Monday, November 5, 2012

A Beautiful Affair (ABS-CBN): Kabanata/Episode 6

Kabanata  6
Sapat nga ba ang isang gabi upang maging batayan ng isang wagas na pag-ibig? Ito ang mahalagang paksa na tampulan ng usapan ni Gen at Leon habang nag-aagahan. Sa simula ay may paligoy-ligoy kung saan may pagsasahalintulad ng kung ano man ang mayroon sila sa mga sandaling iyon sa pag-aaral ng wikang banyaga at sa pagpili ng tinapay na kakainin. Bagamat kapwa magpapasya na sundin ang utos ng utak sa halip na magpa-alipin sa bugso ng damdamin, magpapakiramdaman ang bawat isa habang nililibot ang Salzburg, hanggang sila ay mapadpad sa harap ng isang balon na nagsasabing may kapangyarihang magpatotoo ng mga kahilingan. Kukuha sila ng tig-isang barya na hahatol sa kanilang kapalaran. Itapon sa balon kung nais kalimutan, itabi kung ibig pangalagaan. Kapwa maghahagis ngunit isa lamang ang lulubog sa tubig ng balon. Sa panahon ng pagpapaalam ay mangangako ang dalawa na walang lilingon ngunit kapwa babaling ang kanilang mga paningin upang masulyapan sa huling pagkakataon ang isa’t isa. Hindi magtatagpo ang kanilang mga titig, at sa gitna ng mga hikbi at luha, bubuksan ni Gen ang palad kung saan masisilayan ang baryang piniling pangalagaan.

Kaunti lamang ang mga pangyayari, subalit ang mga damdamin na napapaloob sa mga ito ay lubhang naghuhumiyaw at mahirap hindi mapansin kahit na ang mga mata lamang ng dalawang tauhan ang nangungusap. Mayroon talagang mga pagkakataon sa buhay, hindi lamang sa pag-ibig, kung saan kakailanganin mong mamili. Hindi ang tanong kung tama ba o mali ang iyong pasya ang siyang mahalaga, kundi ang kaakibat na pagnanais na panindigan ito. Nakakalungkot isipin na ang kapalit ng sandaling pag-aalinlangan ay maaring palang panghabang-buhay na kaligayahan. Minsan, hindi naman talaga ang buhay ang magulo. Tayo rin kadalasan ang nagpapagulo nito. Ano pa nga ba ang saysay na piliin ang kaligayahan sa kasalukuyan kung mananatili ka naming alipin ng iyong nakaraan at nakakulong ka rin sa pangangamba sa bukas na hindi naman tiyak na darating. Malungkot ang kabanatang ito, ngunit kinailangan niyang mangyari. Kung paano paninindigan ng dalawa ang kanilang piniling landas ang siyang dapat abangan ng mga manonood.

Kung hindi natin iisipin yung kahapon o bukas, kung ngayon lang yung mahalaga, anong pipiliin mo? –Gen

Episode 6
Would one night truly suffice as a good foundation for love? This is the main theme of Gen and Leon’s breakfast conversation. There is some beating around the bush in the beginning, drawing comparisons between what they have at that moment and learning a foreign language, as well as one’s choice of morning pastry. Even though both would decide to obey what the mind dictates instead of what the heart truly wants, the two would be sending subtle hints to each other while touring Salzburg, until they end up in front of a fountain that is said to have the power to make wishes come true. Each one would withdraw a coin that would decide their fate. Throw it on the well if the intention is to forget, save it if the goal is to cherish. Both will toss but only one coin will land on the water. As they bid each other goodbye, they would promise not to look back, but both of them will to get a final glimpse of one another. Their gaze will not meet, and amidst all the sobs and tears, Gen opens her hand to reveal the coin that she has chosen to save.

There are only a few scenes, but the overflowing emotions buried in them are simply too hard to ignore even though all of these only occur through the subtle conversation between their glares. There really are instances in life, not only in love, where one simply has to choose. It is not the question on whether the choice is right or wrong that is important, but rather the eagerness to man up to that decision. It is depressing to realize how some momentary doubts could cause one what could have been a lifetime of happiness. Sometimes it is not life that is complicated. Rather, it is us ourselves that make it as such. What is the purpose of choosing bliss at present if you are going to remain a slave of your past imprisoned in constant worry for a future that is not even certain to come. This is one lonely episode, but it just had to happen. What the viewer should anticipate is how those two would live with the aftermath of their chosen paths

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Film Review

Film Review

Film Review

Book Review