Friday, December 7, 2012

A Beautiful Affair (ABS-CBN): Kabanata/Episode 30

Kabanata 30
Wala pa ring malay si Gen at sa kanyang kalagayan ay mananaginip siya ng isang buhay na kasama si Leon kung saan mayroon silang anak at namumuhay na masaya kasama ang isa’t isa. Ngunit ito ay isang panaginip lamang, at ang katotohanang naghihintay sa pagdilat ng kanyang mga mata ay ang kabaliktaran dahil si Edward ang nasa kanyang tabi at matiyagang nagbabantay at nag-aalaga sa kanya at hindi si Leon. Sa gitna naman ng magandang panaginip na ito ay magiging tila bangungot ang lahat dahil lalala pa lalo ang kalagayan ni Gen. Samantala, kakausapin naman ng kaibigan ni Gen si Leon at sasabihan itong layuan na ang kaibigan dahil maligaya na ito kay Edward. Kahit na ipagtatanggol ni Leon ang sarili ay magpapasya rin ito sa huli na ipaubaya na si Gen kay Edward. Sisisihin niyang muli ang sarili sa mga pangyayari gaya ng lagi na lang niyang ginagawa. Sa kanyang pamamaalam kay Gen ay makikita siya ni Edward na hinahalikan ito sa noo.


Dumating na naman tayo sa bahagi ng kasaysayan ng palabas na ito kung saan ngangalngal si Leon at sisisihin ang sarili sa mga masasamang pangyayari sa daigdig gaya ng pagkakapahamak ni Gen, ang mala-kabuteng pagsulpot-sulpot ni Natalia, at ang patuloy na pagtaas ng halaga ng langis. Magaling man ngumawa si John Lloyd Cruz at nakakadala kadalasan, minsan ay hindi mapigilan ng manonood na maasar at humiling na sana ay may mambugbog kay Leon upang mabigyan naman siya ng iba pang dahilan sa pag-iyak. Marahil ay matutupad din ang kahilingang ito bukas dahil sa pagkakahuli ni Edward sa kanya. Sa uri ng pagkatao ni Leon, hindi malayong bumalik na naman siya sa Austria upang hanapin ang sarili matapos siyang magpasyang isisi na rin sa sarili ang pagpatay kay Lapu-Lapu, Magellan, at ng pusa ng kapitbahay.

“Malaki ang utang na loob natin kay Sir Edward...” –Emong

Episode 30
Gen is still unconscious and in her tranquil state, she will dream of a blissful life with Leon in which they have a kid and they are leaving happily in one another’s arms. However, this is just a dream, and the truth that awaits her awakening is the exact opposite because Edward is the one patiently looking after her, not Leon. In the midst of this beautiful dream, everything would then turn into a nightmare when her condition takes a turn for the worse. On the other hand, Gen’s friend will talk to Leon, asking him to leave her friend alone because she is already happy with Edward. Even though Leon would defend himself, he would eventually leave them be. He would then put all the blame on himself again as he always does. In bidding Gen farewell, Leon is seen by Edward kissing Gen on the forehead.

We have arrived once again in that part of this show’s history where Leon cries at blames himself for the bad things happening in the world such as Gen’s accident, Natalia’s sporadic appearance, and the continuous appreciation of world oil prices. Although John Lloyd Cruz cries so well, and yes he makes you want to cry with him, sometimes it just comes to a point when you wish that someone would beat him up just to give him a different reason to cry. Maybe this would come true tomorrow because Edward caught him. Based on Leon’s character, it would not be too far-fetched to think that he would once again flee to Austria to find himself after deciding to also put the blame on himself for the death of Lapu-Lapu, Magellan, and the neighbor’s cat.

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Film Review

Film Review

Film Review

Book Review