13. Darna Saves the Day
Ikatutuwa ng sambayanan ang muling pagsulpot ng babaeng lumilipad at mapapamahal agad-agad si Darna sa kanila. Matapos makauwi ay paaaminin ni Roberta ang mga apo sa muling paglabas ni Darna gawang alam naman talaga niya ang lihim na ito ni Leonor noon pa man. Nagtataka lamang siya kung saan nanggaling ang bato dahil nawala na nga ito kasama ni Leonor. Maiinis naman si Regina kay Darna at maghahaka-haka na marahil isa ito sa mga tauhan nila dahil lahat ng pagsulpot nito ay namamataan sa paligid lamang ng kanilang tanggapan. Aatasan niya ang alalay na tuklasin kung sino ba talaga ang babaeng lumilipad. Si Bryan pa lamang ang tumatawag na Darna kay Darna sa ngayon sapagkat naaalala pa niya ang salaysay ng ama tungkol sa pagpapakilala sa kanya ni Darna noong buhay pa ito. Buhay pa pala si Master Claudio at makakatakas mula sa bituka ng tuko. Samantala, magpapakita si Heneral Borgo kasama ng kanyang babaeng alalay at magtataka kung bakit hindi si Zora/Leonor ang Darnang kanilang nasisilayan. #DarnaSavesTheDay