Abril 8– 14
It’s Raining 2.0’s!
Soundtrack of the Week
- Over It [MCPHEE]
- Perhaps Love [GOONG OST]
- My Humps [ALANIS]
- Kembot [AMBER]
- Sexyback [TIMBERLAKE]
Movie of the Week: High School Musical
- Basketball team captain and transferee audition for the lead roles in a high school musical getting different reactions from friends and cliques...
- Well what do you expect, it’s a TV Movie. Di siya comparable sa mga Hollyqood musicals obviously pero maganda ang pagkakagawa kasi para siyang Broadway musical na isinalin lang sa TV with matching dance performances... Maganda naman ang palabas.
- Yung kontrabidang babaeng blonde na kamukha ni Ashley Simpson ang nakakaaliw ang mga lines dito e, mga tipong: Evaporate tall guy! sabay I’d rather stick pins in my eyes tiyaka yung She loves pi. Tawa rin ako ng tawa dun sa pahabol sa huli na This cookies are genius! Ang babaw ko...
- As a musical, not that impressive for me but as yet another American teen movie with a high school setting, ok siya. Nakakaaliw ang movie kasi talagang halo halo ang makikita mong characters, may black, white, Latino, Asian. Reklamo ko lang sana isa dun sa mga main cast ay Asian kasi si Efron ay White, si Hudgens ay Latina tapos yung sidekicks nila Black. Dapat Asian na lang si Sharpey at yung kapatid niya... hehehe.
- Ang kulit din nung drama teacher na kamukha ni Meryl Streep.
- Ang corny nung Encore Edition DVD, ang boring ng mga extra features.
- Magugustuhan niyo naman ito lalo na kung nami miss niyo na ang high school and since maraming kantahan at sayawan, nakakaaliw panoorin.
Languages: Matapos ma addict sa PERHAPS LOVE na soundtrack ng Princess Hours e parang gusto kong madaliin ang pag aaral ng Korean pero di ko magawa. Kaso mahirap para sa mga language learners na kagaya ko (I rely heavily on the written word, hindi e effect sa akin ang Pimsleur Method, kailangan nakikita ko para tumatak sa utak ko) ang mag aral ng isang language na iba ang script (Han’Gul at Cyrillic) dahil nado double language barrier ako. Yes I know how to read them pero kapag pinagsama sama mo na sila natataranta ako. And when I finally master the script and kasunod naman is: What the hell does this mean?! Ayoko pa naman ng nagpapaka addict sa isang foreign language song na di ko alam kung ano ang sinasabi. Niregaluhan ko rin ang kapatid ko ng Teach Yourself Japanese na may CD for his birthday. Ibinigay ko kahapon (Feb. 28 pa birthday niya, lol). Nung pakinggan ko yung CD dun ko lang na realize, if Japanese is the Spanish of the east (5 vowels only, crispylicious pronunciation) then Korean is definitely the French of the East (vowel sounds present in both, nasals, liaisons). Gusto ko matuto ng Korean and fast! But how will I do it? Dilemma...
Princess Hours: Ang extra ni Rachel Ann Go, ngayon ko lang din nalaman na pag ginawan siya ng evolution chart ganito ang itsura: Rachel Ann > Cheena > Pining. Tapos na sa ABS-CBN, hindi ko na nabalikan ang pirated DVD ko, nandun pa lang ako sa bumisita si Prince William (shet ang layo pa) Mas gusto ko pa rin ang MY GIRL pero ok rin ito. Addict sa PERHAPS LOVE, hehehe...
Academics: Habang nagse surf sa net gamit ang cubicle PC sa office (na bawal, hahaha, pasaway) napadaan ako sa CRS at napansin ko na nadagdagan na ang nag iisang grade ko kay Sir Morada na 2.5 Apat yung dumagdag, nataranta ako. Nakakuha ako ng tatlong 2.0 at isang 2.25, yung grade ko sa Bio1 hindi pa dumarating, na traffic siguro. IN short pasado ako! Nung wala pang classcards binabalik balikan ko pa yung Grades Viewing sa CRS kasi alam mo naman ang CRS napaka efficient, baka nagkamali lang pero may classcards na ako, pasado nga! Bwahahaha... This is a double-edged sword. For the next semester I could either: A. Underperform again since this sem proved that underperforming can still get me a GWA that is really not that low; OR B. Redeem myself and be back with a vengeance, lol. Abangan ang susunod na kabanata. Ironic that I got the lowest grade for the subject that I liked the most. Nahihiya ako na naka 2.0 ako kay Ma’m Casambre, feeling ko hindi ako deserving talaga. Hindi na lang talaga ako magpapakita sa kanya this sem, nahihiya ako. Gaya nga ng favorite line ni Sir Morada: “Irony of ironies.” This is my worst sem in terms of academic performance pero pinaka enjoy kasi nahanap ko na ang mga ka blockmates ko na 2004 ang mga class number (shet ang tanda ko na). Enjoy silang kasama... =)
Work: SURVIVOR ang drama sa trabaho ngayon. Apat ang nag resign ng sabay sabay. Nagkakairingan ang mga supervisors ng US at Pinas. Hindi ko alam kung maraming nagre resign dahil: A. Baka magsasara na ang call center na ito? B. Panget ang benefits ng full-time sa company (isa pa lang ata ang part-time na nag resign) or C. Boring ang trabaho (Hello wala namang clamor tungkol dito, the job IS boring). Hindi na kami 24 hours, the shifts should fall between 6PM and 11AM. Di ko alam kung magsasara ba. Kung mawawalan man ako ng trabaho ok lang naman, it’s not as if I need it (sustentado ako ng mga magulang ko) but let’s face it, who does not want BIGGER savings? May part-time Spanish opening akong nakita sa JobsDB kaso sa Alabang naman (Tapos na ang Alabang Boy days ko, Makati Boy na ako, lol) Abangan din ang susunod na kabanata.
CRS: Lagi kong uulitin, gaya ni Corazon, dapat kalbuhin din ng sampung barberong lasing ang nagpauso ng bagong online registration system. Ngayon ko lang nalaman na enjoy palang titigan ang mga salitang PROBLEM LOADING PAGE sa PC monitor ng halos limang oras para lang makapagprint ng lecheng papel na meron naman din pala sa AS 101 habang namamaos si Katharine McPhee sa kanyang 659,895th rendition ng carrier single niya sa Youtube. Dati rin pagkatatak ng self advising stamp magpapa assess ka lang tapos bayad na pero ngayon may pa check check pa online kung match ang subjects. Kamusta naman e 5 horas nga bago makapag print ng papel via your system tapos magche check pa? Kung gusto niyo ng formal formalan na sistema ayusin niyo ang pagi implement ano, ginawa niyo pa kaming guinea pig mga hinayupak kayo.
0 creature(s) gave a damn:
Post a Comment