sa sobrang pagod ng kakaisip kung saan, nag autopilot na lang muna ako. Sumabay na lang sa agos ika nga. Ang problema naman kasi dun hindi mo alam kung saan ka la-landing. Paano kung ayaw mo pala yung na landing-an mo? Ewan.
Work: Official na ang paglipat ko sa Portuguese side of the fence. Puro tawag ang dami ko nang nagagawa! Hindi gaya sa Spanish na wala nga akong ginagawa. Ang problema ko lang ngayon napo pollute na ng Portuguese ang Spanish ko. Pag nagsasalita ako ng Español napapansin ko na nahahaluan na siya ng Português. Wala na kasing practice. Masaya naman, nasasanay na unti unti.
Academics: Natapos na ang huling midterm exam. Easy easy lang sa acads this week. Ang sarap mamahinga after the exam na alam mong walang gagawin the next day kundi mag discuss. Tatapusin ko na lang talaga itong sem na ito just for the sake of finishing it. Scrap the CS title along with the US aspirations; I just can’t do that this semester, maybe the next but definitely not now.
0 creature(s) gave a damn:
Post a Comment