Tuesday, March 27, 2007

Pioneered by Jealousy, Driven by Obsession


Março 18– 24

Pioneered by Jealousy, Driven by Obsession

Soundtrack of the Week ß Beyoncé tigilan mo na ako edition
  1. Imprescindible [BEYONCé]
  2. I’m a Bitch, I’m a Lover [CROW]
  3. Irreplaceable [BEYONCé]
  4. Helena [MCR]
  5. Listen [BEYONCé]
Movie of the Week: Wag Kang Lilingon
  • Ito lang ata ang horror film na imbes mapasigaw ka sa takot e mapapasigaw ka ng “Shet ang panget naming multo nito!” Ano ba naman, sana naman kumuha kayo ng multong may itsura. Yung isang multo mukhang may hydrocephalus na hindi maintindihan. Yung multo sa salamin mukhang labandera. Utang na loob...
  • Gaya gaya sa Hide and Seek yung story ni Anne Curtis, yun nga lang hindi napantayan. Pati yung oras na 3 AM, sa Hide and Seek ata 2 AM e.
  • Maganda naman at nag work kahit paano yung attempt na pagkonektahin yung dalawang stories, pwede na.
  • Lagi na lang kontrabida si Mang Oca, mukha ba siya talagang mamamatay tao? Bigyan niyo naman ng ibang role.
  • Corny pa rin umarte si Kristine, nilamon ng buo ni Anne.
  • Hindi nakakatakot yung movie, parang trying hard pa nga ang dating sa akin pero ok naman yung story, mapapaisip ka kahit paano. Medyo di na nga lang ako nag isip kasi alam ko na yung twist bago ko pinanood.
  • Panoorin niyo kung may oras kayo pero kung wala wag na ninyo pag aksayahan kasi mabi bwiset lang kayo, lol.
Jealousy as an Anchor: Wala lang kasi have you ever used jealousy as a motivation to pursue something? Ako kasi oo. Two scenarios: when a cousin started learning a foreign language I started learning as well; when a classmate started looking for a part-time job in a call center I started looking as well. What started as what I maliciously perceive as “competition” then became an obsession. Not that it has any bad effects in my life, in fact it has been beneficial for me. I am learning languages now and working part-time, earning while working on having a degree. In short benefit pa nga. The question is it is right to use jealousy or competition to initiate something. Ang sagot ko dito is YES. Siguro context-dependent siya (natutunan sa 178, hahaha) para kasi sa mga taong kagaya ko na araw araw e nagbabago ang goals in life, maybe it is effective to do so. Since I have no stable goals in life maybe this could be the key to help me shape the policies (naks naman formal-formalan, o sige GOALS na lang) that I have to apply in life. Syempre may limitations din naman. One can’t depend on competition alone and also the thought lingers, sino ang kukumpetensiyahin mo? Kung lahat ng tao kukumpetensiyahin mo walang mangyayari sa iyo. Conclusion: use it for primary motivation but not for sustaining your goals. Swak na swak for people like me. WARNING: may not be applicable to others.

Academics: Natapos na ang classes nung Friday. Grabe ang bilis ng araw! Medyo ma drama yung ending ng Wednesday class namin about Southeast Asia. May kaklase pa nga ako na napaluha. Kahit na madugo ang report sa class na yun masasabi ko na favorite ko talaga yun for this semester and the experience, walang kapantay. Di ako nagsisisi na kinuha ko yung subject. Huhuhu.

Work: Wala lang, kasi may mga tao na nagki criticize sa mga nagtatrabaho sa call center. Ang tanong ko naman, bakit? Alam niyo sa buhay na ito we only need a JOB to survive. CAREER is needed just for the sake of contentment. So para sa mga taong kagaya ko na walang urgent ambition to be happy, kuntento na kami dito no so fuck off na lang ang mga impokritong akala mo kung sino mga magsi isip. Ano bang pakialam ninyo. I could say that this job is stable naman. I only have half the work load of a full time English speaking agent but I earn as much as they do. In fact kung gugustuhin ko pwede na nga lang ako mag aral forever and work part-time here, makaka survive pa rin naman ako. Para sa mga taong di nakakaintindi, isipin niyo na lang na swerte kayo na di kayo call center agent kung talagang ganyan katataas ang tingin niyo sa mga sarili ninyo. And for the very last time ie explain ko kung bakit ako nagtatrabaho dito. Una sa lahat hindi ko kailangan magtrabaho dahil sustentado ako ng mga magulang ko, dun pa lang dapat naiisip na ng tao na may ibang dahilan bukod sa pera. This call center is the only one I know that has Brazilian Portuguese accounts, sa iba wala. On the other hand while languages such as Spanish, French, German and Italian have their own institutes here in the Philippines (Instituto Cervantes, Alliance Française, Goethe Institut and Societa Dante Alighieri, respectively) ang Portuguese wala. Ang pinakamalapit na Intituto Camões ay nasa Jakarta, so what do you suggest sa Indonesia na ako tumira? I could enroll myself in the institutions mentioned pero for Portuguese wala. UPD lang ang nag o offer ng Portuguese dito sa Pinas, lagi pang elementary levels lang dahil walang demand. So yun, naa acquire mo ang language ikaw pa binabayaran. Yun na yun, so shut up na, ok!

Walang Kapalit: http://www.youtube.com/watch?v=D4swHuOq92Y See the youtube trailer before they toss it out! Mukhang maganda! Hehehe, telenovela addiction na naman ito. Fan kasi ako ng Milan e but not necessarily of Claudine and Piolo, lol. Sabi nila ripoff daw ito ng Devil Beside You ng Taiwan, let’s wait and see. Step-siblings falling in love ang premise ng story. April/May ang pilot.

Future: Lagot nagbabalik ang segment ng FUTURE. Napag isip isip ko lang kasi, may trabaho na naman ako. Ok naman ang kinikita ko tapos flexible pa ang shift. Siguro itutuloy ko na lang yung dating plano na mag second degree in Econ after graduation. Kasi kino compute ko kung mag 18 units ako per sem kaya ko tapusin ng one year e, sayang naman di ba? Ewan ko, ito ang future goal of the day, lol.

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Film Review

Film Review

Book Review

Theater Review