Wednesday, April 25, 2007

Dukutan Niyo Ako

Abril 15– 21
Dukutan Niyo Ako

Soundtrack of the Week
  1. What I’ve Been Looking For [HSM OST]
  2. Breaking Free [HSM OST]
  3. My Humps [ALANIS]
  4. Perhaps Love [GOONG OST]
  5. Stick to the Status Quo [HSM OST]
Movie of the Week: Unfaithful
  • Boring suburban family life + an affair
  • Another one of those thrillers na walang serial killers (may killer pero hindi serial...) at multu multuhan. It has that “Notes on a Scandal” feel.
  • Ang galing ni Diane Lane dito, now I know why she got nominated for an Oscar. Her performance in the train scene was awesome, naipakita niya through her facial expressions yung inner struggle ng character niya. Ang galing galing, you really see her character being torn apart.
  • Weird lang but that snowglobe scene between Richard Gere and Olivier Martinez reminded me of the nurse in Silent Hill 1, hehehe, horror.
  • Ang ganda ng pagkaka juxtapose ng mga scenes lalo na yung dinner + body discovery scene. Ang galing ng direktor nito. I just find the technique quite unique to movies of this genre, juxtaposing two different scenes. You know the director is trying to tell you something and you get the message.
  • Maganda rin yung effects sa start ng movie, mahangin yung background tapos ang fadeout nung names ng cast and crew parang nililipad din at nagbe blend sa background, ganda.
  • Ang pagkakaiba lang ng alternate ending sa DVD is that Richard Gere’s character went inside the police station. May closure kumbaga.
  • Love this movie because it shows how a simple decision such as choosing to ride a cab or not could prevent a series of very complicated events.
Nadukutan Ako: First day ng summer classes, nagdala ako ng 4,000, yung 1,000 e baon ko hanggang katapusan ng April tapos yung 3,000 ibibili ko dapat ng French book and CDs. Nung nasa bandang Philcoa na ang jeep kinalabit ako ng mama na katabi ko, tinuro niya yung wallet ko nasa upuan daw. Nasa upuan nga. Hindi ko naramdaman na nalaglag sa bulsa ko. Dali daling bumaba ang mama. Binuksan ko agad ang wallet ko. Ang nandun ay yung perang dala dala ko talaga (around 200) tiyaka 1,000 pesos. Windang ako. Actually hindi ko pinaghinalaan agad yung mama. Inisip ko kung saan napunta yung 3,000, baka hindi ko talaga nadala. Kung kinuha ng mama, bakit hindi niya kinuha lahat? Kung nalaglag yung 3,000 bakit hindi sumama yung 1,000? Yung mga ganung ka ek ek an. Mabilis nawala ang mama kaya di na rin ako bumaba. Nag SM North na lang ako at kumain sa Sbarro. I therefore conclude na kinuha ng mama yung 3,000. Pero wala akong nararamdaman na galit o inis sa kanya. Sana lang hindi niya ipang a addict yun kasi part nun ay OT ko nung Holy Week. Since hindi naman ako nagpenitensiya nung Holy Week, iyan na siguro ang kapalit. Quits.

PBB Season 2: Could somebody please enter the PBB house and kick Wendy’s insecure ass out of there? Pati foreigner harap harapang pinagmamalditahan: http://www.youtube.com/watch?v=AuVCPZh8d_U&NR=1 (Take note of 00:47) siyempre hindi yan pinakita sa primetime nung Sunday dahil medyo favorite lang nitong ABS si Wendy at santa pa ang portrayal sa kanya. Primetime = Wendy, Uplate = Wendy, pati ba naman Pag Alis ni Bruce = Wendy?! I actually admired Rachel McAdams in Mean Girls. She was playing a role and she did it well. The problem is that Wendy is NOT playing a role. What you see is her real self (at least sa Youtube clips, sa TV kasi ine edit e), shiny plastic. Pag aartistahin niyo ba to? Utang na loob. Ito naman ang clip nung pagpasok ni Bruce sa BB Slovenia: http://www.youtube.com/watch?v=mnEi9U9RrAk di ata yan ipapakita rito e.

Pacquiao: Natalo si Jorge Solis sa 8th round pero siyempre alam niyo na yun. Ang nakakapeste rito e yung motorcade pag uwi. Parang naka aspalto ang pagkakapal ng mukha nung anak ni Atienza ha, ang sarap niyang ipalapa sa isang pamilya ng rabid Rottweillers. WTF ginawa talagang kampanya at nagsabit pa talaga ng mga posters niya sa motorcade. At siyempre yung isang boxer na kasama ni Pacquiao na nanalo rin e iniwan nila sa airport at inilagay sa likod ng motorcade. Siyempre naman di ba kailangan nasa harap yung anak ni Atienza kahit motorcade yun ng mga Pinoy Boxers na nanalo. Di bale, matatalo ka naman ni Mayor Lim kumag ka. Ang kapal talaga ng mukha mo nakakairita ka. Ikaw naman Pacquiao kakantahan na lang kita ng Stick to the Status Quo (HSM OST), anong gagawin mo sa kongreso, makikipagsapakan? Tsk tsk tsk.

Work: Kaya pala nawala sa opisina lahat ng Spanish agents, na pirate pala ng kabilang kumpanya. Hanep ang benefits, triple ng sweldo ko ang base pay, may libreng celfone, may Php500 load a week, may food at transportation allowance. Hindi ko sila masisisi kasi kabuhayan nila yun, as a rational person siyempre dun ka dapat sa mas magandang benefits. Na tempt tuloy ako mag full time. Iniisip ko kasi, oo made delay na naman ako ng one year kaso kamusta naman pag graduate ko in 2 years obese na ang passbook ko. Kaso drinamahan na ako ng tatay ko. Naisip ko tuloy na napaka selfish ko kung gagawin ko yun. How could I rob my father of the bragging rights na napagtapos niya ang anak niya ng kolehiyo, di ba? Naisip ko na karapatan ng bawat tatay yun at wala akong karapatan na tanggalin yun sa kanya. So, part time until graduation <-- Final verdict.

Academics: Nagsimula na ang summer. Bakit ba ang daming may hindi magandang opinyon tungkol sa STS e maganda naman yung subject? Nakakaaliw yung bagong format kasi seminar type na, iba ibang lectures at lecturer araw araw. Kumuha kayo ng STS pag summer kasi masaya, kaya lang muntik na ako ma frostbite isang beses dahil umupo ako sa tabi ng aircon, lol. Happy.

Languages: Suggestion sa mga serious language learners: Mag invest sa DVDs na may foreign language audio. Panoorin ang English version tapos yung foreign language version the next day. May idea na kayo sa conversation kaya maiintindihan niyo yung foreign language audio. For Spanish/Portuguese try High School Musical and Unfaithful. IMHO, very effective. =)

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Film Review

Film Review

Film Review

Book Review