5. Lipad, Darna
Tutulungan ni Brian si Narda na mailabas sa kulungan si Ding. Magbabalik ang isa sa mga Extra at magnanakaw sa isang bangko. Hihingi ng tulong si Narda kay Brian ngunit hindi pa rin makatitiis na makialam na hahantong sa kanyang pagkakabaril. Matapos gumaling ay magsisimula na si Narda sa bago niyang hanapbuhay. Masusubukan ang kanyang kakayahan sa gitna ng isang lindol na yayanig sa Nueva Esperanza. Isang gusali ang magigiba at dito magtutungo ang kanyang pangkat upang magligtas ng mga tao na naipit sa lugar na iyon. Mahuhulog ang dalaga sa gitna ng pagtatangka na iligtas ang isang lalaking nakabitin at malapit nang malaglag. Sa kanyang pag-aagaw buhay ay magpapakita ang kaluluwa ng yumaong ina upang sabihan ang anak na handa na siya sa kanyang minanang tungkulin. Galing sa kawalan ay babagsak ang bato mula sa langit. Babangon si Narda upang kunin ang bato at lunukin ito. Sa kanyang pagsigaw ng mga katagang DARNA, magbabagong-anyo ang dalaga at lilipad sa unang pagkakataon. #LipadDarna
Ang bilis naman ng pagbabagong-anyo ni Narda. Limang araw pa lamang ay nakalipad na agad siya. Nagmamadali? Gayunpaman, hindi naman kami dumadaing. Sa totoo lang, maganda nga na ganito kabilis ang mga pangyayari gawang iba na rin talaga ang panahon ngayon at mabilis magsawa ang mga tao. Nararapat na rin na ganito kabilis ang pagsasalaysay. Ang ibig sabihin din nito ay magsisilabasan na ang iba’t ibang kalaban na nakapila upang sagupain si Darna. Pagdating naman sa kanyang kasuotan, tila iba ang dating nito kung ihahambing sa mga naunang Darna. Hindi man binago ang kulay na matingkad na pula at ginto pa rin, mapapansin na hindi na mistulang bikini lang ang suot ni Darna ngayon. Mukhang gayak pandigma na ito kahit na tila kinulang pa rin sa tela. Marahil ay hindi rin naman angkop na baguhin ng tuluyan ang kasuotan niya dahil isa ito sa mga talagang tatak ni Darna. Sa kabilang banda, marami pa ring maaari pang ayusin sa mga tagpo tulad ng paglipad ni Darna na halata pa ring hindi gaanong makatotohanan. #LipadDarna
5. The Stone
Brian assists Narda in getting Ding out of jail. One of the Extras return to rob a bank. Narda seeks Brian’s help once again but still can’t help but meddle, resulting in her getting shot. After her recovery, she begins her new job. Her mettle is tested in the midst of an earthquake that shakes Nueva Esperanza. A building collapses and she heads there with her group to rescue the people who got caught in the accident. The young lass falls down while trying to save a man hanging on the edge who is about to let go. In her brush with death, she sees an apparition of her late mother who tells her that she is finally ready for her inherited task. Out of nowhere, the stone falls from the heavens. Narda gets up to retrieve the stone and swallow it. Shouting the name DARNA, the young woman transforms and flies for the first time. #LipadDarna
Wow, Narda’s transformation came by so quickly. In just five days, she finally gets to fly. In a rush? Even then, we are not complaining. Truth be told, it is good that the events are this fast-paced given how times have changed and people get bored easily nowadays. It is just proper that the storyline is unfolding this quickly. This also means that the many villains lining up to get a piece of Darna will be coming out of the woodwork soon. As for her costume, it does feel a bit different compared to previous Darnas. Even though the glittery red and gold motif has been retained, it is apparent that what Darna is donning now no longer appears to be just a mere bikini. It now looks more like a battle garb despite maintaining its skimpiness. Perhaps it isn’t truly justifiable to modify the costume so much anyway, considering how this has been Darna’s trademark for the longest time. On the other hand, there are a lot of scenes that can still be improved such as the flying scenes that remain to be a tad unrealistic. #LipadDarna
“DARNA!” –Narda Custodio
0 creature(s) gave a damn:
Post a Comment