Kabanata 20
Nagpahain ng tanghalian si Edward
upang alamin kung paano nagkakilala sila Gen at Leon sa Vienna. Mailap naman
ang dalawa sa kanilang mga sagot at bakas ang pag-aalinlangan sa kanilang
pakikitungo sa isa’t isa. Ang kailangan nilang dalawa ay ang mapag-isa upang
maliwanagan sa mga pangyayari, isang bagay na magaganap sa pagtatapos ng
kabanata ngunit mukhang mauudlot din dahil ulit kay Edward. Gayunpaman ay
malalaman ni Gen sa mga salaysay ni Edward ang pinagdaanang panganib ni Leon sa
Austria, ngunit hindi pa malalaman ni Leon ang tungkol sa malagim na pangyayaring
kumitil sa buhay ng mga magulang ni Gen at naglapit sa kanilang dalawa ni
Edward. Hindi naman kinaya ng puso ng ama ni Edward na si Arturo ang
pagbabalik-tanaw sa mga kaganapang nagtulak sa anak na si Carlotta (Eula
Valdes) na layasan sila mahigit 20 taon na ang nakalilipas dahil sa pakikialam
niya sa buhay pag-ibig nito. Ipapakita rin sa kabanata si Carlotta sa
kasalukuyan na tila tumatakas galing sa isang malaking bahay kasama ang isang
batang lalaki.
Kung si Carlotta nga ang ina ni Leon,
may mangilan-ngilang bagay na tila ba hindi tugma. Kung mahigit 20 taon na ang
nakalilipas at ang kanyang kasintahan ang dahilan, paanong magiging isa si
Carlotta at Amina na mukhang wala pa sa wastong gulang noong siya ay nagbuntis?
Kung ito rin ang pangunahing dahilan, bakit hindi ito isinumbat ni Carlotta sa
ama bago umalis, o sadya lamang bang hindi ito ipinakita? Sana naman ay hindi
Pierro si Leon. Makatulong man ang ganitong paglihis ng mga kaganapan sa
pagtatag ng isang palabas na kung saan maganda ang ugnayan ng bawat tauhan,
lalabas naman itong pilit, at malamang ay tumulad din ang daloy ng mga kaganapan
sa ibang palabas kung saan madaling hulaan ang mga pangyayari. Sa ngayon ay
tila itong si Carlotta na lamang at si Leon ang may mga lihim pa sa pagkatao na
dapat pang matuklasan ng mga manonood. Sa ngayon ay hindi pa ako tiwala sa mga
dahilan ni Leon upang balikan si Gen. Bigyan mo kami ng malalim na dahilan,
Leon. Baka mamaya kapag nadapuan ka na naman ng iyong pagkahumaling sa hiwaga
ng iyong pagkatao ay makalimutan mo na naman at isangtabi ang mga tao na nasa
paligid mo na nais ka namang damayan sa iyong mga suliranin.
“Alam mo yung sabi nila sa masasamang damo? Tagal pa niyan” –Ava
Episode 20
Edward
orders for lunch to be served right there at the office to catch up on how Gen
and Leon met in Vienna. The two, however, are when it comes to their response and
it is evident that their treatment of each other is replete with awkwardness.
What they really need is some alone time for some enlightenment on what
really happened to them, which they get
at the end of the episode, but once again Edward butts in. Nonetheless, Gen would
find out about Leon’s life threatening dilemma in Vienna through Edward’s
narration, although Leon is still to be informed about the tragic events that
befell Gen and led to her meeting Edward. Meanwhile, Edward’s father Arturo
suffers a heart attack after recalling the events that pushed his daughter Carlotta
(Eula Valdes) to abandon them, which is due to his meddling with her love life.
She is also shown at present fleeing from a big house with a boy in tow.
If
Carlotta is, indeed, Leon’s mother, there seems to be some things that do not
seem to make sense. If it has been over 20 years and her boyfriend was the real
reason, how are Carlotta and Amina supposed to be one and the same, when the
latter seemed way too young when she got pregnant. If this is also the primary
reason, why did Carlotta not use that as a reason to spite her father before
she left, or was that intentionally omitted? Hopefully, Leon is not a Pierro.
Although this would do wonders in tying everything together into one cohesive
storyline, it would seem all too contrived, and might end up the way some other
shows do when they become too predictable. For now, it seems that only Carlotta
and Leon are the ones left with more interesting secrets worth revealing about
their lives. On another note, I am still not convinced with Leon’s reasons for
getting back with Gen. Give us a better reason, Leon. Once your obsession with
the mystery of your identity kicks in again, you might just end up abandoning
everyone again, even when they are willing to go through thick and thin with
you anyway.
0 creature(s) gave a damn:
Post a Comment