Friday, June 11, 2021

Trese: Kabanata/Episode 1


Kabanata 1
Sa isang pangkaraniwang gabi ay biglang titirik ang MRT. Bababa ang mga nakasakay ngunit hindi na masisilayang muli. Sa halip ay isang tren na puno ng dugo subalit walang mga bangkay ang tanging maiiwang bakas. Makakarating ang balita kay Alexandra Trese (Liza Soberano), ang batang lakan na namamagitan sa daigdig ng sangkatauhan at ng mga kampon ng kadiliman. Kasalukuyang nagsisiyasat sa pagkamatay ni Gina Santos, ang white lady ng Balete Drive, ang dalaga ay hihingan ng tulong ni Kapitan Guerrero (Apollo Abraham) upang lutasin ang nasabing kababalaghan. Sa kanyang pakikipag-ugnayan sa Nuno (Christian Velarde) at kay Ibu, ang diwata ng kamatayan, kanyang matutuklasan ang sabwatan ng isang angkan ng mga aswang at ni Mayor Sancho Santamaria (Rene Tandoc), ang kalaguyo ng white lady na ginagamit ang kanyang katungkulan upang lipulin ang mga squatter at ialay sa mga aswang. Sa tulong ng kambal na sina Crispin at Basilio (Simon dela Cruz) ay susubukang tugisin ni Trese ang kanyang mga kalaban, mapa-tao man o aswang.


Ang kalinangang Pilipino ay sadyang mayaman sa mga alamat at mga nilalang na matagal nang bahagi ng ating kasiyangaan. Sa kadahilanang ito ay sadya namang kamangha-mangha na sa wakas ay mayroon nang pagkakataon upang ibahagi ang mga ito sa buong daigdig sa tulong ng Netflix. Lubos na malikhain ang pagsasalaysay ng matalinhangang buhay ni Alexandra Trese sa tulong ng mabusising pagguhit ng mga tauhan at ng mga tagpo na pinagtuunan ng pansin upang makapagbigay ng timpla na talaga namang akma sa panglasang pinoy mula sa maliliit na bagay gaya ng kulay ng MRT hanggang sa mga putang inang kawani ng pamahalaan na ngayon ay nakikipagsabwatan naman sa mga aswang. Mga hayop talaga kahit saan sila ilagay. Gayunpaman, tila napakaikli naman ng anim na kabanata upang palawigin pa ang pagsasalaysay na ito. Dahil dito ay umaasa ako na madudugtungan pa ang palabas na ito upang lalo nating makilala ang daigdig na ginagalawan ni Alexandra Trese. Kaya manood na tayong lahat at itaguyod ang sariling atin!


Episode 1
On an ordinary night, the MRT stalls. The passengers get off the train but are never to be seen again. Instead, a train besmirched with blood yet without a single corpse is all that is left behind. The news reaches Alexandra Trese (Shay Mitchell), the anointed one who serves as the mediator between the world of humans and the forces of darkness. Currently investigating the death of Gina Santos, the white lady of Balete Drive, the young lady’s aid is requested by Captain Guerrero (Matt Yang King) in order to solve the mentioned mystery. Coordinating with Nuno (Eric Bauza) and Ibu, the goddess of death, she will discover a connivance between a clan of aswang and Mayor Sancho Santamaria (Lou Diamond Phillips), the white lady’s lover who is using his position to get rid of illegal settlers by offering them to the aswang. With the help of twins Crispin and Basilio (Griffin Puatau), Trese will attempt to pursue her enemies, both human and supernatural.


Filipino culture is truly rich in lore and mythical creatures that have always formed part of our identity. It is for this reason that one cannot help but be amazed that an opportunity finally arises to be able to share this to the whole world with the help of Netflix. The narration of Alexandra Trese’s enchanting life is creatively achieved by virtue of the keen attention to detail as far as the animation of the characters and the settings are concerned, which they really focused on to be able to offer a formula that lends a truly Filipino flavor, from the small details such as the color of the MRT all the way to the fucking government officials who are now apparently in cahoots with the aswang. What a bunch of assholes regardless where you put them. Even so, six episodes seem a tad too short to elaborate further on this story. It is because of this that I’m hoping that the show will be extended so we can get to know the world Alexandra Trese operates in way better. So let’s all watch and support what is undoubtedly our own!


 “Minsan walang pagkakaiba ang mga halimaw sa tao.” --Alexandra Trese

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Film Review

Film Review

Film Review

Book Review