35. Darna Avenge
Pilit mang itago kay Ding ang katotohanan ay maririnig pa rin niya ito habang nag-usap ang ate ang lola tungkol kay Master Klaudio. Hindi makakatiis ang bata at susugod sa likod-bahay ni Lolo Rolando. Mabubugbog na naman ng wala sa panahon ang kawawang Hergis. Pipigilan ni Narda ang kapatid bilang Darna at magkakasundo ang dalawa na ang pagtitiwala nila kay Hergis ay hindi nila nais kundi isang pangangailangan. Isang Extra na may kakayahang palobohin ang sarili ang makakasagupa ni Darna at madaling magagapi subalit gagawa ng gulo ang bagong Extra nang hindi niya namamalayan sa pamamagitan ng pamiminsala sa isang poste ng kuryente na ikagagalit ng mga tao at isisisi kay Darna sa kabila ng pagligtas nito sa kanila. Sasabayan pa ni Regina ang pangungutya, isang dahilan upang magpakita ng inis si Narda. Kakausapin naman siya ng kaibigan at maliliwanagan sa mga tungkulin at mga hindi magandang maaring idulot ng pagiging isang Darna. #DarnaAvenge