Março 11– 17
One Dream Can Change Everything
Soundtrack of the Week ß Beyoncé overload edition
- One Night Only [BEYONCé]
- Listen [BEYONCé]
- Irreplaceable [BEYONCé]
- Dreamgirls [BEYONCé/ANIKA/JHUD]
- Deja Vu [BEYONCé]
Movie of the Week: Dreamgirls
- Ang reklamo ko lang sa movie na ito ay medyo kada 5 minutes kumakanta sila, parang overkill naman yata. Another thing is that hindi maganda yung transition sa pagkanta. Sa Chicago kasi alam natin na imagination lang nila yung musical performances (except CZJ’s All that Jazz) tapos yung sa Moulin Rouge naman ok lang kasi surreal naman yung palabas talaga e kaso dito sa Dreamgirls parang para lang makakanta yung mga characters. Nag aaway tapos biglang kakanta. Nagda drama tapos biglang kakanta. Not that it’s horrible, maganda nga kaso parang nasobrahan.
- Ito ang tipo ng palabas na pwede mong ulit ulitin from the top all over again one more time, as in paulit ulit. Unang scene pa lang alam mo na agad na mabubusog ang mga mata at tenga mo. Sulit ang ticket, lol.
- Ang corny nung We are Family musical performance, yung nag drama si Effie ng WHAT ABOUT ME? Parang ang cheesy masyado pero nabawi naman dun sa pre – And I am Telling You I’m not Going musical performance, yung nag away away sila pero kumakanta, galing, lol.
- Ang galing galing ni JHud KUMANTA. I still stick to my theory that if you strip the movie of all of JHud’s musical performances, pagtagpi tagpiin lahat ng PURE ACTING scenes niya na wala pa yatang 10 minutes, tapos itapat mo sa Freakout Confrontation scene ni Cate Blanchett with Judi Dench sa Notes on a Scandal or to any of Rinko Kikuchi’s acting chops sa Babel, parang no contest si JHud. Pero magaling ang MUSICAL PERFORMANCES ni JHud, she didn’t feel the urge to OVERSING gaya ng ginawa niya nung Oscars night, ang galing niya kumanta. The problem is that the awards she got are for Best Performance by a Supporting ACTRESS, hindi by a SINGER or a DANCER, lol. So ang masasabi ko lang kay JHud, hold on to that Oscar statuette because I bet you won’t get another one UNLESS you improve on your ACTING skills or you land another Effie White role, which is very unlikely.
- Effective si Jamie Foxx kasi maiinis ka sa character niya kahit paano. Effective din si Anika sa mga patawa scenes. No comment on Eddie M.
- Beyoncé was ok but I think she’d be better off singing to the left to the left than acting to the right to the right, leche ang corny ko. I just wonder how she feels. Feeling niya siguro ito na finally ang big break to successfully crossover (parang namatay e no, lol) to acting e kaso natabunan siya ni JHud. Naghampasan na ba sila ng mic or nagsabunutan? Hehehe.
- I was actually surprised that I liked the movie despite the bitter anti-JHud sentiment! Not as spectacular-spectacular as Moulin Rouge, not as Oscar worthy as Chicago pero magandang palabas! Panoorin niyo! Kung ayaw niyo sa sine maraming malinaw na pirated na nagkalat!
- If you don’t buy the soundtrack, the experience won’t be complete. Buy na!
Academics: Hell week na naman po. Last twoo weeks na lang pero dahil parang hinihila ang araw e parang last two minutes ng absketball game! Buhay na ulit ako kasi cramming period na, hahaha, wala nang pagbabago. Mabuhay ang mga crammers! In two weeks it’s all over and I will be free for another two weeks bago mag Go-Fight ulit. 3.0 lang po happy na ako, ayoko na mag ambisyon.
Work: Merong training na hindi matuluy tuloy dahil may conflict sa school sched. Na resolve na after Finals na lang ako magte training. Natatakot na ako sumagot ng phones ngayon after almost one month of confining myself to e-mails and chats. Humingi ng change of schedule for this summer na araw araw. Magko calls na ulit ako, oras nang iabante ang Portuguese fluency. Yahoo...
Pinoy Big Brother: Wala lang na addict na rin ako dito. Bumili rin ako nung DVD ng Celebrity Edition. Mas masaya panoorin yung UPLATE, mabuhay ang mga tropang gising na kagaya ko! Ang taas kasi ng energy ni Mariel kapag hating gabi, nakakahawa. About Zeke and Dionne, nakakaaliw sila panoorin, parang romantic movie pero may boyfriend yung babae di ba? No more comments...
TV: Pinakita na ang full trailer ng Rounin. Maganda siya in fairness pero ang reklamo ko sa teaser masyadong naka focus yung first half kay Rayver tapos yung second part kay Angelica at Lucky. Sila lang ba ang characters, di ba hindi naman? Maganda ang effects no doubt kasi Erik Matti ang direktor, magkakatalo na lang sa story, alam niyo naman ang mga fantaserye ng dos nagiging draggynovela kadalasan, fantasy na nga nagiging mas fantasy pa kapag pinapahaba yung istorya. May teaser na rin ng Walang Kapalit ni Piolo-Claudine na drama na naman, sana kagaya ng Maging Sino Ka Man para di nakakasawa. Sa kabila naman pinakita na rin ang trailer ng Lupin na papalit sa Bakekang, ang reklamo ko naman dun bakit si Richard Gutierrez na naman, wala na ba silang ibang artista? Di bale kasali naman si Katrina Halili, hehehe.
0 creature(s) gave a damn:
Post a Comment