Saturday, November 3, 2012

A Beautiful Affair (ABS-CBN): Kabanata/Episode 4

Kabanata 4
Natuloy din ang pagliliwaliw ni Leon at Gen sa Vienna kung saan unti-unti nilang nakikilala ang isa’t isa sa pamamagitan ng paglalahad ng mga bagay-bagay ukol sa kanilang mga buhay. Karamihan sa mga pagbabalik-tanaw ay kay Leon na naman at lalong pinatutunayan ng mga ito na hirap ang binata na magtiwala sa sarili. Sa kabilang banda, unti-unti nang nahuhulog ang loob niya kay Gen, subalit napatunayan sa kabanatang ito na marami pa silang dapat matutunan sa isa’t-isa upang makapagtaguyod ng isang magandang samahan. Dahil sa mga humahabol kay Leon at sa kaibigang si Fred, nag-away ang dalawa matapos nakawin ng mga ito ang mga ipon ni Leon na nakalaan sa kanyang ama. Hindi naiwasang madamay si Gen sapagkat sa kanyang hinuha ay salapi lamang ang dahilan ng lahat at di niya batid na ilang ulit na ring nagbuwis ng buhay si Leon ng dahil sa kaibigan. Napagsalitaan din niya ang dalaga na tila napakaliit lamang ng suliranin niya kung ihahambing  sa kanya.

Patuloy pa rin akong napapahanga dahil sa iba’t ibang sangkap ng pagsasadula na tila ba bago at hindi natin madalas maranasan sa mga palabas gaya nito. May mga tagpo kung saan hindi lamang makikita ng manonood ang mga pangyayari, kundi mabibigyan rin siya ng sulyap sa kung ano ang nararamdaman ng tauhan sa pagkakataong iyon. Ang mga halimbawa nito ay galing lahat kay Leon. Isa rito ay kung saan masasaksihan ng manonood kung paano unti-unting magkakaroon ng kulay ang paligid habang  tinititigan niya si Gen. Ang isa pa ay habang nagsasalaysay si Gen tungkol sa kanyang pagkabata. Naririnig ng mga manonood ang kanyang salaysay ngunit ang ipinapakita ay ang iba’t-ibang bahagi ng kanyang mukha na napapansin ni Leon sa mga panahon na iyon. Magaling. Mahusay din ang pamamaraan ng paggamit sa mga magagandang tanawin sa Vienna kung saan makikita ang kagandahan ng lugar ngunit hindi nawawala ang dalawang tauhan, kundi nagiging bahagi pa nga sila ng mga ito na tila ba mga larawan na kumakatawan sa isang magandang pagkakaibigan.

 “At the end of the day, yung pagmamahal pa rin ng tao ang sumisira sa kanya. Love builds. It also destroys.” –Gen

Episode 4
Gen and Leon’s tour of Vienna pushes through, which paves the way for them to get to know each other better by sharing some details about their lives. Most of the flashbacks are Leon’s again, and these further prove how he has the tendency to doubt himself. On the other hand, he begins to fall for Gen, but this episode proves that they still have a lot to discover about one another in order to establish a good relationship. Because of Leon and Fred’s pursuers, the two end up fighting after they steal the money that Leon has been saving for his father. Gen could not help but get involved because she thinks that it is all just an issue of money, and she is not aware that Leon has already risked his life several times because of his friend. He ends up unwittingly berating her on how her problem seems so trivial compared to his.

My amusement is still intact thanks to the storytelling techniques used that seem fresh and not commonly experienced in TV shows like this one. There are scenes in which the viewer does not only witness what is happening, but rather also get a glimpse of what the character is actually feeling at that moment. All examples of these are from Leon’s point of view. One of them is when the viewer sees how the background suddenly bursts into colors as he looks at Gen. Another one would be while Gen is narrating something about her childhood. The audience continues to hear her story, but what is seen onscreen are the different features of her face on which Leon is focused at that moment. Cool. The way that the tourist attractions in Vienna are utilized is also craftily done, wherein one could clearly witness the beauty of the place but without the two characters totally disappearing in the background. In fact, they even blend in and become a part of what seems to be a picture symbolizing one good friendship.

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Film Review

Film Review

Book Review

Theater Review