NOVEMBER 6, 2003
You might not know it but I know with all my heart that I am an idiot. Why? Let me share my Greenbelt experience with you! Lolz…Nakakatawa to promise. I’ve always known that I’m an idiot, for the record. But if you think this incident is the most idiotic thing I’ve ever done, wait until you hear how I gave my mobile phone to a snatcher, na wala siyang kahirap hirap, lol.
Enrollment nun, mainit, mahaba ang pila. Nakatayo ako ng dalawang oras sa pila. Mula 10 hanggang 12 ng tanghali nandun ako. Nang ako ay makabayad na, tuwang tuwa ako at umalis na ako. Syempre lunch time, gutom na ako. At kahit meron pa akong kailangang asikasuhin, umalis na ako, hindi naman ganun ka importante, pwedeng paghintayin. November 2003... a ok, second semester of my first year in UPD. Obviously I wasn’t used to the long queues yet.
Sumakay ako ng MRT, wala silang available na Stored Value Ticket, nakakainis. Pero maikli ang pila kaya thank god. Sumakay na ako. Sa wakas, after more than ten stations, bumaba rin ako sa Ayala. Today, I am going to Glorietta, and no one can stop me! Harharhar. This paragraph is so effing retarded. Para bang napakalaking achievement pumunta sa Glorietta. Well, if you’re in Southmall everyday...
Pumasok ako ng SM Makati, at naglakad lakad. Ang nakakatuwa dito sa mga malls sa Makati, pag pumasok ka sa isang side at naglibot ka, mari realize mo na di mo na alam kung san ka nanggaling. Bwahahaha, laughtrip! Nakakatuwa, di parang SM Southmall o ATC na pagpasok mo e alam mo na ang pasikot sikot. Alam mo pa nga kung saan nakaupo yung mga namamalimos dahil suki ka na sa mall na iyon. Lumusot ako papuntang Glorietta at tinignan ang schedule ng cinema sa board.
Ano bang papanoorin ko? Actually, tinopak lang ako manood kaya di ako sigurado. Ano kaya? Ang mga palabas…My First Romance? Star Cinema flick, Bea-JLC + Heart-John, hahaha! Siguro para tangkilikin ang pelikulang Pilipino. Uptown Girls? Brittany Murphy ata and Dakota Fanning. Parang ayoko, and besides, mukhang gurang si Dakota Fanning kahit bata pa siya, parang Gloria Romero na na trap sa katawan ng batang babaeng akala mo e may wrinkles na. Rundown? No idea what this movie is. Bakit ko naman papanoorin tong wrestler turned actor na ito, mukhang it’s not worth it. Identity? Mukhang masaya, at mukhang thriller. Sige nga. For the record I think Identity is one of the best psychological thrillers ever done on film. Unfortunately my parents don’t get it until now no matter how I explain the plot to them. Pero teka! 1 PM pa lang. ano ang pinakamalapit na screening schedule! At dalawa po ang maswerteng nag appear sa listahan. Greenbelt 3, Identity – 1:30 at My First Romance – 1:20. Wow, kailangan kong mamili. At nagdadalawang isip pa ha! Kaya ako ay nagmadali. This statement makes it seem like watching a movie is more of a task than a recreational activity.
Bumili ako ng Teasers on the way. Strawberry. I’ve always liked Strawberry juice but I don’t like the fruit itself. Pero bakit ganito? May buo buong strawberry, di gaya nung sa Bene na juice lang na nilagyan ng yelo. Bumili na rin ako ng McDo para baon! Lunch na at syempre may mangangata ka pa sa loob ng sinehan!
Ang layo ng Greenbelt 3! Kinailangan ko pang lampasan ang Glorietta at Landmark para makarating. Funny. My normal university to home route for the last year has always involved walking from MRT Ayala all the way home to Pasong Tamo. It’s great exercise actually. Ang nakakatuwa lang, e yung nakita ko sa Landmark. Yung dalawang escalator sa entrance na nagli lead papunta sa fastfood. Yun kasi ang naaalala ko nung nagpuputa kami sa Landmark nung bata pa ako, akalain mo bang buhay pa ang dalawang escalator at ang fast food sa ilalim. Holy crap, nostalgia galore. The most vivid memory of Makati weekends when I was a kid was the Ronald McDonald – Jollibee duo standing at the entrance of Landmark and of course the two escalators leading down to the fastfood chain.
Nakarating ako sa Greenbelt 3. Ang saya, ang ganda ng paligid…Nabasa ko, “GREENBELT CINEMA”, o may “s” yata ewan. Umakyat ako ng escalator at pumasok ako. Ang ganda ng bilihan ng ticket sa Greenbelt 3! Parang reception area sa hotel… Holy mother of God, bakit ang probinsyano ng aura ko dito. Tang ina parang gusto ko magtago sa cabinet at wag na lumabas ulit pagkabasa ko nito. Katabi pa ang Timezone at fastfood na mga hindi naman kilala pero mukhang sosyal. Nagpunta ako sa CR para tumawag sa bahay at sabihing nasa Glorietta ako. Yup, what are mobile phones for when you always look for a mall CR to use the payphone and phone home... At nag CR na rin. Nakakatuwa din ang CR nila. Meron pang bantay na janitor na susundan ka kahit saan ka magpunta, para bang may gagawin kang masama sa loob at lahat ng pumapasok ay suspect. Bwahahaha. Automatic ang flush ng toilet. Automatic ang gripo. Magpapalagay nga ako ng ganito sa bahay namin…lolz. Bwahahaha, ulit. Parang amazed na amazed ako ha. Bwahaha.
So, punta na ako sa ticket area. At dahil R 18 ang Identity, kailangan kong maghanda dahil siguradong haharangin nila ako kahit nagsasabi ako ng totoo. This is the consequence of looking too young for your age. Fortunately now that my wardrobe is all black and casual people don’t mistake me for a high school student anymore. I remember when my cousin and I watched Kill Bill. He was 17. I was 18. Pero ako pa rin ang hinarang. Bwiset. Pagdating ko sa reception area, walang tanung tanong yung babae! Actually, ganito yun. My First Romance sana ang papanoorin ko (shet ang baduy) Ditto. I still watched that movie though, sa SM Southmall the same night. Movie addict... dahil nadala na ako nung nanood ako ng The Suspect. Sabi kasi sa poster ng The Suspect, kesyo thriller movie daw, e nung nanood ako nakatulog ako sa loob. I think this was the Eliza Dushku – James Franco movie. Robert de Niro was also in the cast but the movie was boring as hell. Baka ganun din ang Identity! Hindi ako pwedeng maglabas ng 150 para matulog lang! E kaso ang problema ay: lampas 1:20 na, mortal sin para sa akin ang pumasok ng late…And take note! 130 pesos ang bayad ha. Mukhang hindi yata korek yun. Sila Heart pang 130 pesos? Hindi no, pwede na sila sa kakarag karag na sine ng SM. Bwahahaha, inapi talaga si Heart e no. Evil me. So I decided to go with Identity. A decision I did not regret.
May dalawang matandang babae na bumibili ng ticket kaya napapila pa tuloy ako. Syempre pinaglalaban pa nila yung senior citizen privileges nila kaya ang tagal. Nung ako na, ngumiti ako at sinabing, isa nga sa Identity! Wala syang tanung tanong. Alam nya sigurong 18 na ako. Pinapili nya ako ng seat number. Asteg! I’m amazed! May seat number! Lol…para kang sasakay ng eroplano. *Hides under computer table and hits self repeatedly with a 3kg dumbell*E di syempre pumili ako kahit pinapakita sa PC na lima lang yata yung tao sa loob. So oras na magbayad. Syempre class na mall ito, naglabas ako ng 1,000 kahit meron akong 150.00. OMG...“Sir wala po ba kayong smaller bill?” Ang sabi ko, “Wala, hindi kasi ako nagdadala ng barya!” Bwahehehe…joke lang, basta sabi ko wala. Just shoot me, please. E di napilitan sya magsukli. Pagtapos nya akong suklian, hindi na sya kumibo. Naghintay ako, hindi talaga siya nagsasalita! Sabi ko, “Ok na?” Oo daw ok na.
Aba hanep ano! High tech, wala ng ticket ticket! Siguro meron ding PC dun sa entrance ng sinehan tapos merong kung anong kaekekan dun para makapasok ako. Umakyat na ako ng escalator. In fairness sa akin, hindi niya talaga ko binigyan ng ticket kaya akala ko ganun sila ka high-tech. Bwahahahaha.
Lumapit ako sa entrance ng Identity at guess what, hinarang ako ng guard. “R 18 po ito.” Sabi ko oo nga! 18 ako. Away nya maniwala. Nilabas ko yung College ID ko, ayan o 18 nga! Wala na siyang magawa. I think I flashed my UPD ID, which shows no trace of any age determiner in it. Whatever. First let me give my insight about this issue. Bakit ba ganun? Ano bang gusto ng mga tao na ito? Hindi naman siguro kada manonood ako ng sine e magdadala ako ng birth certificate para lang patunayan na 18 na ko di ba? Hindi naman lahat ng tao may ID na nakasulat ang birthday o edad. Siguro magpapagawa na lang ako sa Recto ng ID, may pangalan, picture at mga katagang: “18 na ako.” Wala syang magawa, dahil kung humirit pa sya aawayin ko talaga siya. Aba at mang aaway ng security guard! Sabay sabi ng, “Ticket nyo po.”
Oh no…nakakahiya! Lumapit pa yung isang guard. Sabi ko, “Ay may ticket ba! Ahehehe, san ba kinukuha yun? Kasi walang binigay sa akin e.” pero sa totoo lang gusto ko na sumuot sa pantalon ko sa kahihiyan. I can still feel the embarrassment, hahaha. “Baba po kayo ng escalator sa right side.” E di bumaba. Sabay sabi sa pinagbilan ko na, miss nakalimutan ko yung ticket ko. Nilapitan ako nung dalawang guard at nagbigay ng kuru kuro. “Oo kabibili nga lang nyan ng ticket.” “R 18 po ito.” “Saan nyo po iniwan?” Leche, akala ko pa masasayang yung 150 ko. At yun, na realize ni Miss Ticket na hindi pala nya nailabas yung ticket. Bad Miss ticket, bad! Ang sabi ko naman: “Kasi nawala sa ticket ko e nakalimutan mo rin pala.” Bwahehehe…At pagdating ko sa guard e hiniritan ko pa sya ng, “Akala ko kasi computer ek ek technology at kung anu ano pa.” At nagpalusot pa. Ang sagot lang nya e, “Hindi po blanko po yang PC sa harap ko.” Bwahaahaha, bottom line, nakapasok ako.
Nakakatuwa ang sinehan nila, parang hotel. At kung merong seat number, meron ding stewardess. Lolz. Dadalin ka nya sa seat number mo assuming na hindi ka marunong maghanap ng sarili mong upuan. Could you really blame me, kakawala ko lang sa galamay ng nanay ko no. Hindi naman talaga ko nakakagala ng Makati, hanggang SM Southmall, ATC at Festival Mall lang, hehehe. At syempre, ok din ang mga upuan. Mas maganda sa sinehan ng Festival dahil mas comfy ang seats. Kumbaga sa eroplano, first class to, yung sa SM? Economy lang. At talagang may comparison!
ADVERTISEMENT: Manood kayong lahat ng Identity. Napakagandang pelikula at talagang mapapatalon kayo from the Edsa flyover in excitement. I recommend this movie to all, specially dun sa mga Psych majors, hindi kayo magsisisi. Well to those who have not seen it yet... Ay nako mga KJ kayo gusto ko pa naman magkwento. Sige nood! Mala Sixth Sense at The Others itong movie na ito. No, hindi multo, promise. Ang ganda! Papaniwalain ka ng sobra hanggang ma realize mo sa huli na…basta panoorin nyo! Hahaha, shameless advertising, parang may commission ha, lol.
And the movie is done! Saan ang exit? Natural kung san ka pumasok dun ka lalabas di ba? E kaso ang daming pumupunta sa taas, kaya sinundan ko sila, siguro iba ang exit. May nakasulat, “EXIT” pumunta ko. Pagbukas ko, ayun, corridor na parang bodega, Fire Exit pala, ang tanong ko lang saan napunta yung Fire? Bwahahaha. Oo nga naman, iba ang EXIT sa FIRE EXIT, tsk tsk tsk. Ang saya saya talaga, basta yun, suggestion, wag kayo manonood mag isa para pag may nagawa kayong katangahan di lang kayo ang apektado! Bwahahaha. On the contrary mas maganda nga manood mag isa para may ginawa kang katangahan ikaw lang ang nakakaalam, unless sadyang makati ang daliri mong magkwento ng mga bagay bagay na di naman dapat kinekwento sa Internet... Hay...
LESSONS LEARNED:
Para akong walang kamuwang muwang sa mundo at tatanga tanga nung mga unang taon ko sa college. Pero siguro kailangan talaga daanan ang stage na yun para matuto kang wag maging tanga sa hinaharap. Tanga pa rin ba ako hanggang ngayon. Well I don’t know. Usually naman ang tao sa umpisa lang tanga, kapag natuto na wala na, tapos na ang enjoyment from laughing at your mistakes. On the other hand I envy this November 2003 version of me. It seems like he was so carefree and enjoyed the simple things life has to offer. Siguro yun ang magandang dinudulot ng pagiging tanga. Kapag na defeat mo na kasi ang katangahan mo, at least in my case I ended up as the boring person I am today. How I wish I could still do this, walang plano sa buhay. Go where my feet would take me. Ngayon kasi sa dami ng plano ang lumalabas parang wala na rin akong plano. Ang maganda kasi pag nagpapatangay ka sa agos nag eenjoy ka kahit paano kasi alam mo may daratnan ka rin sa huli e and you get to enjoy the journey. Kapag marami ka namang plano hindi mo na alam ang susundin mo kaya magpapatangay ka na lang din sa agos pero this time you carry an enormous burden of regrets thinking what could have been and what should have been if you pursued plan A, B, C, etc. Anyway this activity is fun. I’ll try to dig up more past journal entries. I psychoanalyze ang sarili! Hahaha. Pahabol: Another thing I envy about my pre-2004 self is that he writes funny articles na walang pakialam kung wrong grammar ba, don’t care about the choice of words. Ngayon everything seems formal and structured when I write. Boring much! Hahaha.
Original Handwritten Entry - 2003
Comments from 2008 Encoding
Comments from 2011 (Import to Blogger from Multiply)
Okay... So I am commenting on the comments made in 2008 for a personal anecdote written in 2003. What to say... Well natawa lang talaga ko dito. When you write about random events about your life on a daily basis, it's really delayed gratification. You see it as a task when you write it, but when you read it after a few years you benefit a lot from laughing at yourself, and getting to know how you were before as a person, as well as your writing style. As for the content, I would still gladly and voluntarily exchange places with my 2003 self. Hanggang ngayon naman kasi tatanga tanga pa rin ako e. Pero mas masarap yung feeling na tanga ka kasi tanga ka lang talaga kesa tanga kasi matigas ang ulo mo at di ka natututo sa mga pagkakamali. In short, issues on maturity, of which I have lots. HAHAHAHAHAHA.
=)
0 creature(s) gave a damn:
Post a Comment