Friday, June 11, 2021

Trese: Kabanata/Episode 2


Kabanata 2
NAKALIPAS: Kasama ang batang Alexandra ng kanyang amang si Anton (Eugene Adalia) sa pagsisiyasat ng pagpaslang ng mga dating sundalo at ng kanilang mga alalay na pinatay at tinanggalan ng mga puso. KASALUKUYAN: Hihingin ni Kapitan Guerrero ang tulong ng dalaga upang lutasin ang isang kapanganyayaang dulot ng pabilisan ng mga sasakyan. Ang mga bakas ng sulikap ang magtuturo sa kanya sa pinuno ng mga tikbalang na si Ginoong Armanaz. Sa tulong ng dalawang taong hangin ay makikipagtimpalak si Alexandra gamit ang kanyang sariling sasakyan at kanyang matutuklasan na ang anak ni Ginoong Armanaz na si Maliksi (Steve dela Cruz) ang kanilang hinahanap. Isa pang paghihinala ang magdadala kay Trese kay Bagyon Lektro na pinuno ng isang angkan na may kakayahang gumamit ng dagitab. Sasalakayin siya ng anak nitong si Bagyon Kulimlim na kanilang mapapatay sa tulong ng Nuno at ng kanyang alagad. Babalaan ni Lektro si Trese ukol sa isang paparating na panganib.


Sadyang bitin naman ang bawat kabanata. Sa lagay na ito, tila ang layunin lamang ng unang anim na kabanata ay ipakilala ang iba’t-ibang angkan na dawit sa daigdig ni Alexandra Trese. Sa ngayon ay atin nang nakilala ang mga aswang, tikbalang, taong hangin at ang mga tagabantay ng Meralco. Kaya naman pala napakalaki ng binabayaran natin buwan buwan, mga hayop din pala ang namumuno. Mga hayop talaga kayong lahat ang sasarap niyong sampalin. Sa apat na angkan na ito, sa unang pagkakataon ko pa lamang nakilala ang mga may kakayahang gumamit ng dagitab, gayundin ang mga taong hangin. Sa mga alamat kasi tungkol sa mga nilalang na ito, tanging ang mga aswang at tikbalang lang ang laging pangunahing tauhan. May magpapakita kayang mga manananggal sa palabas na ito? Marahil iyan ang dapat natin abangan. Si Nuno pala ay kilala na rin natin. Hindi nga lang natin alam na mahilig pala siya sa Choc Nut. Mahilig din ako sa Choc Nut. Mukhang magkakasundo kami ng nilalang na ito.


Episode 2
PAST: Alexandra accompanies her father Anton (Carlos Alazraqui) in his investigation regarding a murder case of former soldiers and their bodyguards who are killed, their cadavers left without a heart. PRESENT: Captain Guerrero asks for the young lady’s help in solving an accident brought about by drag racing. The hoof marks will point her to the leader of the tikbalang, Mister Armanaz. With the help of two wind people, Alexandra will compete using her own car and will find out that Mister Armanaz’s son, Maliksi (Manny Jacinto), is the guy they are looking for. One more speculation will bring Trese to Bagyon Lektro who serves as the leader of a clan who has the ability to manipulate electricity. She will be attacked by his son, Bagyon Kulimlim, whom they will be able to kill with the help of Nuno and his henchman. Lektro warns Trese regarding an impending threat.


Each episode is just too short. At this pace, it seems as though the only objective of the first six episodes is to introduce the various clans involved in Alexandra Trese’s world. So far, we have already met the aswang, tikbalang, wind people, and the guardians of Meralco. No wonder we are paying so much on a monthly basis, the leaders are also assholes. You are all assholes it would be my honor to bitch slap y’all. Of these four clans, I am getting to know those who have dominion over electricity as well as the wind people for the very first time. It is just that in folklore it is always the aswang and the tikbalang who are the main characters. I wonder if a manananggal will also appear on this show? Perhaps that is what we have to look out for. Oh, we already know Nuno too, by the way. We just didn’t know that he likes Choc Nut. I am also fond of Choc Nut. I think this creature and I will get along just fine.


 “Yan ang problema sa inyong mga lalaki. Tingin niyo ang lahat ay tungkol sa pera. Tungkol ito sa kapangyarihan at ang kapangyarihan na hinahanap ko hindi mo kayang ibigay.” --Ramona

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Film Review

Film Review

Film Review

Theater Review