Kabanata 4
NAKALIPAS: Matatagpuang patay ng mag-amang Anton at Alexandra si Ramona habang bihag naman ni Datu Talagbusao ang kambal. Masasaksak si Anton ng panginoon ng digmaan ngunit matatapos ni Alexandra ang lagusan upang maipatapon ang datu. KASALUKUYAN: 50 bangkay ang nawawala sa kanilang libingan habang isang maramihang pagpatay naman ang magaganap sa isang squatters area kung saan ang pinaghihinalaang utak ay ang nakakulong na si Mayor Sancho Santamaria. Maya-maya pa ay sasalakayin na ng mga bangkay na nabuhay ang himpilan nila Kapitan Guerrero. Mapagaalaman nila Alexandra na mayroong nang-angkin sa isa sa tatlong isinumpang batong buhay panawag sa patay na kailangan nilang sabay-sabay sirain upang mapigilan ang pagsalakay. Mahahanap nila ito sa isa sa mga bilanggo na may galit sa mga kinauukulan. Susubukang tuklasin ni Hank (Christopher Carlo Caling) ang katotohanan kay Amang Paso ngunit lulusubin sila ng isang lalaking may bomba sa katawan.
Ako lang ba o tila hindi ganoong kapanapanabik ang kabanatang ito? Gayunpaman mukhang naipon naman sa bandang huli ang mga kaabang-abang na kaganapan dahil akala natin ay matutuklasan na natin sa wakas ang kasagutan sa paparating na panganib. Kung ang Nuno ay mahilig sa Choc Nut, sanay naman si Amang Paso sa inuman. Mukhang magkakasundo rin kami ni Amang Paso. Nakalulungkot lamang na mukhang wala nang sasahurin si Amang Paso sa susunod na kabanata dahil mukhang katapusan na ng matanda. At ni Hank. Binitin na naman nila tayo gaya ng lagi nilang ginagawa. Ang kagandahan lang nito ay mukhang magkikita na sina Hank at Nova Aurora sa kabilang buhay. Nawa’y magkatuluyan silang dalawa at nang makagawa sila ng marami pang mga tiyanak. Kinilig ka naman. Ano ka ba? Kung wala na si Hank, ibig sabihin nito ay hindi siya ang kakampi ni Trese na magtataksil. Ang natitira na lang ay ang kambal at si Kapitan Guerrero. Sa huli, sino nga ba talaga ang magtataksil?
Episode 4
PAST: Anton and Alexandra find a dead Ramona, while the twins are taken hostage by Datu Talagbusao. Anton gets stabbed by the God of War, but Alexandra gets to finish the portal that will serve to banish the Datu. PRESENT: 50 cadavers are missing from the cemetery while a massacre unfolds in a squatter’s area, the mastermind for which is believed to be the incarcerated Mayor Sancho Santamaria. Later on, the zombies begin their siege of Captain Guerrero’s police station. Alexandra realizes that someone is in possession of one of three zombie stones, which they have to destroy together in order to put an end to the attack. They eventually find out that it is held by one of the prisoners who harbors a grudge against the police force. Hank (Jon Jon Briones) attempts to learn the truth from Amang Paso, but they are ambushed by a suicide bomber.
Is it just me or is this episode not that exciting? Even then, it feels as though they packed everything towards the end with all the interesting developments because we thought we would finally find the answer regarding the impending threat. If Nuno is fond of Choc Nut, Amang Paso seems to be a fan of drinking. I feel like Amang Paso ang I will also get along well. It’s just saddening that Amang Paso probably won’t be getting another round of salary anymore because it appears he has met his end. And Hank as well. As usual, they give us a cliffhanger once again. The beauty in this is that Hank and Nova Aurora might end up meeting in the afterlife. May the two of them end up together so they can make more tiyanak babies. And you really thought that’s elating. What the hell is wrong with you? If Hank is indeed gone, then that only means he won’t be the one to betray Trese. The only ones left are the twins and Captain Guerrero. In the end, who will really betray her?
“May malaking mangyayari, Hank. Ayoko nang palaging nahuhuli sa balita.” --Alexandra Trese
0 creature(s) gave a damn:
Post a Comment