Wednesday, November 7, 2012

A Beautiful Affair (ABS-CBN): Kabanata/Episode 8

Kabanata 8
Nang dahil sa isang walang saysay na pangyayaring puno ng karahasan, sa isang saglit ay naging ulilang lubos si Gen. Bagamat naitakbo sa pagamutan ang kanyang mga magulang, hindi na umabot ng buhay ang kanyang ina. Ang kanyang ama naman ay nakapagbilin pa ng gagawin sa kanilang kabuhayan bago tuluyang bawian ng buhay. Sa panahon ng kanyang labis na pagdadalamhati ay sinubukan niyang tawagan si Leon at umasang dadamayan siya nito, ngunit wala siyang napala, sapagkat may sariling suliranin ang binata na kailangang harapin pagbalik niya sa Vienna. Binugbog at halos patayin si Fred ng kanyang mga pinagkakautangan. Dahil dito ay nagpasya si Leon na dumulog na sa mga kinauukulan, subalit mukhang mapapahamak pa siya sa bintang na pagtulong sa kaibigan na labag sa batas ang pamamalagi sa Austria.

Mula sa mabagal na pag-usad ng mga pangyayari noong mga nakaraang kabanata, mukhang mapapabilis naman ang daloy ng mga ito sa mga susunod pa. Sa isang iglap ay wala nang magulang si Gen, at tiyak na ang kaganapang ito ang makakapagpabago sa kanya bilang isang tao. Hindi rin maganda ang nakikitang magiging kalalabasan nito sa kung anuman ang mayroon sila ni Leon. Hindi malayong isipin ni Gen na tinalikuran siya nito sa mga panahong kailangan niya siya. Sa kabilang banda, ang isa sa mga hinahangaan ko sa palabas na ito ay ang mga maliliit na pagpapahiwatig na maaring hindi mapansin sa una, ngunit maaring magkaroon ng mahalagang kahulugan sa huli, gaya ng pagbanggit sa pangalan ni Edward Pierro sa balita, na tila bang nagpapahiwatig ng kanyang maaring maging kaugnayan kay Gen na magiging dahilan upang maging magulo ang lahat sa muling pagpasok ni Leon.

Isang oras lang ang kinailangan para mabago ang buhay ko. Para mawala ang lahat. –Gen

Episode 8
Because of a senseless display of violence, Gen becomes an orphan in one fell swoop. Even though her parents are rushed to the hospital, her mother does not make it alive, while his father manages to instruct her as to what to do with the family businesses before finally breathing his last breath. In her time of great sorrow and in the hopes that she could find a shoulder to cry on, she attempts to call Leon, but all in vain because he has his own dilemma to face as he returns to Vienna. Fred is beaten up and almost left for dead by the people to whom he owes money. Because of this, Leon decides to seek the aid of the authorities, but it seems that he himself would be getting into trouble due to the accusation of abetting a friend who happens to be an illegal alien in Austria.

From the slow pace of events in the previous episodes, it seems that everything would speed up in the coming ones. Gen loses her parents in a instant, and it is certain that this event would have a huge bearing on her transformation as a human being. This does not bode well either on whatever she and Leon have. It would not be that difficult for Gen to think that he has abandoned her in her time of greatest need. On the other hand, what I really admire about this show are the subtle insinuations that that might go unnoticed at first, but might eventually have some meaning later on, such as the mention of Edward Pierro’s name on the news, as if hinting on what role he could probably play in Gen’s life that would further complicate everything once Leon enters the picture again.

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Film Review

Film Review

Film Review

Book Review