Saturday, November 3, 2012

A Beautiful Affair (ABS-CBN): Kabanata/Episode 1

Kabanata 1
Vienna, Austria. Isang lalaki at kanyang kaibigan ang nasangkot sa isang kaguluhan na may kinalaman sa mga gawaing labag sa batas, kung saan sila ay napilitang tumakas matapos ang banta sa kanilang buhay. Habang hinahabol ng kanilang mga tinatakbuhan, isa-isang nanunumbalik kay Leon (John Lloyd Cruz) ang mga ala-ala ng mga tao mula sa kanyang nakaraan: ang ama at ina na umampon at umaruga sa kanya; at si Edward Pierro (John Estrada), ang pinaglilingkuran ng kanyang ama at siya ring nagpatapos sa kanya sa pag-aaral gawa ng tiwala nito sa kanyang husay sa pagguhit. Hindi batid ang tunay na dahilan kung bakit at paano siya napadpad sa Vienna, ngunit ang kamatayan ng kanyang ina matapos ang isang hindi inaasahang pangyayari ay maaring bahagi nito. Sa kanyang pagwawala at paglalasing ay magkakabangga ang landas nila ni Genevieve (Bea Alonzo) na pumunta sa Vienna upang habulin ang mapapangasawa na umiwan sa kanya at sumama sa ibang babae. Sa kanilang unang pagtatagpo, isang hindi pagkakaunawaan ang magiging dahilan upang ang dalawa ay hulihin ng mga kinauukulan.

Mabilis at kakaiba. Ito ang dalawang pang-uri na unang pumasok sa aking isipan matapos panoorin ang unang kabanata ng palabas na ito. Hindi man naiwasan ng tuluyan na simulan ang paglalahad mula sa pagkabata ng isa sa mga tauhan, makikita naman ang pagtatangka na gawing kawili-wili ang lahat sa pamamagitan ng paggamit sa mga tagpong kapanapanabik gaya ng habulan sa pagitan ni Leon at ng kanyang mga tinatakbuhan. Bagamat inilahad na rin kahit paano ang isang bahagi ng kanyang pagkatao, ito ay ginawa sa pamamaraang nag-iiwan pa rin ng puwang upang hindi mabunyag ang lahat ukol sa kanya, lalo na ang mga dahilan kung bakit niya ginagawa ang mga ginagawa niya. Kilala lamang natin siya ng bahagya at hindi ang kanyang buong pagkatao na magiging dahilan upang naisin natin na kilalanin pa siya ng lubos sa mga susunod na kabanata. Kaunti lamang ang mga tagpo kung saan makikita si Genevieve, ngunit inaasahan na mabibigyan din siya ng kaukulang pansin sa hinaharap. Tamang tama lamang ang pagkakatimpla sa kanilang unang pagkikita kung saan mapapansin na tila marami silang pagkakaiba at ang tanging nagbubuklod sa kanila ay ang hindi magandahang katayuan ng kanilang mga buhay sa mga panahong iyon.

 “A man with honor keeps his word.” --Edward Pierro

Episode 1
Vienna, Austria. A man and his friend gets caught up in a ruckus involving some illegal activities, wherein they are forced to flee given the threat it entails on their lives. As he is pursued by the men from whom they are escaping, Leon’s (John Lloyd Cruz) memories regarding the people from his past are recalled one by one: the father and mother who adopted and cared for him; and Edward Pierro (John Estrada), the man for whom his father worked and who also became his benefactor to finish school thanks to his trust on his drawing skills. The reason as to how and why he ended up in Vienna is unknown, although the death of his mother after an accident might form part of it. Amidst the tipsy outbursts, his paths cross with Genevieve (Bea Alonzo), who comes to Vienna to chase her fiancé, who in turn leaves her for another woman. On their first meeting, a misunderstanding leads to them being arrested by the authorities.

Fast-paced and different. These are the two adjectives that came to mind after I finished watching the pilot episode of this soap opera. While narrating the story from the childhood of one of the characters is not totally avoided, the attempt to make it interesting is apparent by inserting some action-filled scenes such as the pursuit between Leon and his assailants. Even though one part of him as a character is already divulged, it is done so in a way that leaves enough space so that not everything would be revealed, especially the reasons as to why he does what he does. We only know him partially and not as a whole, which serves as a reason for us to want to know him better in the next episodes. The scenes in which Genevieve takes part are few, but it is expected that her role would be given enough attention in the future. The formula used for the two characters’ first meeting is just right, and it is evident how there seems to be more differences between the two of them, with only the dire state of their personal lives at that moment serving as the common denominator.

2 creature(s) gave a damn:

Anonymous said...

Nice review! Enjoyed reading!

ihcahieh said...

@Anonymous - Thanks. Hopefully, I could keep up as this is supposed to be a daily thing. I adore this love team so much!

:)

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Film Review

Film Review

Film Review

Book Review