Tuesday, March 27, 2007

Pioneered by Jealousy, Driven by Obsession


Março 18– 24

Pioneered by Jealousy, Driven by Obsession

Soundtrack of the Week ß Beyoncé tigilan mo na ako edition
  1. Imprescindible [BEYONCé]
  2. I’m a Bitch, I’m a Lover [CROW]
  3. Irreplaceable [BEYONCé]
  4. Helena [MCR]
  5. Listen [BEYONCé]
Movie of the Week: Wag Kang Lilingon
  • Ito lang ata ang horror film na imbes mapasigaw ka sa takot e mapapasigaw ka ng “Shet ang panget naming multo nito!” Ano ba naman, sana naman kumuha kayo ng multong may itsura. Yung isang multo mukhang may hydrocephalus na hindi maintindihan. Yung multo sa salamin mukhang labandera. Utang na loob...
  • Gaya gaya sa Hide and Seek yung story ni Anne Curtis, yun nga lang hindi napantayan. Pati yung oras na 3 AM, sa Hide and Seek ata 2 AM e.
  • Maganda naman at nag work kahit paano yung attempt na pagkonektahin yung dalawang stories, pwede na.
  • Lagi na lang kontrabida si Mang Oca, mukha ba siya talagang mamamatay tao? Bigyan niyo naman ng ibang role.
  • Corny pa rin umarte si Kristine, nilamon ng buo ni Anne.
  • Hindi nakakatakot yung movie, parang trying hard pa nga ang dating sa akin pero ok naman yung story, mapapaisip ka kahit paano. Medyo di na nga lang ako nag isip kasi alam ko na yung twist bago ko pinanood.
  • Panoorin niyo kung may oras kayo pero kung wala wag na ninyo pag aksayahan kasi mabi bwiset lang kayo, lol.
Jealousy as an Anchor: Wala lang kasi have you ever used jealousy as a motivation to pursue something? Ako kasi oo. Two scenarios: when a cousin started learning a foreign language I started learning as well; when a classmate started looking for a part-time job in a call center I started looking as well. What started as what I maliciously perceive as “competition” then became an obsession. Not that it has any bad effects in my life, in fact it has been beneficial for me. I am learning languages now and working part-time, earning while working on having a degree. In short benefit pa nga. The question is it is right to use jealousy or competition to initiate something. Ang sagot ko dito is YES. Siguro context-dependent siya (natutunan sa 178, hahaha) para kasi sa mga taong kagaya ko na araw araw e nagbabago ang goals in life, maybe it is effective to do so. Since I have no stable goals in life maybe this could be the key to help me shape the policies (naks naman formal-formalan, o sige GOALS na lang) that I have to apply in life. Syempre may limitations din naman. One can’t depend on competition alone and also the thought lingers, sino ang kukumpetensiyahin mo? Kung lahat ng tao kukumpetensiyahin mo walang mangyayari sa iyo. Conclusion: use it for primary motivation but not for sustaining your goals. Swak na swak for people like me. WARNING: may not be applicable to others.

Academics: Natapos na ang classes nung Friday. Grabe ang bilis ng araw! Medyo ma drama yung ending ng Wednesday class namin about Southeast Asia. May kaklase pa nga ako na napaluha. Kahit na madugo ang report sa class na yun masasabi ko na favorite ko talaga yun for this semester and the experience, walang kapantay. Di ako nagsisisi na kinuha ko yung subject. Huhuhu.

Work: Wala lang, kasi may mga tao na nagki criticize sa mga nagtatrabaho sa call center. Ang tanong ko naman, bakit? Alam niyo sa buhay na ito we only need a JOB to survive. CAREER is needed just for the sake of contentment. So para sa mga taong kagaya ko na walang urgent ambition to be happy, kuntento na kami dito no so fuck off na lang ang mga impokritong akala mo kung sino mga magsi isip. Ano bang pakialam ninyo. I could say that this job is stable naman. I only have half the work load of a full time English speaking agent but I earn as much as they do. In fact kung gugustuhin ko pwede na nga lang ako mag aral forever and work part-time here, makaka survive pa rin naman ako. Para sa mga taong di nakakaintindi, isipin niyo na lang na swerte kayo na di kayo call center agent kung talagang ganyan katataas ang tingin niyo sa mga sarili ninyo. And for the very last time ie explain ko kung bakit ako nagtatrabaho dito. Una sa lahat hindi ko kailangan magtrabaho dahil sustentado ako ng mga magulang ko, dun pa lang dapat naiisip na ng tao na may ibang dahilan bukod sa pera. This call center is the only one I know that has Brazilian Portuguese accounts, sa iba wala. On the other hand while languages such as Spanish, French, German and Italian have their own institutes here in the Philippines (Instituto Cervantes, Alliance Française, Goethe Institut and Societa Dante Alighieri, respectively) ang Portuguese wala. Ang pinakamalapit na Intituto Camões ay nasa Jakarta, so what do you suggest sa Indonesia na ako tumira? I could enroll myself in the institutions mentioned pero for Portuguese wala. UPD lang ang nag o offer ng Portuguese dito sa Pinas, lagi pang elementary levels lang dahil walang demand. So yun, naa acquire mo ang language ikaw pa binabayaran. Yun na yun, so shut up na, ok!

Walang Kapalit: http://www.youtube.com/watch?v=D4swHuOq92Y See the youtube trailer before they toss it out! Mukhang maganda! Hehehe, telenovela addiction na naman ito. Fan kasi ako ng Milan e but not necessarily of Claudine and Piolo, lol. Sabi nila ripoff daw ito ng Devil Beside You ng Taiwan, let’s wait and see. Step-siblings falling in love ang premise ng story. April/May ang pilot.

Future: Lagot nagbabalik ang segment ng FUTURE. Napag isip isip ko lang kasi, may trabaho na naman ako. Ok naman ang kinikita ko tapos flexible pa ang shift. Siguro itutuloy ko na lang yung dating plano na mag second degree in Econ after graduation. Kasi kino compute ko kung mag 18 units ako per sem kaya ko tapusin ng one year e, sayang naman di ba? Ewan ko, ito ang future goal of the day, lol.

Sunday, March 25, 2007

One Dream Can Change Everything

Março 11– 17
One Dream Can Change Everything

Soundtrack of the Week ß Beyoncé overload edition
  1. One Night Only [BEYONCé]
  2. Listen [BEYONCé]
  3. Irreplaceable [BEYONCé]
  4. Dreamgirls [BEYONCé/ANIKA/JHUD]
  5. Deja Vu [BEYONCé]
Movie of the Week: Dreamgirls
  • Ang reklamo ko lang sa movie na ito ay medyo kada 5 minutes kumakanta sila, parang overkill naman yata. Another thing is that hindi maganda yung transition sa pagkanta. Sa Chicago kasi alam natin na imagination lang nila yung musical performances (except CZJ’s All that Jazz) tapos yung sa Moulin Rouge naman ok lang kasi surreal naman yung palabas talaga e kaso dito sa Dreamgirls parang para lang makakanta yung mga characters. Nag aaway tapos biglang kakanta. Nagda drama tapos biglang kakanta. Not that it’s horrible, maganda nga kaso parang nasobrahan.
  • Ito ang tipo ng palabas na pwede mong ulit ulitin from the top all over again one more time, as in paulit ulit. Unang scene pa lang alam mo na agad na mabubusog ang mga mata at tenga mo. Sulit ang ticket, lol.
  • Ang corny nung We are Family musical performance, yung nag drama si Effie ng WHAT ABOUT ME? Parang ang cheesy masyado pero nabawi naman dun sa pre – And I am Telling You I’m not Going musical performance, yung nag away away sila pero kumakanta, galing, lol.
  • Ang galing galing ni JHud KUMANTA. I still stick to my theory that if you strip the movie of all of JHud’s musical performances, pagtagpi tagpiin lahat ng PURE ACTING scenes niya na wala pa yatang 10 minutes, tapos itapat mo sa Freakout Confrontation scene ni Cate Blanchett with Judi Dench sa Notes on a Scandal or to any of Rinko Kikuchi’s acting chops sa Babel, parang no contest si JHud. Pero magaling ang MUSICAL PERFORMANCES ni JHud, she didn’t feel the urge to OVERSING gaya ng ginawa niya nung Oscars night, ang galing niya kumanta. The problem is that the awards she got are for Best Performance by a Supporting ACTRESS, hindi by a SINGER or a DANCER, lol. So ang masasabi ko lang kay JHud, hold on to that Oscar statuette because I bet you won’t get another one UNLESS you improve on your ACTING skills or you land another Effie White role, which is very unlikely.
  • Effective si Jamie Foxx kasi maiinis ka sa character niya kahit paano. Effective din si Anika sa mga patawa scenes. No comment on Eddie M.
  • Beyoncé was ok but I think she’d be better off singing to the left to the left than acting to the right to the right, leche ang corny ko. I just wonder how she feels. Feeling niya siguro ito na finally ang big break to successfully crossover (parang namatay e no, lol) to acting e kaso natabunan siya ni JHud. Naghampasan na ba sila ng mic or nagsabunutan? Hehehe.
  • I was actually surprised that I liked the movie despite the bitter anti-JHud sentiment! Not as spectacular-spectacular as Moulin Rouge, not as Oscar worthy as Chicago pero magandang palabas! Panoorin niyo! Kung ayaw niyo sa sine maraming malinaw na pirated na nagkalat!
  • If you don’t buy the soundtrack, the experience won’t be complete. Buy na!
Academics: Hell week na naman po. Last twoo weeks na lang pero dahil parang hinihila ang araw e parang last two minutes ng absketball game! Buhay na ulit ako kasi cramming period na, hahaha, wala nang pagbabago. Mabuhay ang mga crammers! In two weeks it’s all over and I will be free for another two weeks bago mag Go-Fight ulit. 3.0 lang po happy na ako, ayoko na mag ambisyon.

Work: Merong training na hindi matuluy tuloy dahil may conflict sa school sched. Na resolve na after Finals na lang ako magte training. Natatakot na ako sumagot ng phones ngayon after almost one month of confining myself to e-mails and chats. Humingi ng change of schedule for this summer na araw araw. Magko calls na ulit ako, oras nang iabante ang Portuguese fluency. Yahoo...

Pinoy Big Brother: Wala lang na addict na rin ako dito. Bumili rin ako nung DVD ng Celebrity Edition. Mas masaya panoorin yung UPLATE, mabuhay ang mga tropang gising na kagaya ko! Ang taas kasi ng energy ni Mariel kapag hating gabi, nakakahawa. About Zeke and Dionne, nakakaaliw sila panoorin, parang romantic movie pero may boyfriend yung babae di ba? No more comments...

TV: Pinakita na ang full trailer ng Rounin. Maganda siya in fairness pero ang reklamo ko sa teaser masyadong naka focus yung first half kay Rayver tapos yung second part kay Angelica at Lucky. Sila lang ba ang characters, di ba hindi naman? Maganda ang effects no doubt kasi Erik Matti ang direktor, magkakatalo na lang sa story, alam niyo naman ang mga fantaserye ng dos nagiging draggynovela kadalasan, fantasy na nga nagiging mas fantasy pa kapag pinapahaba yung istorya. May teaser na rin ng Walang Kapalit ni Piolo-Claudine na drama na naman, sana kagaya ng Maging Sino Ka Man para di nakakasawa. Sa kabila naman pinakita na rin ang trailer ng Lupin na papalit sa Bakekang, ang reklamo ko naman dun bakit si Richard Gutierrez na naman, wala na ba silang ibang artista? Di bale kasali naman si Katrina Halili, hehehe.

Tuesday, March 13, 2007

Oo na Ako na Yung nasa MYX!

Março 4– 10
Oo na Ako na Yung nasa MYX!

Soundtrack of the Week
  1. Irreplaceable [BEYONCé] ß LSS to the nth level...
  2. Wonderful World [MORRISON]
  3. Chingu [LEE DG]
  4. The Sweet Escape [STEFANI]
  5. Magbalik [CALLALILY]
Movie of the Week: Notes on a Scandal
  • Documentary kung paano manira ng buhay at mang iskandalo ng kapwa hosted by Barbara portrayed by Dame Judi Dench, lol. Hanep ang diary collection, nakalinya sa shelf at labeled ba complete with gold stars!
  • Nagandahan ako sa movie kasi suspense thriller (para sa akin ha) na walang serial killers, walang overpowdered crawling women and stuff. Judi Dench’s malicious stares would suffice to keep you at the edge of your seats. At siyempre kahit medyo overkill ang score kapag panic mode ang mga characters (as in ang lakas) effective naman.
  • Cate Blanchett’s freakout confrontation scene with Judi Dench at the near end of the movie is more than enough for her to have won the Oscar. I haven’t seen Dreamgirls yet but I have this theory that if you remove all of JHud’s musical performances in that film, collect all her pure ACTING scenes and place it vis-a-vis this single Cate Blanchett moment then it would be clear who should have won. Hehehe bitter-bitter-an mode.
  • Hanep ang mga lines sa movie na ito, raw and in your face talaga. Reminds me of the lines in Closer pero milder version, lol. At ang mga profanity talagang no holds barred mga tipong: “He is fucking fifteeeeen!” “You are not Virginia fucking Woooolf!” at siyempre ang quotable quote ni Sheba: “He’s quite matured for his age.”
  • Judi Dench’s performance was also a force to reckon with and I would have wanted her to win but I think it is clear that Mirren had the jucier role and I would not bash her (MIRREN) because there is a concensus that she CAN ACT and do it well and I believe in that.
  • Dame Judi’s Barbara character reminded me of a milder but feminine Hannibal. Ang galing nila pareho magplano. Napaka effective ng pagkaka portray ni Dench sa isang needy semi-psycho retiring History teacher. Ang kulit din ng descriptions niya kapag nagiisip ang kanyang character.
  • Nakakaaliw din yung one page report ni Barbara tungkol sa History department. Thorough nga ang pagkakagawa, kakaiba ang pagkaprangka.
  • Ang dumi ng mukha ni Steven, parang freckles na tinubuan ng mukha.
Academics: I am so glad na matatapos na ang semester! Would you believe na two weeks na lang? Parang hinihila ang araw! So far dalawang requirements ang matatapos next week tapos wala na puro exam na lang! Happiness! Hahaha, sana hindi ganito ang attitude ko sa summer, Calculus pa naman ang kukunin ko sa summer! Good luck naman sa akin, hahaha. 2 weeks vacation then sabak again!

Myx Video: Oo na ako na yung nasa MYX video. Isang araw naglalakad ako ng mapayapa sa oval, nagbabasa ng Italian diary dahil kagagaling ko lang sa class nang biglang may nakita akong isang batchmate nung high school na graduate ng UP FAVC. May bitbit siyang camera man at mic man. Sabi niya sabihin ko raw MYX SPACE VOTE SPACE TITLE OF THE SONG. Masunurin naman akong bata. Kunwari daw nagbabasa ako ng notebook. E di lumabas nga sa MYX. Malay ko bang seryoso yun, akala ko social experiment, lol. Hindi ko pa nakikita yang video na yan dahil ang MYX sa Studio 23 madaling araw lang ata. Yung kapatid ko nakita na. Yung pinsan ko nakita na. Yung mga kaklase ko nakita na, pati ka opisina ko! Well ano pang magagawa ko. Ayaw ko makita yang video na yan, lol. Hanggang ngayon pala pinapalabas pa rin yun? Bahala nga kayo sa buhay ninyo!

Work: Bumalik na rin ako sa phones this week, trying to balance between chat and calls. Ok na rin naman na mag calls ako para masanay, ok na kasi ako sa written Portuguese, mas kailangan ko ang oral practice. Merong retraining na magaganap pero sine schedule pa, thank God at meron dahil marami akong tanong! Boring pa rin ang work at community service pa rin ang turing ko dito.

If to have Makeover, how? Hahaha, funny topic. Anyway my face is my father’s; my mother only gave me two facial features that she could claim as hers: the brown eyes and the Gollum teeth. When I talk to people up close and maintain eye contact some of them would ask: “Naka contacts ka ba?” Contacts ka diyan, lol. Unfortunately kung may good news may bad news at ang bad news ay ang Gollum teeth. Maybe it could be blamed as the reason why I don’t smile a lot or maybe the reason is that there simply is nothing to smile about, mas logical. I therefore conclude na kapag nagpa makeover ako, ipapatastas ko lahat ng ngipin ko! Hahaha! Siyempre papalitan ng matinong ngipin na hindi malalaki ang spaces in between. Siyempre pearly whites din ang ipapalit dapat, magpapapalit ka na rin lang itodo mo na di ba. Dati kasi pearly whites din ang akin kasi nung yung nanay ko ang nagtu toothbrush sa akin nung kabataan ko feeling niya nag iiskoba siya ng banyo. Good side nun lagi akong sinasabihan sa school dental check-up na mukha raw instik yung ngipin ko, teka nga considered good ba yun? Ang bad side naman nun tortured ang gums, feeling nila api apihan sila. Ipahahasa ko na rin yung incisors para vampiric ang dating, ok din yun kasi pag nainis ako pwede akong mangagat. Tapos siyempre ang nabanggit na rin dati, dye the hair white, lol. Dying your hair with a radical color is like having a sex video. People will talk about it, hindi nila yun palalampasin at ipapamukha nila sa yo yun araw araw lalo pa’t nakikita nila ang ebidensiya. Hahaha, false analogy ata, whatever. Kung magbabago ka rin lang dapat total overhaul. Nonsense ang pagbabago kung di mo paninindigan e ningas kugon ako e, lol. Shet I’m talking non-sense. Di bale in paper lang naman ito, bwahahahaha!!!

Sunday, March 4, 2007

And the Oscar Goes to --

Fevereiro 25– 3
And the Oscar Goes to --

Soundtrack of the Week
  1. Prinsesa [6 CYCLE MIND]
  2. My Eyes Adored You [MILBY/GONZAGA]
  3. Love Team [ITCHYWORMS]
  4. Just So You Know [MCCARTNEY]
  5. Wonderful World [MORRISON]
Movie of the Week: The Breakup
  • No, this is not a documentary about the Brad/Jennifer breakup and no, Vince Vaughn is not playing Brad Pitt.
  • Mas maganda yung alternate ending sa DVD although medyo freaky yung song and dance number nung brother ni Jennifer at nung bading niyang officemate na receptionist ni M. Dean.
  • Nakakaaliw si M. Dean.
  • Mas may laman yung alternate ending kasi nagkita sila tapos yung mga bago nilang partners ay carbon copy ng isa’t isa kesa naman yung ending sa sinehan na nagkita lang sila tapos wala lang. Corny.
Feature: 79th Academy Award Winners
Cate Blanchett for Best Actress next year for Elizabeth’s sequel! Hehehe...

Best Picture: The Departed
Best Director: Martin Scorsese (The Departed)
Best Actor: Forest Whitaker (The Last King of Scotland)
Best Actress: Helen Mirren (The Queen)
Best Supporting Actor: Alan Arkin (Little Miss Sunshine)
Best Supporting Actress: Jennifer Hudson (Dreamgirls)
Best Original Screenplay: Little Miss Sunshine
Best Adapted Screenplay: The Departed
Best Film Editing: The Departed
Best Art Direction: Pan’s Labyrinth
Best Makeup: Pan’s Labyrinth
Best Costume Design: Marie Antoinette
Best Cinematography: Pan’s Labyrinth
Best Visual Effects: Pirates of the Caribbean: Dead Man’s Chest
Best Animated Feature: Happy Feet
Best Animated Short: The Danish Poet
Best Live Action Short: West Bank Story
Best Foreign Language Film: The Lives of Others (Germany)
Best Feature Documentary: An Inconvenient Truth
Best Short Documentary: The Blood of Yingzhou District
Best Original Score: Babel
Best Original Song: I Need to Wake Up (An Inconvenient Truth)
Best Sound Mixing: Dreamgirls
Best Sound Editing: Letters from Iwo Jima

79th Annual Academy Awards: Bakit ba attend ng attend si J.Lo sa Oscars? Iniimbita siya lagi? Bakit siya iniimbita lagi? Basta naeepalan ako sa kanya. After Eddie Murphy lost Best Supporting Actor for Dreamgirls I was hoping for a Kikuchi/Blanchett upset win over Jennifer Hudson but it didn’t happen. I haven’t seen Dreamgirls yet but I think JHud is overrated. Bakit ba kailangan sumigaw ni JHud kapag kumakanta? Tama ang comment sa kanya ni Simon Cowell, OVERSINGING! Why does she have to oversing every song she sings? At siyempre sapawan naman sila ni Beyoncé sa stage, hindi na lang kumuha ng tig-isang silya at naghampasan sa labas ng Kodak Theatre -- yun tuloy mas maganda ang performance nung isa pang Dreamgirl na hindi napansin at siya pa ang pinakamaganda at maayos sa kanilang tatlo. Dreamgirls was nominated for three Oscars in the Original Song category but Inconvenient Truth’s theme song won! This means that at first it might seem that multiple nominations in a category is great but actually not because of vote-splitting. I think yun din ang nangyari kay Kikuchi/Barazza sa Supporting Actress category. Moral lesson – don’t pray for a multiple nomination in a single category unless you are Catherine Zeta-Jones and the other one is Queen Latifah, hehehe... Mabuti naman at nagsuot ng matinong gown si Rinko Kikuchi, akala ko kasi uulitin niya yung suot niya sa Golden Globes, yung may mga nakasabit na mothballs. Nakakaaliw din yung Miranda Priestly moment ni Meryl Streep nung announcement ng Best Costume category by Anne Hathaway/Emily Blunt, sayang hindi siya nanalo (Meryl). I think 14th nomination na niya ito – record holder. Ang galing nung shadow presentations ng mga movie kaso parang nasobrahan. Ok si Ellen Degeneres as host, tawa ako ng tawa dun sa correction niya na di raw mata ang pinapaopera ni Judy Dench kaya hindi nakarating – boobs daw, ang kulit talaga, hehehe. Pan’s Labyrinth should have won Best Foreign Language Film! Naaawa ako kay Peter O’Toole, kahit may honorary Oscar na siya, iba pa rin kapag nanalo ka sa competitive, sa itsura pa naman niya mukhang hindi na siya uli makakagawa ng pelikula. Natutuwa naman ako for Scorsese, after 26 years na pala, tiyaka lang siya nanalo!

Showbiz: Kailan ba titigil yung issue tungkol kay Kris Aquino? Ano Araw araw na lang pangatlong lingo na ito ha! Kapag tinakbo si Kris sa ospital news agad! Can’t they just shut up and move on already? Ano bang pakialam natin kung ano man ang mangyari sa buhay buhay ng mga yan. E kaso ganun talaga, for ratings sake. Unfortunately the ratings agree – we are indeed a starstruck nation...

Work: Medyo narealize ko lang na dapat din pala seryosohin ang work, lol. Meron kasing dalawang agents na na suspend tapos may kumalat na memo na di na sila part ng company. Nireklamo raw ng customers! Aba may ganung factor pala sa opisina na ito! Hahaha, siguro kailangan mag ingat. Wala lang, part kasi ng three-year plan starting June ang work na ito kaya wag dapat masira.

Books: Napansin ko lang na cliché na ang formula ng mga libro ngayon. Take for example The Da Vinci Code – The Historian – The Romanov Prophecy: lagi na lang may lalaking bida na nag iimbestiga ng isang mystery na sikat na dati, makakakilala ng leading lady accidentally na malamang konektado sa past mystery na iniimbestigahan, may secret organization. Paulit ulit na lang. Tsk tsk.

Thursday, March 1, 2007

Almost Done, Moo

Fevereiro 18– 24
Almost Done, Moo
 
Soundtrack of the Week
  1. Satellite [SANTANA/MORENO]
  2. Just So You Know [MCCARTNEY]
  3. My Eyes Adored You [MILBY/GONZAGA]
  4. Prinsesa [6 CYCLE MIND]
  5. Ju Hua Tai [CHOU]
Movie of the Week: You Got Me
  • SUMMARY: Torpe boy loves girl but never makes a move. Girl loves Torpe boy but waiting for his move. Aggressive Kanto boy forms the love triangle. Yun na yung istorya.
  • I enjoyed it! I therefore conclude that Cathy Garcia Molina is the best RomCom director in the country today!!! Hehehe...
  • Ang ganda ganda ganda nung kulay nung flashback scenes! Film people ano ba ang tawag dun, cinematography? Lighting? Ang sarap sa mata!
  • Don’t judge a book by its cover. Trailers are misleading. Don’t judge a film by its trailer. And no, the rooftop scene is not the climax of the movie.
  • I don’t know if there is any validity to the “Windstruck-ripoff” claim because I have not seen Windstruck yet.
  • Ang kulit ng mga buko ni Johnny Delgado. Ang taba ni Johnny Delgado. Ang galing ng pagkakaretoke sa batang picture ni Johnny Delgado o baka naman hindi talaga yun si Johnny Delgado.
  • Nakakaaliw yung fight scene ni Toni sa rooftop, parang Tekken! Hahaha, sana gumawa ang Star Cinema ng mala So Close na movie na maraming choreographed fight scenes. Request ko nga lang sana naman wag na PNP ang bida kasi hindi kapani paniwala, parang joketime.
  • Toni Gonzaga was her usual self, nothing new. There is something wrong about her face though, can’t figure out what.
  • Bagay si Sam Milby sa mga LOSER roles. Nakakairita pa rin siya mag Filipino. Sana ipambayad niya yung kinikita niya para mag improve ang Filipino niya no. Tolerable in this film.
  • Zanjoe Marudo’s lines made up for his acting inadequacies. Ang kulit ng character niya rito. Si Luis Manzano raw dapat pala ang gaganap sa role niya. Ano ba naman yun? Lucky = kanto boy? Disaster.
  • Nambaboy na naman si Sam Milby ng kanta pero nagpapasalamat pa rin ako dahil na discover ko yung kanta na yun. Alam ko kasi yun dati tapos nakalimutan tapos naalala ko na ulit ngayon, hehe. Ganda ng song.
  • Pinakamakulit na part yung pumunta si Caloy sa bahay ni Moe kasama yung nanay at kapatid para manligaw, supportive daw kasi sila, hehehe.
  • Compared to other Star Cinema flicks, ok lang itong movie na ito. Hindi siya perfect, hindi rin naman aksaya ng pera.
  • Reklamo k0 lang, puro RomCom na lang ba ang Star Cinema?
  • Nabuhay si Dadoods.
  • Moral lesson 0f the movie: Wag iihi kung saan saan.
Surroundings: Sumososyal na ang condo, pinalitan lahat ng guards at may pa login-login na sa counter ngayon. Bago kayo mag inarte ayusin niyo muna ang supply ng tubig. I carpet niyo ang mga hallways (Hahaha!) Dagdagan niyo ang umaandar na elevators at sana imbes na mga basyo ng igib na tubig, mga tao naman ang nakasakay. Kung di lang talaga mura at malapit sa office ito e...

Baka-bakahan: I’ve realized lately na kapag bored ako bigla na lang akong nagmu MOO. Yung tipong habang nakatitig ako sa pader tapos nakatitig din yung pader sa akin, bigla na lang MOO. Without opening my mouth the vocal cords vibrate creating a MOO-like sound. Ngayon ko lang na realize na may ambisyon pala akong maging baka. Ang saya saya talaga!

Princess Hours: Nasa episode 7 na ako sa pirated DVD. May mga angulo na mukhang kabayo si Prince Troy. Tinatanggap ko na ang paratang ng mga tao na malandi si Monique, naawa lang talaga ako nung pagtulungan siya ng mga alipores ni Shencaijing sa skwela nila dun sa ABS-CBN version. Nakakabwiset yung mga kabarkada ni Shin dun sa birthday party niya, yung pinagtulungan nila si Shencaijing at inalaska using the English language. Hello e ang babarok niyo naman mag Ingles, kung wala ngang subtitle hindi ko maiintindihan ang mga pinagsasasabi niyo. Demonyita nga ang nanay ni Prince Troy pero maabilidad siya. Ang kulit ni Queen Lola lalo na pag tumatawa. Bakit ba mahihilig ang mga Koreyano sa mga bidang lalaki na isnabero pero may gusto rin naman dun sa leading lady, ang aartista niyo! Further comments after more episodes.

Language: Borrowed Brazilian Portuguese book in library t0 further improve proficiency sa trabaho. Already getting the gist of Korean grammar. Nakakaaliw ang mga verbs nila! Nakakatulong ng malaki ang pirated Princess Hours DVD, kaya pala halos puro –mnida at –mnikha ang ending ng sentences ng mga tao sa palasyo, alam ko na kung bakit! Nakakaaliw talaga ang Hangul. =)

Work: Ok naman ang work kahit na bored na ako. Iniisip ko na lang na parang community service yung work tutal every weekend lang naman siya. Trying to balance phone with chats. Nakakabaliw ang puro phones. Lampas three months na pala ako dito pero parang ang tagal ko na, hehehe survivor! Nami miss ko na mag Español. Portuguese getting better though, ok na rin.

Academics: Na realize ko na wag na dapat maghagad ng kung anu ano pa sa pag aaral. Basta tatapusin ko na lang ng semester, yun na ang napagkatapusan. Nagagawa na ang mga requirements na kailangan, survivor in short! Walang meetings for two classes, two weeks na. Almost done in the sense na one month na lang bakasyon na! Yipee yahoo! Rest! Rest! Rest!
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Film Review

Film Review

Film Review

Theater Review