Friday, December 21, 2012

A Beautiful Affair (ABS-CBN): Kabanata/Episode 40

Kabanata 40
Tanggal na sa kanyang tungkulin si Edward. Matapos makipag-usap kay Gen at maghinga ng sama ng loob ay magpapasya siya na sundin ang sariling nais, ang bigyan ng malaking halaga ang mga nasalanta ng pagsabog sa Pierro Cityland. Dahil dito ay mapipilitan ang kanyang ama na hikayatin ang mga kasamahan na tanggalin si Edward. Idudulog naman ito ni Edward sa kanyang manananggol kasabay ng paratang na sinadya ang pagpapasabog sa Pierro Cityland. Aaminin ni Emy kay Leon na mahal niya ito, isang bagay na ipagsasawalang kibo ng binata ngunit pasasalamatan din. Uutusan ni Carlotta ang isang kasamahan sa Warriors of Light na lumutang at isumbong sa mga Pierro si Rex. Sa kanyang pagkakaipit at pagkakadiin matapos magsulputan ang iba pang mga may nais magpabagsak sa kanilang pangkat, iinom si Rex, kasama ang ibang mga kasama ng lason na ikamamatay nila bago pa man sila mahuli.

Sa wakas! Wala na ang Warriors of Light. Kahit na alam natin na pag-uusapan pa rin ito sa mga susunod na kabanata, ang mabuti ngayon ay naglaho na ang pangkat at hindi na muling makapanggugulo pa. Huwag lang sanang mabubuhay si Rex ulit, na malamang ay hindi naman mangyari dahil hindi naman ito isang katatakutan na pang araw ng mga patay. Ibalik na sa paksang pag-ibig ang daloy ng mga pangyayari, utang na loob. Sana ay malaman na rin ang kaugnayan ni Carlotta upang siya ay mahuli na rin nang sa ganoon ay hindi na sa kanya umikot ang lahat. Ang dapat na paksa ng palabas na ito ay ang magandang pangangaliwa ni Leon at ni Gen, hindi ang pagmamaganda ni Carlotta. Nais ko ring samantalahin ang pagkakataon upang sabihan si Emy ng isang malaking, “Beh, buti nga!” Malandi ka rin kasi e. Magturo ka na lang. Gayunpaman, matatag ang iyong loob, at iyan ay isang bagay na dapat hangaan, ngunit ganoon pa rin. Magturo ka na lang. Isama mo si Carlotta.

“Iniisip ng lahat, papa? O ang inutos mong isipin ng lahat?” –Edward

Episode 40
Edward is relieved of his chief executive duties. After having a heart to heart talk with Gen and airing out his frustrations, he would decide to follow his own instincts and insist on paying the victims of the Pierro Cityland accident a large sum of money. Because of this, his father would persuade the members of the board to vote for Edward’s removal as the chief executive officer of the company. Edward would consult his lawyer regarding this move, along with the accusation that the explosion was planned by someone. Emy admits to Leon that she is in love with him, something that he would try to ignore but also express gratitude towards. Carlotta convinces one of her companions at Warriors of Light to come out and tell the Pierro family about Rex’s involvement. Trapped and left with no other options after people who hold a grudge against his cult emerge, Rex drinks a small vial of poison along with some other cult members, which leads to their death before the police could come to arrest them.

At last! Warriors of Light is history. Even though we know that their name would still be mentioned in the next episodes, at least the organization itself has disappeared from the show and would not be able to do any more harm. Let us just hope that Rex does not get resurrected, which is unlikely because this is not a horror show anyway. Please go back to the love story, which should be the focus of this show, seriously. Hopefully, Carlotta also gets to be exposed so everything would stop revolving around her. The main story arc of this show should be the beautiful affair between Leon and Gen, and not Carlotta’s frequent attempts to hijack the show. I would also like to take the opportunity to congratulate Emy and wish her a big, “Hahaha, loser!” You, flirt. Just go to school and teach. Even so, her courage is something worthy of praise, but still, just go to school and teach. And take Carlotta along with you.

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Film Review

Film Review

Film Review

Book Review