Kabanata 5
NAKALIPAS: Magpupulong ang mga pinuno ng mga angkan upang pagpasyahan ang kapalaran ng kambal. Maninindigan si Anton na ampunin at kalingain ang dalawa kahit na hindi sang-ayon dito ang pinuno ng mga aswang. Sisimulan ni Alexandra ang kanyang pagsasanay bilang bagong lakan, ang ika-anim na anak ng ika-anim na anak. Limang taon ang lilipas at sa kanyang pagbabalik ay wala na ang kanyang ama. KASALUKUYAN: Lalantad si Mayor Sancho Santamaria bilang utak ng malawakang pagsabog sa kalakhang Maynila. Gamit ang itim na kapangyarihan ay bubuo siya ng hukbo ng mga bilanggong wala sa katinuan at isang sagupaan ang magaganap sa gitna nila Alexandra at ng mga kalaban. Lalantad si Nuno bilang taksil na nagbigay ng kapangyarihan kay Sancho. Magagawang tapusin nila Alexandra ang laban sa tulong ng mga tikbalang at taong hangin. At sa kanilang buong pag-aakala na sila ay nagwagi na, biglang lilitaw si Datu Talagbusao na matagal na palang nasa katawan ni Heneral Villar.
Ano ba naman yan Nuno wala kang utang na loob. Matapos mong huthutan si Alexandra ng Choc Nut ito lang ang igaganti mo sa kanya. Pinag-iinit mo ang ulo ko hayop ka. Gayunpaman, lumaki pa lalo ang aking paghanga sa mga manunulat. Sino nga ba naman ang magaakala na si Nuno pala ang taksil? Kaya mag-iingat tayo lagi sa mga mahilig mangikil ng Choc Nut. Madalas manggagamit talaga yang mga yan. Kapag nakuha na nila yung Choc Nut mo balewala ka na sa kanila. At kung akala niyo ay tapos na doon, bigla namang may pasabog din si Heneral Villar. May itinatago rin palang lihim si gago. Kamag-anak kaya siya ni Manny tiyaka ni Cynthia Villar? Mamimigay kaya siya ng Camella Homes sa huling kabanata? Ayan na ang pagtatapos. Magaling, magaling, mga manunulat. Kami naman ay inyong sadyang ginulat. Mukhang malinaw na ang huling kabanata ay isang malaking digmaan. Sinu-sino kaya ang kakampi sa magkabilang panig? Nawa’y magkaroon pa ng maraming kabanata. Alam niyo naman ang Netflix minsan...
Episode 5
PAST: The leaders of the various tribes will meet to decide the fate of the twins. Anton insists on taking them in and giving them the care that they need, even if the leader of the aswang tribe does not totally agree. Alexandra begins her training as the anointed one, the sixth child of the sixth child. Five years will pass, and, in her return, her father is no longer around. PRESENT: Mayor Sancho Santamaria reveals himself as the mastermind of the suicide bombings all over Metro Manila. Using black magic, he forms an army of brainwashed prisoners, and a battle will unfold between Alexandra and their enemies. Nuno is unveiled as the traitor giving Sancho powers. Alexandra will get to claim victory in battle with the assistance of the tikbalang as well as the wind people. As they start to believe that they have finally won, Datu Talagbusao suddenly appears, being in possession of General Villar’s body all along.
Nuno, what the fuck, you ingrate. After extorting Choc Nut from Alexandra this is what you do to repay her? You are pissing me off, you a-hole. Even so, my admiration for the writers grew even more. Who would have actually thought that it is Nuno who would be the one to betray them? This is why we should always be wary about Choc Nut extortionists. Most of the time they are just users. After they get your Choc Nut, you will no longer be of any value to them. And if you think it all ends there, General Villar has a surprise of his own. Even this idiot has his own secret. I wonder if he is related to Manny and Cynthia Villar? Will he be giving out Camella Homes on the final episode? And so here comes the ending. Well, well, writers. You really did give us one hell of a good time. It seems all too clear now that the final episode will involve a huge war. And so we wonder who will be teaming up with whom. Here’s to hoping that we get to see more episodes. You know how Netflix can be sometimes...
“Siquijor inang madrasta?” --Hank
0 creature(s) gave a damn:
Post a Comment