Sunday, June 10, 2007

Hindi Nahahati ang Langit pero ang Career Plans Pwede

Juin 4 - 10
Hindi Nahahati ang Langit pero ang Career Plans Pwede

Soundtrack of the Week
  1. El Beso del Final [AGUILERA]
  2. Kembot [AMBER]
  3. One Night Only [BEYONCé]
  4. Makes Me Wonder [MAROON5]
  5. La Descarada [REYLI]
Event of the Week: Hindi Nahahati ang Langit
  • In the very rare occasions that I get to watch that Piolo-Claudine soap entitled Walang Kapalit I never fail to notice that there is some sort of disclaimer in the opening credits saying that it is based on a film (or is it a novel?) called Hindi Nahahati ang Langit. Hello, Cinema One.
  • CHARACTERS: Claudine Barretto’s ‘Melanie’ role is played by Lorna Tolentino. Piolo Pascual’s ‘Noel’ role is played by Christopher de Leon. Jodi Sta. Maria’s ‘Cynthia’ role is played by Dina Bonnevie, whose role in the TV remake is played by Gloria Romero in the movie. Bobby Andrews’ ‘Ronald’ role is played by Edu Manzano, whose role in the TV remake is played in the movie by that old actor always paired with Gloria Romero.
  • SIMILARITIES: The young Melody/Melanie also broke a glass figurine. In the end she also gave Noel a glass figurine as a gift, a scene that is seen in the trailers of the TV version. Magkapatid na di magkadugo din yung 2 bida. Pero ang nakakaaliw dito ay yung ‘Ronald’ character, parehong pareho ang pagkakaganap ni Edu Manzano tiyaka ni Bobby Andrews.
  • DIFFERENCES: The name of the female lead is MELODY, not MELANIE. No one gets pregnant in the movie. No one goes to jail in the movie. In Piolo’s music video of the theme song it is shown that Claudine’s character will get pregnant and go to jail. I wonder why. The Cynthia character in the movie is naive as opposed to the aggressive TV version of the character. The Cynthia character in the movie is from Baguio, not Australia.
  • ENDING: Hindi sila nagkatuluyan. Binigyan lang nung Melody ng glass figurine gift yung Noel. Namatay sa car accident yung Ronald. Nagtangkang mag suicide yung Cynthia pero nabuhay, balik na lang daw siya ng Baguio (Tanga, kung magpapakamatay ka muriatic acid ang tunggain mo para walang ligtas.) I think they’ll use the same ending for the TV version, may scene kasing pinakita sa music video na binigyan ni Melanie ng glass figurine si Noel sa airport tapos they went opposite ways.
  • Bakit sa mga 80’s films nagi Ingles lagi yung character kapag nagagalit?
Riyo Mori’s Blog: Judging from the content mukhang kanya naman. I’ve never really bashed Riyo as much as I did Zuleyka pero kasi lagi ko na lang sinasabi na mas deserving si Kurara kesa sa kanya. After ko mabasa yung English entries ni Riyo (kung talagang siya nga) na guilty ako kasi puno ng pangarap yung tao tiyaka determined talaga siya magtagumpay. Yun siguro talaga ang nagpanalo sa kanya. So Riyo, accept my apology for being such an ass. Congratulations. =)

Kuya Watch: My brother is now sporting reading glasses, yung walang grado, that accessory pseudo-intellectual jocks really love. He went home pissed off from his first day of school. He wasn’t voted president. His vice president last year was voted for the position instead. My brother is neither a jock nor a pseudo-intellectual. I think he’s a politician! Ahaha, may politiko na sa pamilya! Wahaha!

Past Journal Entries: Simula kasi nung nag 18 ako nagsusulat na ako ng journal entries daily. Nung una sa MAUI na hardbound notebook lang siya nakasulat tapos naging computerized. Grabe tawa ko ng tawa, ang saya pala talaga magsulat ng diary kasi mababasa mo paulit ulit yung mga kagaguhang sinulat mo tiyaka talagang maaalala mo yung mga nangyari sa nakaraan. Gusto ko sana i publish kaso yung mga daily journal entries ko NO HOLDS BARRED, in your face talaga ang mga nakasulat, e ang pangit naman kung ise censor. Siguro ipa publish ko na lang online yung mga unang araw ko sa trabaho, title: REMEMBERING TELEXTREME, pero hintayin ko muna matapos hanggang June 25 para hindi foul. Hehehe. Ise censor ko na lang yung ibang parts dun para reader friendly na siya, hehehe. Magsusulat na nga ako ulit ng dailies... saya e!

Work: Tinawagan ako ng ICT. Walang part-time pero pag kailangan na raw talaga e baka kumuha na rin sila. So ang sinabi ko is magfa follow up na lang ako sa kanila after the 15th. Hanggang 15 na lang kasi talaga ang kontrata ko sa current company. Yung hanggang 25 e optional naman yun. Kung makukuha ako sa ICT na part-time o kahit sa ibang call centers for that matter then I would grab the opportunity. I know my boss would understand naman, I’m after job stability. As for the current job medyo na trauma lang naman ako nung Tuesday. E paano ba naman kasi yung 3 Portuguese CSR na kasama ko dati Monday lang ang dayoff so ako lang talaga mag isa. Aba nung Tuesday ba naman wala rin silang tatlo. E di sa akin lahat ang tawag. Kaya nung Wednesday ayun hindi ako nagising sa oras sa sobrang ngarag, absent ako. Hehehe. Full-time is done. Normal na ko ulit!

Future: Welcome to another week of boring future plans! It’s hard to be an ambitious ass like me... The current plan (which could change next week or tomorrow, duh): University of the Philippines [BA Political Science] 03’-08’ (Sa mga hindi pa nakakaalam matagal na po akong nag shift sa Political Science pero di ko binabanggit kasi ayoko na makipagpaliwanagan kahit kanino. Ang magtanong kung bakit, kakagatin ko, promise.) - University of the Philippines [BS Economics] 08’-10’ while working full-time call center (Dapat day shift na Spanish. Meron sa Ambergris. To those who hate the idea of working in a call center, go to hell.) – National University of Singapore [MA Southeast Asian Studies] 10’-14’ (Padalawa dalawang subjects per sem habang nagtatrabaho sa HSBC o kaya sa Deutsche Bank, ambisyoso talaga shet. This is where the Econ degree comes in. I don’t know but I think this is the only way I can penetrate Singapore.) - London School of Economics and Political Science [MSc International Political Economy] 14’-15’ (Dapat makakuha ako ng Chevening Scholarship, 4 years experience na naman by this time. This is the marriage of the two undergrad degrees into one MA degree. Tapos either UN or ASEAN 15’-20’. Tapos Foreign Service 20’-35’. Dapat ambassador na ako by 50 (2035) 35’-45’ lol.

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Film Review

Film Review

Film Review

Book Review