15. Darna City Beasts
Patuloy pa rin ang pangamba ng mga taga Nueva Esperanza matapos kumalat ang mga balita tungkol sa paglabas at pagpatay ng babaeng ahas. Kasabay nito ay dumarami na rin ang mga pangyayari kaugnay ng pagtakas o biglaang paglitaw ng mga ahas kung saan saan. Pati si Narda ay tuliro pa rin sa bawat pagkakataon na maaalala ang babaeng ahas na nakita niyang humulog sa magnanakaw ng sasakyan na nabawian naman ng buhay sa kanyang harapan. Tuliro rin si Regina subalit hindi niya batid kung ano ang dahilan. Dadalawin nito si Narda sa kanyang tanggapan at pasisiglahin ito kasabay na rin ang pagpapaalala rito na nandiyan lamang siya kung kailangan niya ng kaibigan at mapaghihingan ng sama ng loob ukol sa babaeng ahas. Hindi pa rin niya alam na siya rin naman talaga ang babaeng ahas na kinatatakutan ng lahat. Sa pagtatapos ng araw ay maglalakad si Narda pauwi at madudukot ng ilang mga kalalakihan na dadalhin siya sa isang bodega na pinagtataguan nila ng mga babaeng dinudukot. #DarnaCityBeasts
Tila wala namang gaanong nangyari sa kabanatang ito bukod sa pagkakadukot kay Narda. Na naman. Ikaw na ang nais nilang dukuting lahat. Kung alam lang sana nila na ikaw si Darna, malamang ay hindi na rin sila magtatangka. Gayunpaman ay mahusay naman ang pagbibigay pansin sa iba’t-ibang pangyayari. Kung ang nakaraang kabanata ay tungkol lahat kay Valentina at ang mga mahiwagang nangyayari sa Nueva Esperanza, sa kabanatang ito naman ay balik na tayo ulit sa mga sakit ng lipunan na mga tao naman ang may gawa tulad na nga lang nitong pandurukot sa mga kababaihan. Maganda ang ganitong uri ng pagsasalaysay dahil hindi tayo magsasawa. Paano na lang kung puro mga may kapangyarihan ang kalaban, hindi ba? Kailangan pa rin talagang ilapit sa katotohanan ng totong buhay ang ibang mga pangyayari sa palabas upang hindi ito gaanong lumayo at hindi na makahabol ang mga manonood. Mukhang pinaninindigan na rin nila ang paglabas ng Darna sa pagbubukas ng linggo. Abangan! #DarnaCityBeasts
15. The City's Monsters
The inhabitants of Nueva Esperanza continue to worry about their safety after news regarding the appearance of the snake woman and her killing a man starts to spread. Along with this come similar events concerning the escape or sudden appearance of snakes just about everywhere. Even Narda is still traumatized every time she remembers the snake woman whom she witnessed throwing the carnapper off a building before he dies right in front of her. Regina is also anxious but she just cannot pinpoint the reason why. She pays Narda a visit in her office and tries to cheer her up while also reminding her that she is just there if she needs a friend to confide in regarding the snake woman. Regina is still clueless that she herself is the snake woman everyone is afraid of. At the end of the day, Narda walks home and is abducted by some men who will take her to a warehouse where they are hiding the girls that they kidnap. #DarnaCityBeasts
It feels like nothing much really happened in this episode aside from Narda’s kidnapping. Again. We get it, they love kidnapping you. If only they knew that you’re Darna all along, perhaps they will think twice before abducting you. Even then, balancing things out like this is a good thing. If the previous episode was all about Valentina and all the mysterious events in Nueva Esperanza, then this episode takes us back to the social ills for which ordinary people are responsible, like this kidnapping of women. This kind of storytelling is great so we won’t get bored. What if all enemies had superpowers, right? Some scenes on the show still need to approach the perceived reality of real life in a way so it won’t veer too far away and lose its audience because they couldn’t keep up. It also looks like they will continue the tradition of relying on Darna’s appearance to begin the week. Let’s wait and see! #DarnaCityBeasts
“Marami sa atin ang natakot sa babaeng ahas pero alam mo kung ano ang mas nakakatakot? Wala pa ring plano ang mga nasa pwesto. Yes, Mayor. I'm talking to you.” –Regina
0 creature(s) gave a damn:
Post a Comment