Monday, August 15, 2022

Darna: Episode 1


1. Andito Na Si Darna
Sa loob ng mahabang panahon ay naghari ang kapayapaan sa planetang Marte salamat sa kanilang pinakamahusay na mandirigma na siyang naatasan upang maging tagapangalaga ng isang makapangyarihang bato na nagbibigay ng kakaibang lakas sa humahawak nito. Gayunpaman, isang mapaghangad na heneral ang mag-aasam ng kapangyarihan ng bato, dahilan upang siya ay labanan ni Darna (Iza Calzado). Nagapi man pansamantala ang kalaban ay mapipilitan naman ang magiting na mandirigma na magtago sa daigdig kung saan siya ay magsisimula ng panibagong buhay. Matapos mawala ang asawa ay bubuhaying mag-isa ni Leonor (Iza Calzado) ang dalawang anak na sina Narda (Jane de Leon) at Ding (Zaijian Jaranilla) sa tulong ng biyenan na si Roberta (Rio Locsin). Patuloy din niyang sasanayin ang anak sa pakikidigma bilang paghahanda sa nalalapit na pagbabalik ng mga kalaban. Sa biglang pagsugod ng isang dayuhang nilalang, mabubunyag ang tunay na pagkatao ni Leonor. #Darna


Sa panahon ngayon ay mahirap nang humanga sa mga kathang may kinalaman sa mga bayaning may kakaibang kapangyarihan lalo pa’t naging pangkaraniwan na ang mga ito at talaga namang ang karamihan ay mahuhusay ang pagkakagawa. Ito ang una at marahil ay magiging patuloy na pintas sa Darna. Gayunpaman, maituturing na rin ito bilang pag-unlad kung ihahambing sa mga katulad na palabas sa telebisyon dito sa Pilipinas. Kung ibabatay naman sa mga kasabayan niyang bayani mula sa kanluran ay mahihirapang makipagsabayan si Darna. Sa kadahilanang ito ay dapat bumawi ang mga manunulat sa pamamagitan ng mabisa at kawili-wiling pagsasalaysay lalo pa’t napakaraming pagkakataon nang naipalabas ang kwento ni Darna sa telebisyon at maging sa pinilakang tabing. Bagamat si de Leon ang maituturing na pangunahing tauhan, hindi maikakaila ang kahanga-hangang pagganap ni Calzado bilang Unang Darna at ito na rin marahil ang talagang nagdala sa unang kabanatang ito. Nawa’y mapantayan ito ni de Leon kinalaunan. #Darna


1. The Protector
For the longest time, peace reigned in the planet of Mars thanks to their most skillful warrior tasked to protect a powerful stone that gives its wielder a different kind of strength. Nevertheless, an ambitious general will crave that stone’s power, the very reason for which Darna (Iza Calzado) will engage him in battle. Despite defeating the enemy temporarily, the brave warrior will be forced to hide on Earth where she will begin a new life. In the absence of her husband, Leonor (Iza Calzado) raises her two children, Narda (Jane de Leon) and Ding (Zaijian Jaranilla), as a single mother with the help of Roberta (Rio Locsin), her mother-in-law. She also trains her daughter in battle constantly as preparation for the impending comeback of her enemies. In the midst of an attack by an alien creature, Leonor’s real identity is revealed. #Darna


It is difficult nowadays to appreciate stories that involve superheroes, even more so because they have become commonplace and most of them are truly well-made. This is the first and, maybe, the constant critique that Darna will receive. Nonetheless, we can already consider this as progress if compared to similar TV shows here in the Philippines. If we are to base it on her contemporaries from the west, though, then Darna will have a hard time catching up. It is for this reason that the writers should make up for it through storytelling that is effective and entertaining, given how Darna’s story has already been shown so many times through television and even in the silver screen. In spite of de Leon being the main character, we cannot deny Calzado’s impressive portrayal of the First Darna and this is perhaps what really delivered in this first episode. May de Leon be able to match that later on. #Darna

“Ang pinakamalaking kasalanan ay kapag may kakayahan kang tumulong pero wala kang ginawa.” –Leonor Custodio

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Film Review

Film Review

Film Review

Theater Review