TUESDAY
September 9, 2003
Will I Hide Under This Cap Forever?
Ang unang araw matapos magpatabas ng ulo. Nagsisisi ba ko o natutuwa? Ewan ko ba parang mixed. Una sa lahat, ang sarap pala maligo pag kalbo ka. Ewan parang basta mas masarap ang pakiramdam. Nahihiyya pa langa ko simply because di ako sanay at ang mga tao sa paligid ko na ganito. Di ko pa rin matanggap na mukha akong convict. Bwahahhaa!
People will never see my new hairstyle, a pledge with myself. Sana nga, naging close tuloy kami nung maroon cap na bigay sa kin nila John Paul at Gina nung pasko. Maroon = UP kaya ayos. From my experience, hindi naman maarte ang mga prof sa UP na ayaw nakasumbrero sa klase, di gaya sa Bene na kulang na lang pati tatak ng suot mong brief e idikta pa nila. Ang nakakakita pa lang ng tunay na anyo ng ulo ko ngayon without the cap e si Abet at si Mama, besides them, wala nang iba. Kahit yung katulong hinde, dahil naka cap ako sa bahay. Nakakatakot tuloy pumunta sa kabila this weekend, baka pwershain nilang tanggalin ang cap ko, not ready to face humiliation just yet. Anong excuse kaya ang pwede?
I don’t want to dwell on this issue for the whole week! On with my life kalbo man o hindi, it’s not like the world will stop ritating if ever I stop thinking about it. Bahala na.
Woke up in the mor ning and called the stupid CRS. Same dialogue, “Anong name mo? Anong problema?” E anak ng ina ninyong lahat, pangalawang linggo na to ng pagfa follow up ko no. Daig niyo pa ang amnesia ni Dao Ming Sz ha! Mga leche kayo, pag di na credit ang mga subjects ko padadalhan ko kayo ng Anthrax! Grrr. Nakaka high blood, tumawag ng 11 AM? Bakit? Bwiset ka gusto mong tumawag ako kay Satanas at ipasundo kitang babaeng may salamin na kasing laki ng monitor ng PC ka ha? Pinapag init mo ang kalbo kong ulo! Grr.
Well, pagtapos ng phone duel with Miss Stupid Amnesia e pumasok na ako. Usual late na naman si Mrs. Nice Prof pero ok lang, nag aalmusal pa siya pagdating niya at pinalabas namin siya dahil bawal kumain sa loob ng aircon room. (Joke lang, lumabas siya mag isa, guilty...) Firgures of speech pa rin. First time kong naka cap buong araw. Ang init pala! A ewan. Siyempre medyo mabisyo ako sa pagkain ng lunch kaya busog ako hanggang dinner (not to count the donuts). Kas 2 was fine, the sem favorite with multiple streaks of boredom. Hindi man lang umabot sa US-Iraq war para nakapang away ako ng tao, ay ewan ko ba boring.
Unuwi na ako at matagal naghintay kay Mama at Abet kaya na addict ako sa Storyland! Php50 for tokens and 1 peso coins! Kaka addict yung maghuhulog ka ng tokens na naipon. Ka addict, wala namang sense, nakaka challenge lang talaga siguro. Ewan ba. Di kaya foreshadowing ito na magiging sugarol ako years from now? Gasp! Ahahaha, can’t wait for bingo when I turn 18, lol.
0 creature(s) gave a damn:
Post a Comment