Friday, November 16, 2012

A Beautiful Affair (ABS-CBN): Kabanata/Episode 14

Kabanata 14
Kapwa nakangiting tinapos ni Edward at Gen ang gabi matapos ang kanilang halik at mukhang marami pang maaring mabuo sa magiging pagsasama ng dalawa kapag naisaayos na ni Gen ang gulo sa mga kamag-anak. Sa paghaharap-harap ay ipinakita niya kay Sabrina ang lahat ng nagpapatunay sa kanyang mga kalokohan, na kanyang nakuha sa tulong ni Harry, na bumaliktad na sa ina. Sa kabilang dako naman ay tuloy pa rin ang paghahanap ni Leon kay Prudencio Biglang-awa, ang lalaking nagdala sa kanya sa Maynila nung siya ay sanggol pa lamang upang ibalik sa kanyang nawalay na ina. Sa halip, ang kanyang tatay Emong ang kumupkop sa kanya. Hindi si Prudencio, kundi ang bulag na ampon nitong si Emy (Dimples Romana) ang sasalubong kay Leon, dala-dala ang sandata na handa nitong gamitin mapatunayan lamang na may masamang balak ang binata sa kanya. Pagkatapos ng isang mahabang paliwanagan, maluwag na tatanggapin ni Emy si Leon sa kanyang tahanan, kung saan dating nakitira ang ina ni Leon noong ito ay nagdadalang-tao pa.

Sa wakas ay nahuli na rin si Sabrina, at mukhang may mga balak itong maghiganti. Dapat ba tayong mag-alala? Kunsabagay, hindi pa naman naghahasik ng lagim si Edward sapagkat hindi pa siya niloloko ni Gen, sa ngayon ay kailangan din ng isang tauhan na dapat kainisan ng mga manonood. Mahusay na naman ang pagganap ni Dimples Romana sa tauhan ni Emy. Hindi naman talaga ito isang pangunahing tauhan, ngunit tatak na tatak na agad ito sa mga manonood, at malamang ay hindi na malimutan pa. Naisin ko man na lalong tumagal ang kanyang pamamalagi sa palabas na ito, tila ba gagamitin lamang siya upang tuklasin ang pagkatao ni Leon, hindi gaya ni Edward na mukhang marami pang naitatagong lihim na maari pang mabunyag. Salamat naman at pinili ni Harry ang tama at nagkaroon siya ng lakas ng loob na sumalungat sa ina. Si Natalia kaya? Magkakaroon kaya ng ibang kabuluhan ang tauhan niya sa palabas na ito o kailangan lang talaga ni Ana Roces ng ikabubuhay? Sana naman ay magkaroon din siya ng saysay kinalaunan.

“I like you, Gen” –Edward

Episode 14
Edward and Gen end the day both smiling after that kiss, and it seems as though there is still a lot in store for their budding relationship once Gen gets to settle all the problems hounding the family. During the confrontation, she slaps Sabrina with all the evidence that she has at hand, implicating her of her crime, which is done with the help of Harry, who has chosen to defect. Meanwhile, Leon is still searching for Prudencio Biglang-awa, the man who had brought him back to Manila as a baby to search for his mother. Instead, it is his adoptive father Emong who takes him in. Whom he finds though is not Prudencio, but rather his blind adoptive daughter Emily (Dimples Romana), with shotgun at hand and ready to shoot once she proves that he is up to no good. After a rather lengthy explanation, Emy welcomes Leon with open arms to her abode, where his mother was once taken in while she was pregnant with him.

At last, Sabrina got busted, and it looks like she is plotting revenge. Should we be worried? Besides, Edward has not turned to the dark side yet given that Gen has not betrayed him yet, and for the mean time we need someone whom we could freely revile. Dimples Romana’s portrayal is once again, quite impressive as Emy. She is not really a primary character here, but her presence has surely been felt, and would no longer be forgotten, more or less. Still, although I would like her to remain for a while, I think her role would just be used as a plot device to be used to seek what Leon ought to find about his identity, unlike Edward who seems to harbor more secrets that might be worth revealing. Cool that Harry found the strength to oppose mommy. What about Natalia? I wonder if her character would have any other use in this show, or does Ana Roces just need some income? I hope the character gets to make sense in the long run.

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Film Review

Film Review

Book Review

Theater Review