Maio 7– 13
Bitin
Soundtrack of the Week
- Walang Kapalit [AVANZADO]
- Upside Down [6 CYCLE MIND]
- Makes Me Wonder [MAROON5]
- Way Back into Love [GRANT/BARRYMORE]
- It’s Not Over [DAUGHTRY]
Movie of the Week: Death Note
- Light, a law school student, finds a notebook called Death Note.
- A person whose name is written in the Death Note will die of a heart attack in 40 seconds. Cause of death (aside from heart attack) could be specified within the 40-second period and the details written within 6 minutes for it to take effect. In short, planning someone’s death is possible.
- In writing the name, the one writing the note should have the person’s face in mind as there are people with the same names.
- I love this film! Wahahaha. Actually the first film was great and the best thing about it is loyal siya dun sa anime version. May mga scenes pa nga na parehong pareho talaga. The second film was boring or maybe the subtitles were the problem. The side effects of buying pirated DVDs… The subtitle for the first was a joy ride; the second was a train wreck.
- Magaling ang strategies ni Light to outwit L pero foul naman yung ginawa niya sa girlfriend niya.
- Ang sad ng story ng Shinigami na si Jealous... A way to kill a Shinigami (“Death” sorta angel of death or something) is for it to fall in love with a human being and use its deathnote to save that human being...
- Parang masaya maging pet si Ryuk, alam mo yun babatuhan mo siya ng apple tapos kakainin niya, tapos palipad lipad siya sa vicinity, lol. Ayoko kay Rem (Rem ang sabi na name dun sa subtitle) para siyang baklang rock star na hindi alam kung anong fashion trend ang susundin, lol.
- I don’t like how the sequel ended or maybe I just really empathize with the bad guys but then again how do we define what is bad and what isn’t?
- Ayoko rin kay L, mukha siyang kuya nung bata dun sa The Grudge.
Diabetes Delight: A part of me says I shouldn’t be alarmed but with a family history of diabetes I think I should be. Alam ko naman ang symptoms ng diabetes at wala pang nagpaparamdam na symptom but I think I should lessen my sugar intake. Lately kasi ay naa addict ako sa matatamis na pagkain. Favorite ay yung Chocolate Beehive ng Aristocrat. Rectangular brownie siya na merong mala whip-cream na meringue sa ibabaw. Hindi mo makikita na puti yung meringue kasi chocolate coated siya. Kamusta naman, and to think I devour one of this almost everyday during office break. Another favorite is that devil Chocolate Chip Cream something something from Starbucks. Dapat kasi talaga di ko na ni-try yun e, ayan na addict tuloy ako. Pestilence. Di bale, revamp na lang ng diet this coming June. Kailan pa ako nahilig sa matatamis ha? Ha? Ha! Tsk tsk tsk...
Academics: Matatapos na ang summer term. Ang bilis bilis ng panahon. Ang corny ng topics for STS after the first exam. Ang masaya lang ay yung Love in the Time of the Internet. Masaya kasi interesting yung topic, merong mga theories na ni-present, enjoy mag lecture ang lecturer. Yung ibang topic snorefest na, malamig pa naman sa CS Audi. Malapit na kami mag present, next week...
Random Events: Makukulong si Paris Hilton. Eleksyon na bukas kaya walang pasok. Na disqualify na yung isang Cayetano na nuisance candidate. Last two weeks na ng Maging Sino Ka Man, meron daw Book 2. May nag explode na supernova pero hindi naging black hole (something to that effect). Natalo ni Mayweather si de la Hoya. Tag-ulan na! Palabas pa rin ang Spider-Man 3.
Future: Dear ihcahieh: You are a moron. Ano na naman itong kabalastugan na magse second degree ka pagka graduate mo? Get real. You can’t even stay an hour in a Math class without feeling uneasy tapos mage Economics ka pa pagkatapos? Ambisyoso ka masyado. I know you love school very much (which for me is so retarded) but this school love should stop some time. You can’t be a student forever. You can obsess with languages, that’s already a given, but I think six years in college is enough and hell no we are not staying for another two-year extension. You better think about this or else an inevitable take-over will happen very soon. I know you won’t give up without a fight. Aray! Wag mo kong pahanginan gago ka, dalawang fireballs lang ang katapat mo! Don’t test my patience. I know even Coma-Boy over here would side with me. Dan the Wrathful
Work: Binibitin kami ng aming opisina. Hindi namin alam kung maa absorb ba kami ng ibang kumpanya or magsasara. Nag apply na nga ako one time pero good time lang yun, I mean hindi seryoso. E gusto ko na nga mag apply ng seryoso ngayon pero di ko magawa kasi konektado pa ko sa company na ito. Hindi ko alam kung bakit ayaw nila mag announce, siguro surprise kunwari. Working full-time is not a choice; I’ve already ruled that one out. Sa ngayon it’s either stop working or continue working part-time. The problem is maraming opening ng Spanish agents ngayon pero wala halos part-time. Kung hindi naman ako makakakuha ng Spanish part-time, ano, English? Una sa lahat pag nag English ako the salary would be cut in half, as in. Pangalawa, kakausap ako ng mga irate na kano? Come on. Believe me when I say that it is way better to listen to an irate Brazilian. Kung magpa part-time man ako ng English, okay lang kahit half ang salary basta ba BRITISH or AUSTRALIAN account. Working in a call center is a tough job at hindi dapat ang kumpanya lang ang may nakukuha sa yo, dapat may nakukuha ka rin sa kanila. So if I could grow a British or Australian accent with half the salary and the same work load then fine. Pero American English? Nyek. Magfo focus na lang ako sa academics. Suspense thriller, yahoo.
Languages: I’m reviewing my Spanish, nag uulit ng librong nabasa ko na dati, nanonood ng TVE. Plano ko mag placement exam sa Instituto ngayong June para makapag enroll at makapag skip ng levels. Kukuha na ako ng DELE sa November para naman may pinanghahawakan na akong proof ng language proficiency. Magagamit ko rin naman ito in the future. Nakakapagod na rin minsan...
0 creature(s) gave a damn:
Post a Comment