Kabanata 39
Nailabas
na rin si Edward sa gumuhong gusali at si Gen ang unang aalalay at sasama sa
kanya papunta sa pagamutan. Maiiwan si Leon sa labas ng gumuhong gusali. Sa
pagkawala ni Edward ay sasamantalahin ni Carlotta ang pagkakataon at ipipilit
ang kanyang mga nais sa pagpupulong sa Pierro Group of Companies, subalit
mapuputol ang kanyang pang-aagaw ng kapangyarihan dahil darating si Edward
upang muling gampanan ang tungkulin, sa halip na magpahinga. Tatanungin nito
ang kapatid kung bakit ito biglang nawala matapos ang pagsabog. Magdadahilan
naman ito, at makakalusot. Sa muling pag-uusap ni Leon at Gen, liliwanagin ng
binata na wala siyang karapatan kahit kailan na umibig kay Gen dahil sa laki ng
utang na loob niya kay Edward, na hindi niya kayang pagtaksilan. Ipipilit ni
Edward na bigyan ng malaking halaga ang mga nasalanta ng pagsabog, ngunit
sasalungat ang kanyang ama at ang mga kasama nito. Sa kanyang pagkatalo, isang
tao ang tatawagan niya at paghihingahan ng sama ng loob, si Gen.
Tapos
na ang pagsabog at ang mga pangyayaring sumunod dito. Ngayon ay balik na tayo
sa agawan ng kapangyarihan. Nakakatuwa rin namang makita ang paligsahang ito sa
pagitan ng dalawang magkapatid, ngunit kitang kita naman na walang laban si
Carlotta kung hindi siya titira ng pailalim, at dahil na rin sa tulong ng
kanilang ama. Sa isang tao na sanay na nananalo, mahihirapan ngang tanggapin ni
Edward ang mga kaganapang ito. Maging nakakatuwa man panoorin ang mga
suliraning naghahati sa kanilang magkapatid, sana naman ay tutukan din ang
buhay pag-ibig ng tatlo. Hindi naman pangunahing tauhan si Carlotta rito ngunit
simula ng siya ay lumabas, tila ba sa kanya na nakatuon ang lahat ng pansin.
Noong una, hinahanap hanap siya noong hindi pa siya nagpapakita. Ngayon naman
labas siya ng labas na sa kanya na lang at sa kanyang pangkat nakatutok lahat!
“Utang ko ang buhay ko kay Edward at kahit
kailan hindi ako magkakaroon ng karapatan sa puso mo” –Leon
Episode 39
Edward
is finally rescued from the collapsed building and it is Gen who accompanies
him and attends to his medical needs en route to the hospital, while Leon is
left behind. Carlotta takes advantage of Edward’s absence and forces her ideas
during the meeting at PIerro Group of Companies, but her power grabbing is cut
short when Edward returns to fulfill his duties instead of resting at the
hospital. He also questions his sister’s whereabouts immediately after the
incident. She utters a white lie, and gets away with it. Leon and Gen finally
get the chance to talk, and he will make it all clear to her that he could
never have the right to be with her, because he is so hugely indebted to Edward
and he could not get himself to betray him. Edward will persuade everyone to
support his idea to give a huge sum of money to the victims of the explosion,
but everyone, including his father will go against him. In his defeat, he turns
to one person to air out his frustration: Gen.
The
explosion and its aftermath are done. Now, we are back to power-grabbing. It is
rather amusing to witness this power struggle between two siblings, but it is
evident that Carlotta does not have a say unless she launches a veiled
counterattack supported by her daddy. For a person used to winning, Edward
would indeed find it hard to accept the unlikely turn of events. Even if this
sibling rivalry becomes interesting to watch, hopefully the focus would shift
back to the three main characters’ love life. Carlotta is not really a main
character here, but ever since she finally appeared, it seems as though
everything started to revolve around her. At first, people were excited for her
appearance when she was still not around, but now that she finally appears,
everything has become all about her!
0 creature(s) gave a damn:
Post a Comment