Kabanata 6
Isisiwalat ni Datu Talagbusao ang katotohanan ukol sa pagkatao ni Alexandra Trese habang bihag ito ng kambal na panandaliang mapapailalim sa kapangyarihan ng kanilang ama. Ayon sa panginoon ng digmaan, ang ama ni Alexandra ay nagsinungaling sa lahat ubang baguhin ang kanilang tadhana. Hindi talaga namatay ang nakatatandang kambal ni Alexandra matapos itong maipanganak. Sa halip ay buhay itong isinilang at pinatay lamang ni Anton kinalaunan dahil ayon sa itinakda, ang ika-limang anak ng ika-anim na anak ang sisira sa daigdig habang ang ika-anim na anak ng ika-anim na anak naman ang magbabalik ng kaayusan sa pamamagitan ng paghatol at pagbuo ng bagong sangkalibutan. Mananaig pa rin ang kabutihan sa puso ng dalaga at magagawa nitong ipatapon at ikulong ang kalaban sa ibang daigdig sa tulong ng kambal matapos nilang bumalik sa katinuan. Masasawi si Kapitan Guerrero sa sagupaan. Sa huli, isang jiangshi ang mamamataan na nagkakalat ng lagim sa Maynila, isang bagong hamon sa lakan.
Ay, iba rin naman pala itong si Datu Talagbusao ano. Makikipagbasagan na lang ng mukha talagang chumika minute pa muna kay Alexandra si bakla. Marahil ay ito ang isa sa mga bagay na maari pang pagbutihin ng mga manunulat kung dugtungan man ng Netflix ng marami pang kabanata ang palabas na ito. Maaari pa nilang paunlarin ang pagsasalaysay upang hindi naman maipon lahat sa dulo at magmukhang minadali ang huling kabanata. Bukod dito ay maari pang pag-igihin ang mga tagpo ng pakikipaglaban at haluan ang mga ito ng iba’t-ibang uri ng labanan bukod sa nakasanayan nang mabilis na galawan na minsan ay madali na ring hulaan ang kalalabasan. Tila tuloy pa rin naman ang pakikipagsapalaran ni Alexandra kung ibabatay ito sa huling tagpo kung saan makikita ang intsik na halimaw na nagkakalat ng lagim sa pantalan ng Maynila. Mangyari man ito sana ay habaan din nila ang bilang ng mga kabanata nang sa gayon ay hindi naman tayo mabiting lahat.
Episode 6
Datu Talagbusao narrates the truth about Alexandra’s identity as she is held hostage by the twins who are temporarily put under their father’s spell. According to the God of War, Alexandra’s father lied to everyone in order to change their destiny. Alexandra’s elder twin did not really die from stillbirth. Instead, she was born alive but was killed by Anton later on because based on the prophecy, the fifth child of the sixth child would destroy the world, while the sixth child of the sixth child is the one destined to restore order by passing judgment and forming a new world order. The goodness in Alexandra’s heart still reigns supreme and she is successful in banishing and trapping the enemy in another dimension with the help of the twins after they break free from mind control. Captain Guerrero perishes in the skirmish. In the end, a jiangshi is spotted terrorizing Manila, a new challenge for the anointed one.
Wow, Datu Talagbusao, what the hell. In the midst of bashing each other’s face, you really have the time to drop some hot tea on Alexandra first. Story time? Really? Perhaps this is one of the aspects that can still be improved by the writers should Netflix decide to renew this show for another season. They can still work on improving the exposition so that not everything accumulates towards the ending, resulting in a culmination that somehow just feels rushed. Aside from this, there is also a lot of room for improvement as far as the many fight scenes are concerned so that they wouldn’t be reduced to the usual quick movements that tend to be predictable at times. Even then, it seems as though Alexandra’s adventures are bound to continue based on the post-credit’s scene involving the supernatural Chinese creature wreaking havoc at a Manila pier. Should this be the case, may they also extend the number of episodes just so we won’t be left wanting more.
“Ikaw ay si Alexandra Trese. Ika-anim na anak ng ika-anim na anak. Sinasabing magdidikta ng balanse sa pagitan ng mundo ng sangkatauhan at ng karit-an. Ang maghahari sa isang mundo at tatapos naman sa isa. Yun ang propesiyang inilahad noon ng iyong ama ngunit hinaluan ng mga kasinungalingan at mapagpanggap na katotohanan.” --Datu Talagbusao
0 creature(s) gave a damn:
Post a Comment