skip to main |
skip to sidebar
A Beautiful Affair (ABS-CBN): Kabanata/Episode 2
Kabanata 2
Nasa
kagawaran pa rin ng mga kinauukulan sina Leon at Gen, kung saan matindi ang
pag-aalala ng dalaga sa kanilang kasalukuyang kalagayan habang ang lahat ay tila
wala lamang sa binata. Matapos mag-usap ay napagpasyahan na palayain si Gen
habang si Leon naman ay ipapaiwan upang patawan ng parusa. Pinili ni Gen na
magsinungaling at sabihin na kasintahan niya si Leon upang makalaya rin ito.
Nagpasama siya kay Leon sa kanyang dapat na tutuluyan ngunit umurong din matapos
manumbalik ang masasamang ala-ala ukol sa kanyang dapat na mapapangasawa. Sa
halip ay nagpasama na lamang ito sa tinitirhan ng isang kaibigan na kapit-bahay
pala ni Leon. Lumisan pala si Leon ng Pilipinas upang kalimutan ang nakaraan at
makapagpatuloy sa kanyang buhay, na nahihirapan siyang gawin sapagkat sinisisi pa
rin niya ang sarili sa pagkamatay ng kanyang ina. Napag-alaman din na
magkaibigan pala ang mga angkan nina Gen at Edward at sila ay nagkita na bago pa man
siya tumungo sa Vienna.
Bumagal
ng kaunti ang daloy ng mga pangyayari ngunit sa isang banda ay maganda na rin
ang ganitong paraan ng paglalahad sapagkat lalong napagtutuunan ng pansin ang
bawat tauhan, na mahalaga kinalaunan dahil sila ang magiging dahilan upang
subaybayan ng mga manonood ang palabas. Ang mga mabibigat na tagpo ay nasa mga
pagbabalik-tanaw, samantalang ang mga pangkasalukuyang pangyayari naman ay may
mga bakas ng katatawanan at kapwa-tao na unti-unting bumubuo sa magandang samahan
sa pagitan ng dalawang pangunahing tauhan. Ang unti-unting paglalahad ng mga
pangyayari sa nakaraan ay mabisa upang hindi malito ang mga manonood sa mga
bagay-bagay. Sa kabilang banda, marahil ay marami na ang nagsasabi nito, ngunit
makikisama na rin ako sa kanila. ANG GANDA NI BEA ALONZO! Sa totoo lang. Bawat
kuha niya sa palabas na ito ay maaring ipalimbag at gawing larawan na maaring
isabit saanmang sulok ng iyong bahay at ipagmalaki na kunwari ay kamag-anak mo
siya. :)
“Ang hirap hanapin ng isang bagay na hindi
mo naman alam kung paano nawala.” –Leon
Episode 2
Gen and Leon are still stuck at the
police station, where she is obviously stressed and worried about their current
situation while everything seems to be just nothing worth the trouble for him.
After due deliberation, it has been decided that Gen be allowed to go free
while Leon stays to receive his punishment. Gen opts to lie and say that Leon
is her boyfriend so that he could also be set free. She then asks Leon to
accompany her to her supposed accommodation but backs out after an influx of bad
memories regarding her ex-fiancé. She asks him instead to accompany her to her
friend’s place, who turns out to be Leon’s neighbor. Leon apparently left the
Philippines to forget about his past and move on with his life, which he finds
hard to do because he is still bearing the brunt of the blame for
his mother’s death. It is also revealed that the families of Gen and Edward are
friends, and that the two have already met even before she left for Vienna.
The flow of the story slows down a
bit, but in a way this method of narrating the story is actually a good setup because
it shifts the focus to each character, which is important later on because
they would be the very reason for the audience to support the show. The heavy
scenes are mostly in the flashbacks, while the scenes happening at present are
kept light and have traces of comedy and empathy that gradually forge a good
rapport between the two primary characters. The slow reveal of past events is effective
in making sure that the audience do not get much information overload. On the
other hand, perhaps a lot of people have already said this, but I would like to join
the bandwagon. BEA ALONZO IS SO PRETTY! Seriously. Every shot of her in this
show could be printed and turned into a framed photo that you could hang
anywhere around your house and take pride in pretending that she is part of
the family. :)
0 creature(s) gave a damn:
Post a Comment