Thursday, March 1, 2007

Almost Done, Moo

Fevereiro 18– 24
Almost Done, Moo
 
Soundtrack of the Week
  1. Satellite [SANTANA/MORENO]
  2. Just So You Know [MCCARTNEY]
  3. My Eyes Adored You [MILBY/GONZAGA]
  4. Prinsesa [6 CYCLE MIND]
  5. Ju Hua Tai [CHOU]
Movie of the Week: You Got Me
  • SUMMARY: Torpe boy loves girl but never makes a move. Girl loves Torpe boy but waiting for his move. Aggressive Kanto boy forms the love triangle. Yun na yung istorya.
  • I enjoyed it! I therefore conclude that Cathy Garcia Molina is the best RomCom director in the country today!!! Hehehe...
  • Ang ganda ganda ganda nung kulay nung flashback scenes! Film people ano ba ang tawag dun, cinematography? Lighting? Ang sarap sa mata!
  • Don’t judge a book by its cover. Trailers are misleading. Don’t judge a film by its trailer. And no, the rooftop scene is not the climax of the movie.
  • I don’t know if there is any validity to the “Windstruck-ripoff” claim because I have not seen Windstruck yet.
  • Ang kulit ng mga buko ni Johnny Delgado. Ang taba ni Johnny Delgado. Ang galing ng pagkakaretoke sa batang picture ni Johnny Delgado o baka naman hindi talaga yun si Johnny Delgado.
  • Nakakaaliw yung fight scene ni Toni sa rooftop, parang Tekken! Hahaha, sana gumawa ang Star Cinema ng mala So Close na movie na maraming choreographed fight scenes. Request ko nga lang sana naman wag na PNP ang bida kasi hindi kapani paniwala, parang joketime.
  • Toni Gonzaga was her usual self, nothing new. There is something wrong about her face though, can’t figure out what.
  • Bagay si Sam Milby sa mga LOSER roles. Nakakairita pa rin siya mag Filipino. Sana ipambayad niya yung kinikita niya para mag improve ang Filipino niya no. Tolerable in this film.
  • Zanjoe Marudo’s lines made up for his acting inadequacies. Ang kulit ng character niya rito. Si Luis Manzano raw dapat pala ang gaganap sa role niya. Ano ba naman yun? Lucky = kanto boy? Disaster.
  • Nambaboy na naman si Sam Milby ng kanta pero nagpapasalamat pa rin ako dahil na discover ko yung kanta na yun. Alam ko kasi yun dati tapos nakalimutan tapos naalala ko na ulit ngayon, hehe. Ganda ng song.
  • Pinakamakulit na part yung pumunta si Caloy sa bahay ni Moe kasama yung nanay at kapatid para manligaw, supportive daw kasi sila, hehehe.
  • Compared to other Star Cinema flicks, ok lang itong movie na ito. Hindi siya perfect, hindi rin naman aksaya ng pera.
  • Reklamo k0 lang, puro RomCom na lang ba ang Star Cinema?
  • Nabuhay si Dadoods.
  • Moral lesson 0f the movie: Wag iihi kung saan saan.
Surroundings: Sumososyal na ang condo, pinalitan lahat ng guards at may pa login-login na sa counter ngayon. Bago kayo mag inarte ayusin niyo muna ang supply ng tubig. I carpet niyo ang mga hallways (Hahaha!) Dagdagan niyo ang umaandar na elevators at sana imbes na mga basyo ng igib na tubig, mga tao naman ang nakasakay. Kung di lang talaga mura at malapit sa office ito e...

Baka-bakahan: I’ve realized lately na kapag bored ako bigla na lang akong nagmu MOO. Yung tipong habang nakatitig ako sa pader tapos nakatitig din yung pader sa akin, bigla na lang MOO. Without opening my mouth the vocal cords vibrate creating a MOO-like sound. Ngayon ko lang na realize na may ambisyon pala akong maging baka. Ang saya saya talaga!

Princess Hours: Nasa episode 7 na ako sa pirated DVD. May mga angulo na mukhang kabayo si Prince Troy. Tinatanggap ko na ang paratang ng mga tao na malandi si Monique, naawa lang talaga ako nung pagtulungan siya ng mga alipores ni Shencaijing sa skwela nila dun sa ABS-CBN version. Nakakabwiset yung mga kabarkada ni Shin dun sa birthday party niya, yung pinagtulungan nila si Shencaijing at inalaska using the English language. Hello e ang babarok niyo naman mag Ingles, kung wala ngang subtitle hindi ko maiintindihan ang mga pinagsasasabi niyo. Demonyita nga ang nanay ni Prince Troy pero maabilidad siya. Ang kulit ni Queen Lola lalo na pag tumatawa. Bakit ba mahihilig ang mga Koreyano sa mga bidang lalaki na isnabero pero may gusto rin naman dun sa leading lady, ang aartista niyo! Further comments after more episodes.

Language: Borrowed Brazilian Portuguese book in library t0 further improve proficiency sa trabaho. Already getting the gist of Korean grammar. Nakakaaliw ang mga verbs nila! Nakakatulong ng malaki ang pirated Princess Hours DVD, kaya pala halos puro –mnida at –mnikha ang ending ng sentences ng mga tao sa palasyo, alam ko na kung bakit! Nakakaaliw talaga ang Hangul. =)

Work: Ok naman ang work kahit na bored na ako. Iniisip ko na lang na parang community service yung work tutal every weekend lang naman siya. Trying to balance phone with chats. Nakakabaliw ang puro phones. Lampas three months na pala ako dito pero parang ang tagal ko na, hehehe survivor! Nami miss ko na mag Español. Portuguese getting better though, ok na rin.

Academics: Na realize ko na wag na dapat maghagad ng kung anu ano pa sa pag aaral. Basta tatapusin ko na lang ng semester, yun na ang napagkatapusan. Nagagawa na ang mga requirements na kailangan, survivor in short! Walang meetings for two classes, two weeks na. Almost done in the sense na one month na lang bakasyon na! Yipee yahoo! Rest! Rest! Rest!

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Film Review

Film Review

Film Review

Book Review