Saturday, November 3, 2012

A Beautiful Affair (ABS-CBN): Kabanata/Episode 3

Kabanata 3
Matapos malaman na nangangailangan ng salapi ang kaibigan ni Leon na si Fred, pinuntahan ni Gen ang dalawa at iminungkahing babayaran sila kapalit ng pagbugbog nila sa kanyang  dating kasintahan. Ayaw man pumayag ay sumama pa rin si Leon upang awatin ang dalawa ngunit siya man ay hindi nakaiwas makisapak upang ipagtanggol ang dalaga. Matapos ang kaguluhan ay kaladkad pa rin ni Gen si Leon sa isang gabing puno ng inuman, sayawan, at sa huli, halikan. Pilit man ng dalaawa na kalimutan ang mga pangyayari, kinabukasan ay nagkita pa rin sila at inaya ni babae si lalaki na maggala sa Vienna. Samantala, sa kauna-unahang pagkakataon matapos ang matagal na panahon ay kinausap na rin ni Leon ang ama na pilit umuudyok sa kanya na patawarin na ang sarili sa mga pangyayaring hindi naman niya talaga kasalanan, ang pagkamatay ng kanyang ina sa isang sunog na dulot ng ilang sira sa kanilang bahay na si Leon dapat ang gagawa.

Mabagal pa rin ang usad ng mga pangyayari at mukhang ang pamamaraan ng paglalahad ay alinsunod sa mga ginagamit sa mga palabas galing Korea, kung saan kahit ang mga ubod ng liit na bahagi ng mga pangyayari ay binibigyan pansin upang mahusay na maitatag ang bawat bahagi ng pagkatao ng bawat tauhan. Ito ay maituturing na mabisa sapagkat lalong dumarami ang pagkakataon upang maglagay ng mga kakilig-kilig na tagpo na hinahanap ng mga manonood. Maganda kung masasanay ang mga Pilipinong manonood sa ganitong paraan ng paghahayag ng mga pangyayari, kung saan parang nagbabasa lamang ang manonood ng isang aklat na hinihimay ng lubusan ang bawat pangyayari. Ang maaring maging suliranin lamang ay baka mabagalan ang mga manonood sa daloy ng mga kaganapan, lalo pa at araw araw ang palabas na ito at sanay ang mga Pilipinong manonood na bawat kabanata ay may nangyayari dapat na kahindik-hindik o kapanapanabik. Sa isang banda, masarap panoorin ang palabas na ito, sapagkat sinasalamin niya ang mga maari talagang mangyari sa tunay na buhay sa halip na palitan ito ng mga kaganapang nakakawili ngunit hindi naman makatotohanan.

“Alam mo, darating din yung araw na maiintindihan mo kung bakit nangyayari 'to ngayon” – Leon

Episode 3
Finding out that Leon’s friend Fred is in need of money, Gen approaches the two and suggests that she would pay them if they would beat up her ex-boyfriend. Although hesitant, Leon still comes along to persuade the two to back out, but also ends up throwing some punches in defending the girl. After the commotion, Leon is still stuck with Gen, and is dragged into a night full of booze, dance, and eventually, a kiss. Try as they might to forget what occurred the other night, the two meet again the next day, and girl invites guy in a tour around Vienna. Meanwhile, after a long time Leon finally talks to his father, who keeps on urging him to forgive himself for past events for which he is really not to blame, which is the death of his mother in a fire incident brought about by some architectural glitches in their house which should have been fixed by him.

The flow of the events is still slow and the technique used for narration seems to be in line with those shows that come from Korea, wherein even the smallest of details is given due attention in order to firmly establish every aspect of the characters’ personalities. This could be considered as effective as it opens more opportunities for the inclusion of romantic scenes that the viewers apparently like. It would be nice if the Filipino viewing public would get used to such style of storytelling, which is comparable to reading a book that fleshes out every aspect of each event. What might be a potential dilemma would be the viewer finding the pace of the plot to be too slow, given that the show runs daily, and the Filipino audience is used to witnessing something shocking or exciting in each episode. On the other hand, this show is just good to watch because it presents scenarios that could really occur in daily life instead of replacing them with events that are interesting but unrealistic.

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Film Review

Film Review

Film Review

Theater Review