Wednesday, August 17, 2022

Darna: Episode 3


3. Bayan Ni Darna
MAKALIPAS ANG APAT NA TAON. Sa pagtugis sa isang magnanakaw ay muling magtatagpo ang landas nila Narda at Brian Robles (Joshua Garcia), ang binatang tinulungan niya noon na isa na ngayong pulis. Ang alkalde naman na si Zaldy Vallesteros (Simon Ibarra) ang siyang tampulan ng kutya ni Regina na isa na ngayong manananggol at sikat na influencer. Isa sa mga bagong balak ni Zaldy ay ang pagpapasabog ng tibagan upang ibigay ang lupa sa mga kaibigang mangangalakal. Damay sa pagsabog na ito ang kalaban na tinalo at inilibing ni Leonor doon na ngayon ay magpapakalat ng mga luntiang bato na sasanib sa kung sinu-sino. Isa na rito ay ang manggagawa na tinulungan ni Narda noon na may kakaibang lakas na ngayon na kanyang gagamitin upang magnakaw sa pamamagitan ng dahas. Samantala, ang matandang si Rolando (Levi Ignacio) naman ay tutungo sa tibagan at ililigtas ni Narda. Hawak ng matanda ang sasakyang pangkalawakan ni Leonor. #BayanNiDarna



Naaliw naman ako sa pagbubunyag na nasa matandang si Rolando ang sasakyang pangkalawakan ng ina ni Narda. Ngayon ay alam na natin na siya ay isang kakampi at nais ko na ring malaman kung ano ang kanyang maaaring gawin upang matulungan si Narda. Kilala kaya niya si Leonor? Ang isa pang maari nating hangaan ay ang mabilis na takbo ng kwento. Kung ito ay ipinalabas sampung taon na ang nakalilipas ay malamang aabutin din ng ilang buwan bago nila magawa ang kanilang nagawang isalaysay naman sa dalawang araw lamang. Sa lagay na ito ay marahil hindi magtatagal at makikita na rin natin agad-agad ang pagiging Darna ni Narda. Maganda ring pamamaraan ang paggamit sa mga luntiang bato upang gumawa ng mga makakalaban ni Darna. Gayunpaman, hindi rin maiiwasan na maihambing ito sa mga kathang naipalabas na dati kagaya ng Smallville kung saan ang mga unang naging kalaban ni Clark Kent ay nakakuha rin ng kapangyarihan dahil sa Kryptonite na nagkataong luntian din ang kulay. #BayanNiDarna


3. The Strongman
AFTER FOUR YEARS. In pursuit of a thief, Narda will once again cross paths with Brian Robles (Joshua Garcia), the young lad she helped a while back who is now part of the police force. On the other hand, mayor Zaldy Vallesteros (Simon Ibarra) bears the brunt of Regina’s ire who is now a lawyer and popular influencer. One of Zaldy’s new projects involves an explosion at the quarry so he can gift the land to his businessmen friends. Included in the explosion is the enemy that Leonor defeated and buried there which now becomes the source of the spread of green stones that will infiltrate some people. One of them is the worker whom Narda helped once and now has super strength which he will maximize for armed robbery. Meanwhile, old man Rolando (Levi Ignacio) also rushes to the quarry and is saved by Narda. He is in possession of Leonor’s spacecraft. #BayanNiDarna


Consider me amused by the revelation that old man Rolando has the spaceship of Narda’s mom. Now we finally know that he is an ally and I can’t wait to find out what he can possibly do to be of assistance to Narda. Did he know Leonor? Another aspect that we can admire is the fast pacing of the story. If this show was released 10 years ago, more or less it would take them a few months to tell the same story that managed to share with us in just two days. As such, it probably won’t take long before we get to see Narda become Darna. The way they use the green stones to create Darna’s enemies is also worth the mention. Nevertheless, comparison’s to stories that have come out before can never be avoided like Smallville, for example, where Clark Kent’s first enemies also got their powers from Kryptonite which also happened to be green in color. #BayanNiDarna

“Tinaguriang syudad ng kababalaghan ang Nueva Esperanza. Maraming nangyayari rito na nababalot ng misteryo.” –Regina Vanguardia

<<Episode 2                                   Episode 4>>

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Film Review

Film Review

Book Review

Theater Review