Friday, June 11, 2021

Trese: Kabanata/Episode 3


Kabanata 3
NAKALIPAS: Sa tulong ng kanyang kambal na anak ay bubuhaying muli ni Ramona ang dakilang Datu Talagbusao sa pamamagitan ng pag-alay ng mga puso ng kanyang mga pinaslang na sundalo at ng kanilang pinuno. Laking gulat na lang nito ng salakayin silang mag-iina ng naturang panginoon ng digmaan. KASALUKUYAN: Isang manggagamot ang papatayin ng isang nilalang na nagtatago sa kadiliman na tanging mga pulang mata lang ang kapansin-pansin. Dadalhin ng pangyayaring ito sina Alexandra Trese at ang kambal kay Nova Aurora, isang sikat na artista na nasa pangangalaga ni Amang Paso na pinuno ng angkan ng Pulang Lupa. Kanilang mapapagtanto na isang tiyanak ang tumutugis sa magkaibigang manggagamot at artista. Walang awang papatayin ni Aurora sa saksak ang tiyanak na sumapi sa kanyang sanggol na kanilang sadyang pinabayaan sa gubat. Babalaan ni Amang Paso si Trese ukol sa isang paparating na panganib at pagtataksil. Babalikan naman si Aurora ng mga tiyanak upang patayin sa gabing iyon.


Mali bang malungkot sa sinapit ng tiyanak ni Nova Aurora? Sa pagkakataong ito tila tao ang may kasalanan at lamang lupa ang ginawan ng kawalanghiyaan. Gayunpaman, nakuha naman ng barkada ng pinaslang na tiyanak ang katarungan sa huli. Kung tama ang aking pagkakaunawa, ang kambal na anak ni Ramona ay sila ring kakampi ngayon ni Alexandra. Ano nga bang uri ng nilalang ang kambal na ito? Sila kaya ang pinariringgan ni Amang Paso na magtataksil kay Trese? Si Datu Talagbusao ba ang malaking panganib na paparating na kailangan nilang paghandaan? Nasa kalagitnaan na tayo ng palabas ngunit marami pa ring katanungan na hindi pa nasasagot. Kung ako ang masusunod ay nanaisin kong magpakilala sila ng isang mabangis na kalaban bago magtapos ang anim na kabanata upang mabigyan naman tayo ng dahilan upang antabayanan ang mga susunod pang kabanata sa hinaharap. Labis rin pala ang aking paghanga sa gumuhit ng mga tanawing panglungsod ng kalakhang Maynila na talaga namang napakamakatotohanan.


Episode 3
PAST: With the help of her twin sons, Ramona summons the almighty Datu Talagbusao by offering the hearts of the soldiers she slayed along with their leader. Imagine her shock when the aforementioned God of War suddenly attacks all three of them. PRESENT: A dermatologist is killed by a creature hiding in the darkness whose only tangible features are its red eyes. This incident brings Alexandra Trese and the twins to Nova Aurora, a popular actress under the tutelage of Amang Paso, the leader of the Red Earth clan. They realize that a tiyanak is responsible for pursuing the dermatologist and actress duo. Aurora mercilessly stabs the the tiyanak to death which possessed the body of her newborn child that they intentionally abandoned in the forest. Amang Paso warns Trese about an impending danger and betrayal. On the other hand, a group of tiyanak tracks Aurora that night to put an end to her life.


Would it be wrong to feel sad about the fate of Nova Aurora’s tiyanak? This time it’s a human being who is culpable while it’s an otherworldly creature that is victimized. Even then, the slain tiyanak’s bros eventually serve justice. If I am understanding it correctly, Ramona’s twin sons are the very same twins who are now in league with Alexandra. What kind of creatures are they, exactly? Are they the ones being alluded to by Amang Paso who will betray Trese? Is Datu Talagbusao the great danger to come that they have to prepare for? We are already halfway through the series but there are still a lot of questions that are yet to be answered. If it were up to me, I’d wish that they would introduce a big bad before the six episodes come to a close if only to give us a reason to anticipate the future episodes. May I also express my appreciation for whoever drew Manila’s cityscapes, which I must say are very realistic.


 “Kailangan mo munang malaman na may namumuong unos at may mga sinungaling din sa mga kakampi mong handa kang traydurin.” --Amang Paso

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Film Review

Film Review

Book Review

Theater Review